SEU: Kabanata 11

4 0 0
                                    

Kabanata 11:

Intramurals na.

Iginala ko ang paningin ko sa SEU. Ang daming iba't ibang kulay ang damit. Isa ako sa mga teachers na na-grupo sa Tiger Enthusiast. Kulay orange ang grupo namin.

May black phyton, which is obvious naman na black. Mayroon ring Red Diamonds na red. Mayroon ring Blue Legends, at iba pang mga kulay.

Nagtipon-tipon ang mga students sa gymnasium kung saan magsisimula ang intramurals. May mga muse at escorts na maglalaban-laban. Nakakaexcite!

Iginala ko ang paningin ko sa gymnasium. May mga grupong nagpa-practice para sa group yell nila.

May mga estudiyante na tinitignan ang mga nag-gagandahang muse. Pati ako ay namangha dahil sa ganda ng pananamit nila. Mukhang pinaghandaan.

"BLACK PHYTON, BLACK PHYTON, GO!"

"T-I-G-E-R WE ARE THE ENTHUSIAST!"

"RED DIAMONDS, THE BEST AMONG THE REST!"

"WELCOME TO BLUE LEGENDS. BLUE LEGENDS FIGHT, FIGHT, FIGHT!"

Napatawa naman ako sa pang-huli. Ipinangalan ba nila iyan sa larong mobile legends?

Mas lalong lumakas ang sigawan nang rumampa na ang mga muse sa stage. Halos hindi na marinig ang boses ng emcee dahil lahat ng estudiyante ay nagsisigawan.

Kasama ako sa sumisigaw at sumasayaw na ka-grupo ko. Noong highschool pa lang naman ako mahilig na ako sa mga ganitong activities.

Ako ang nasa harap ng grupo namin. Kaya minsan ay napapatingin sa akin ang mga students habang sumasayaw ako. Suot ko ang orange uniform ng teacher para sa Tiger Enthusiast.

Nagpatuloy ako sa pag-cheer hanggang sa lumabas na ang muse ng Tiger Enthusiast. Napamangha ako dahil super ganda niya. Fit na fit sa kaniya ang  pang-vaseball niya na damit. Mayroon bang ganito ka-clear skin? Argh!

"Rachel Stacey Delos Reyes, 18 years of age. From the best group TIGER ENTHUSIAST!!"nagsigawan lahat ng ka-grupo namin maliban sa ibang grupo, siyempre.

Rumampa siya papuntang backstage. Ang ganda niya, shet. Halos malaglag ang panga ko dahil sa dibdib niyang wala pa sa kalahati ang dibdib ko.

Hindi pa rin kami tumitigil sa pagsayaw at pag-yell.

"T-I-G-E-R, WE ARE THE ENTHUSIAST!"buong pusong pag-yell ko. Nakapikit pa ako nyan, ah. Hahahahaha.

Pati mga judges ay napatingin sa akin dahil ako na lang ata ang sinasayaw mag-isa. Kasama ang mga students na pinagtatawanan ako.

Wrong move, Sloane!

Narinig kong may tumikhim sa microphone ngunit hindi ko na inabalang tignan. Alam kong nakatingin ang lahat sa'kin.

Shit, hindi ko alam na magsasalita na pala ang escort kaya tumahimik ang lahat. Grr!

"Raytheon Torregoza. The most perfect build body in this universe. Tiger Enthusiast."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Napakunot-noo ako. Marahil ay dahil sa kaba kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Nang umangat ang tingin ko sa stage ay nakita kong nakatingin pa siya sa akin na may ngisi sa labi hanggang sa tumalikod siya. Nanlaki naman ang mata ko. What the hell is that?

Lahat ng students ay nag-iritan dahil sa kaniya. Gano'n na ba kalakas ang sex appeal niya? Hmp.

Panay ang ngiti ni Rachel doon kay Raytheon. Mukhang may namamagitan, pft.

SEU (The School of Criminals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon