SEU: Kabanata 1

31 2 2
                                    

Kabanata 1: The beginning

SLOANE'S POINT OF VIEW

"Congrats, nak! Hayaan mo't ipagluluto kita ng kaldereta bukas!"galak na sambit ni Nanay saka ako hinalikan sa noo.

"Yes!! Mataas na sweldo ni ate!! May pambili na siya ng sapatos ko!"sigaw ni Alvin habang yakap yakap ako.

Aba tuwang tuwa 'tong mga 'to. Mukhang balak ubusin ang sweldo ko.

Sabagay, para sa kanila naman talaga kung bakit ako nagtatrabaho. Upang maiahon ko sila sa hirap.

"Aba, dapat kapag binilhan kita ng sapatos, huwag puro babae aatupagin mo ah! Focus sa pag-aaral!"sermon ko kay Alvin na ngiting aso na ngayon. Naku, ewan ko ba kung saan 'to nagmana ng pagkababaero.

"Ate ako din! Balita ko kasi may bagong labas na cellphone! Kawawa naman kasi itong keypad ko na cellphone. Halos hindi na mapindot sa sobrang tagal!"singit naman ni Dianne. Umaangat ang pagka-chinita nito dahil sa ngiti niyang matatamis.

"Wag magboboypren kapag nagka-cellphone ka na, ah? Tatadyakan ko talaga kayo kapag nagboypren agad kayo!"pangaral ko saka pinalapit sa akin si Dianne at inakbayan.

Napangiti naman ako nang makita ang bunso kong kapatid na kinakalabit ako. Pinisil ko ang mabibintog at mapupula nitong pisngi.

"Ate..Bili mo ako toys po.."usal ni Angel habang binubulong sa akin ang mga kataga.

"Aba, kayo talagang mga bata kayo. Mag a-abroad ba ang ate niyo at nanghihingi kayo ng pasalubong?"natawa ako sa sinabi ni Nanay.

Puno ng kasiyahan at kuwentuhan ang buong bahay. Nagkukuwetuhan sa school kung saan ako na-destino. Nabanggit pa nga ni Nanay na hindi niya pa naririnig ang pagtuturuan kong school, eh.

"Mamimiss ka namin ng mga kapatid mo, 'nak.."naluluhang sambit ni Nanay.

Hindi ko rin tuloy mapigilan ang maiyak. Kasi naman, e. Halos araw araw kaming magkakasama sa iisang bahay tapos madedestino ako sa ibang lugar. Hayssss.

"Buwan buwan naman ay pupuwede akong umuwi, Nay. Kaso nga lang ay baka malayo kaya mahirapan akong umuwi."Saad ko.


Dalawang buwan pagkatapos nito ay aalis na ako. Matagal pa naman iyon kung tutuusin ngunit ma-imagine ko pa lamang na hindi na kami magkakasama ng pamilya ko ay isang malaking dagok na sa akin.

South East University. Iyan ang sinabi sa akin na school kung saan ako ma-dedestino. Kahit minsan ay hindi ko narinig ang paaralang ito. Siguro nga ay malayo talaga ito kumpara sa lugar namin.


======

Makalipas ang halos dalawang buwan ay lilipat na ako sa school na pagtuturuan ko. May mga dorms naman doon kaya hindi na ako mahihirapan na maghanap ng matitirahan. May tatlong libo naman ako na baon at wala na akong dapat gastusin sa pamasahe papunta sa SEU. Susunduin ako ng van kasama ang iba pang mga teachers.

"Ate, wag niyo kakalimutan ang sapatos ko ah?"ngumuso si Alvin. Binatukan naman sya ni Tatay.

"Ikaw puro ka sapatos, tsitsinelasin na kita diyan, eh!"kantyaw ni Tatay na ikinatawa ng lahat.

Kasalukuyan akong naghahanda ng gamit at andito silang lahat sa kwarto ko. Si Nanay ay nakasandal sa pinto habang si Alvin ay nakayakap sa bewang ko. Si Dianne naman ay kalong si Angel at nakaupo sa kama. Si tatay ay nakaakbay kay Mama habang nakangiti.

SEU (The School of Criminals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon