Kabanata 12: Darkness
SLOANE'S POV
"Ghad. Nakakapagod ang intramurals. Paggawa ng designs, mga decorations ganern. Nakakapagod gumawa, duh!"reklamo ni Danielle. Kasalukuyan kaming nasa harap ng dormitory ko at hinihintay ang pagsuot ko ng sapatos para makaalis na kami.
Ikalawang araw na ito ng Intramurals ngunit sa harap ng faculty namin ay walang naka-paskil na schedule ng sports na gaganapin ngayong araw. Ang nakalagay lang ay iyong black na paper at may nakalagay na COMING SOON 💀Nakakapagtaka lang.
"Hoy Margarette, milyones ba ang halaga niyang sapatos mo at dahan-dahan ka pa magsuot? Aba'y bilisan mo, Ineng!"si Lou.
Ngumuso naman ako saka nagsapatos. Isinuot ko ang denim jacket ko saka kinuha ang shoulder bag na grey. Inilock ko ang pinto ng dorm saka tumingin sa kanila.
Ano kayang sports ngayon at may pa-surprise ang SEU?
Nang makarating kami sa gymnasium ay puno na ng mga estudiyante ang loob nito. Lahat sila ay nakaitim maging ang ibang grupo. Kumunot naman ang noo ko. Pansin ko rin ang mga panyo na hawak hawak nila.
'Di ba ko informed at ako lang ang nakaorange????
Dang.
Rinig ko ang hagikhikan ng mga estudiyante habang papasok kami sa loob.
"Hoy, Damo. Bakit naka-black kayong lahat at hindi niyo man lang ako in-inform?"tanong ko kay Maddie.
Packsheet lang, pa'nong hindi ako pagtitinginan ng mga estudiyante eh ako lang ang iyong naka-orange? Grr.
"Bobo, 'di ka ba nakinig kay Tanda?"
"Tanda?"
Kumunot ako ng noo.
"Cortez."
Tumaas ang kilay ko. Walang modo! Bastos!
Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa puwesto ko kahapon. Napatingin ako sa babaeng naka-Black na formal dress. May suot itong heels na itim na itim din. Mukhang mamahalin.
Ang malamig na tingin nito ay nakakapanindig balahibo.
Napatingin ako sa stage nang tumikhim si Sir Red. Ang haircut nito na bagong bago sa paningin ng lahat ng tao. Nagpakulay rin ito ng blue na buhok.
Kaya ang ending? Nganga ang mga katabi kong may lahing pagkaharot.
Maliban kay Maddie, siyempre. Always mad. Lol.
BINABASA MO ANG
SEU (The School of Criminals)
General FictionAng Unibersidad kung saan nag aaral ang mga kriminal. The South East University (SEU) o mas bantog sa pangalan na Criminal's School.