Kabanata 10: Familiar Scent
SLOANE'S POV
Halos dalawang linggo na akong nagtuturo sa SEU. Ilang linggo na lamang ay pu-puwede na akong maka-bisita kina Nanay. Napangiti naman ako. Matagal-tagal na namang yakapan ang gagawin naming mag-pamilya.
Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko pa rin nahahanap si Grace. Maaari kayang pinatay rin siya?
Kasalanan ko 'to, eh. Kung hindi ko siya iniwan doon sa madilim na parte ng SEU ay baka kausap ko pa rin siya hanggang ngayon.
"Told yah, she's fine."
Nagulat ako nang umupo sa harap ko si Maddie. Sa loob ng dalawang linggo ay napanatag na rin ang loob ko sa babaeng 'to. May pagka-mysterious pero keri lang.
"Do you know where she is?"I asked.
"Nope."tipid na sagot niya saka kumain ng burger.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Kumakain ako ng ice cream. Libre naman 'to, eh. Kaya puwedeng-puwede na bumili ng limang ice cream.
"Punyemas, Israel. Limang buwan ka bang hindi kumain?"Maddie crossed her arms while looking at my five ice creams.
"Mali ka,"biro ko.
"Tss,"
"Limang buwan at isang araw! Hahahahahahaha.."kahit alam kong corny ang joke ko ay tinawanan ko pa rin. Syempre, I support myself.
"Himithit ka ba ng mais?"
"Medyas lang. Hahahhaahaha."patuloy pa rin ako sa pagtawa hanggang sa samaan niya ako ng tingin.
Mukhang napipikon.
"May announcement raw mamaya sa gym, ah. Ano kaya 'yon?"pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang pikon na talaga siya.
"Dunno,"
Ang sungit talaga ni Maddie. Parang timang, eh. Nag iipon ba siya ng mga salita? Nagtitipid, eh.
"Nyenye,"nag-make face ako saka nilantakan ang ice cream.
Matapos naming kainin ang lahat ay dumiretso na kami sa gym. Andito sina Danielle, Marisse, at Lou.
Yes, I have new friends. Mga ka-co-teachers ko.
Si Danielle ay iyong babaeng pak na pak ang itim na lipstick sa Van. Oh, di ba? Tandang tanda ko pa. Si Lou naman ay iyong pulang pula ang buhok. Tropa yata sila ni Maddie Damo, eh. Maddie Damo ang tawag ko sa kaniya dahil kakulay ng damo ang buhok niya. Pikon na pikon nga tuwing tinatawag ko siyang Damo, eh.
Si Marisse, maganda 'yan. Matagal na siya sa SEU. Hindi ko nga akalain na may friendly rin pala na mga teachers dito.
"Sinong emcee mamaya?"biglang tanong ni Lou.
"Si Sir Red daw ang emcee at si Marisse, eh. Ang pogi kaya no'n!"kinikilig na sambit ni Lou.
"Talande,"bulong ni Maddie na narinig naman ni Lou. Hinampas-hampas niya ito ng bag niya pero malalamig na tingin lamang ang iginaganti ni Maddie. Sanay na kami diyan, puro cold stares, e pangit naman. Charot! Baka mabasa na naman ang isip ko.
Si Sir Red ay iyong pogi na nasa van dati. Iyong brown ang buhok. Akalain mo iyon? Red ang pangalan niya pero brown ang buhok. Hahaha! Okay, I'm getting corny now.
"Yep, sabay kami mamaya ni Sir papasok ng gymnasium. Siyempre may pa-kaunting harot muna."ani Marisse.
Natatawa na lamang ako minsan sa pag-ambisyon nila kay Sir Red. Halos magkandarapa sila sa paghahabol, eh.
BINABASA MO ANG
SEU (The School of Criminals)
General FictionAng Unibersidad kung saan nag aaral ang mga kriminal. The South East University (SEU) o mas bantog sa pangalan na Criminal's School.