SEU: Kabanata 2

14 1 0
                                    

Kabanata 2: When the night changes

Kasalukuyan kaming nasa principal's office ngayon. Ang hindi ko inaakalang 70-year-old na lalaking ito ay isang principal sa SEU. Hindi ito halata base sa kaniyang pananamit.

Ghad! Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina. School of Criminals? Are they serious?!

"Nagtataka ba kayo kung bakit tinawag itong The School of Criminals?"agad kaming natahimik sa sinabi ng matanda. Malamang, ang mga nag-aaral dito ay mga kriminal. "Oh, I forgot to introduce my name. I'm Ibagreo Cortez. You can call me Baggy for short. And I am the principal of Junior High school Department of SEU."

Natawa naman ako sa nickname. Ang unique! Hahaha! Hindi ko mapigilan ang matawa kaya halos gusto ko nang lumusaw nang tumingin ang lahat sa akin.

Okay okay, wrong move...

"A-Ah hehe.. Continue po.."kamot batok na sambit ko.

Ack!! Gusto ko nalang maging kamote para mabaon sa lupa!!

"Dito nag-aaral ang mga menor de edad na nagkaroon ng malaking kasalanan. 25 below, rather. Inshort, rich people who committed crimes are studying here. "Isa isang tinitigan ni Mr. Cortez ang mga co-teachers ko hanggang sa tumigil ang tingin niya sa akin. Shit, galit ata dahil sa pagtawa ko nung nagpapakilala siya.

Bitch, whaaaaat??????!!!!

People who committed crimes????

Kriminal nga??

Darn!

"Don't worry, they're rich. Kayang kaya nila bayaran pati pagsweldo at iyang mga kinakain niyo.. One hundred thousand a month? That's not imposible.. Ang tanging rule nga lang dito ay..."kinakabahan naman ako. Bakit sa dinami-raming paaralan sa Pilipinas ay dito pa ako na-destino??

Argh!! Hindi ako nagtrabaho ng teacher para maging prison guard!!

"Don't you dare to bother what they are doing.. That's the important thing you must know.."huling salitang binitawan ni Mr. Cortez saka kami pinayagan lumabas.

Iginiya kami ng guard papunta sa sari-sarili naming dormitory. I can't help but to think what's happening right now. Sabagay, hindi na dapat muna ako mag isip ng kung ano ano ngayon. Hindi naman porket kriminal ay masama na agad. Malay mo slight lang.

Kinuha ko ang phone ko upang tawagan sila Nanay. Miss na miss ko na agad sila, eh.

"Walang signal dito."napapitlag ako at napahawak sa dibdib nang biglang may biglang tumalon sa likod ng sofa at umupo sa tabi ko. Kung may hawak lang akong dalawang takip ng kaldero ay baka na-pompiyang ko na siya!

Yung green na buhok na babae! Grr!

"Nakakagulat ka naman.." hindi pa rin mawala ang kaba ko. "Atsaka paano ka nakapasok dito sa dorm?"takang tanong ko. Kasama ko ba siya dito sa dormitoryo?

"Nakabukas ang pinto. You must close it before you go to bed... May lipstick ka ba diyan?"biglaang tanong niya.

Naa-awkward man ako ay pumasok ako sa kwarto at kinuha ang lipstick. Agad akong lumabas ng kwarto at naabutan ang babaeng inililibot ng tingin ang dorm.

Iniabot ko sa kanya ang lipstick at pinasadahan siya ng tingin. Kung lalaki lang ako ay talagang magkakagusto ako dito. Mahahabang pilik mata at mapupulang pisngi ang lalong nagpapaangat ng kagandahan niya.

"S-Sorry.. Hindi masyado magandang kulay ang lipstick na 'yan, ibinigay lang kasi sa akin ni Inay yan para magamit ko kapag nag-start na ako sa pagtuturo."Saad ko saka nahihiyang umupo sa tapat niya. Medyo malaki rin kasi itong dorm dahil sa malalaking sofa.

Talagang mayaman ang school na 'to, huh.

"Who said that I will use it?"taas kilay na sambit nito.

Attitude, sayang ang ganda!! Hmp!

"E-Eh anong gagawin mo diyan?"inis na tanong ko. Pinahirapan pa ako halungaktin sa mga gamit ko!

Isang malamig na tingin lamang ang isinagot niya at pumunta sa harap ng pinto.

Napataas ako ng kilay. Anong balak niya sa lipstick ko?

Napaawang ang bibig ko nang ipahid niya ang lipstick sa tapat ng pinto. What the?!

Mabilis ko siyang nilapitan at kinwelyuhan.

"Kung napapangitan ka sa lipstick, hindi mo kailangan ganyanin 'yan!"galit na tugon ko saka sya malakas na binitawan.

Maganda nga, ang pangit naman ng ugali!

She smirked. Bukod kay Mr. Cortez ay ito pala ang may mas nakakatakot na ngisi.

Na tila kapag ngumisi ito sa iyo ay manlalambot ang tuhod mo. Argh! Try ko rin kaya ngumisi para katakutan ako?

"Goodnight."huling sabi nito bago lisanin ang dorm ko.

Naiwan naman akong nagtataka. Wala lang sa kaniya ang ginawa ko?! Hindi ba siya nasindak?!

Napatingin ako sa pinto ko. Hays, ang bago bago ko pa lang dito ay may mantsa na kaagad ang mga gamit. Kailangan ko itong linisin!

Ngunit napatigil ako nang tignan ng mabuti ang nakalagay sa pinto. A circle that has X inside it. Napataas ako ng kilay. Anong trip niya?!

Napailing iling ako saka pumasok sa loob ng dorm. Ngunit hindi ko maitatangging...

Alam kong may mga matang nakabantay sa akin sa labas ng dorm..

Hays! Nakakapagod ang araw na 'to!

Humiga ako sa kama at pumikit. Napagod rin siguro ako sa apat na oras na biyahe namin. Nakakangalay pa doon sa loob ng Van. Siguro ay bukas na lamang ako kakain. Hindi pa rin naman ako gutom.

Napaisip ako sa kung anong mangyayari sa pagtuturo ko. Sana ay mas maging mahaba pa ang pasensya ko sa mga estudiyante. Naging estudiyante rin naman ako, alam ko ang ugali ng mga estudiyante.

Naalimpungatan ako sa isang ingay sa labas ng dorm ko. Tila lahat ay magigising sa ingay sa labas ng dorm. Isinuot ko ang tsinelas ko at binuksan ang ilaw. Naglakad ako papunta sa pinto ngunit napatigil ako nang tumigil ang ingay.

Nakakabinging katahimikan...

Bago ako lumabas ng bahay ay pumunta ako sa kusina at kinuha ang mga sandok. Aba, malaki ang maitutulong nito, ano! Baka may magnanakaw pala doon sa labas ng dorm!

Inilapit ko ang tainga ko sa pinto. Wala naman nang ingay. Pwede na ako matulog. Ngunit hindi ako makakatulog hangga't hindi ko tinitignan ang ingay na nagmumula sa labas ng dorm. Hindi ako pinapatahimik ng kuryosidad ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang sobrang lamig na hangin. Ngunit mas lalo akong nanlamig nang lumapat ang mga tingin ko sa sahig.

"O-Oh my God.."mahinang usal ko habang nakatakip sa bibig.

Dang!

Isang putlang putlang babae na walang dila at may tapyas ang pisngi. Putol ang kamay at mga paa!

Shit!

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Nakatingin sa akin ang babae na para bang humihingi ng tulong.. Pero wala nang buhay..

Gusto kong sumigaw. Pinipilit kong sumigaw pero ni isang letra ay walang lumalabas sa bibig ko.

Mula sa di kalayuan ay nahagip ng tingin ko ang isang lalaking tumatakbo ng mabilis. Sa nakita kong iyon ay mas tumayo ang mga balahibo ko.

S-Shit..



__________

- glimmerblack:)

SEU (The School of Criminals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon