SEU: Kabanata 7

10 1 2
                                    

Kabanata 7: The rule

SLOANE'S POV

Isang malaking dagok sa akin kung bakit ko sinundan ang babaeng iyon. Nasisigurado kong hindi ko siya estudiyante.

Marahil ay nagawa niyang makapasok sa room dahil sa kagustuhan niyang patayin si Loira. They're crazy. Nagpapatayan silang lahat.

Ngayon ay nakatalikod pa rin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. Napatingin ako sa babae na pumatay kay Loira.

Wala na siya sa puwesto niya.

Nanghihina man ang tuhod ko ay nagawa ko pa ring humarap sa lalaking alam kong nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang mukha niya.

The Grey Hair Man.

Tumayo ako ng maayos at inayos ang pantalon ko.

"G-Go to your classroom, now."utos ko pero nanatili lamang siyang nakatingin sa akin ng mataman.

Hindi man lang siya ngumingiti.

"I'm a college student. Hindi mo ako student."

"I'm still a teacher... Na dapat sundin."hindi ko magawang titigan ang lalaking nasa harap ko.

Damn! Ang bango niya. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Hindi masakit sa ilong at tamang tama lang sa pang-amoy. Lalaking lalaki.

Sa halip na pansinin ako ng lalaki ay tumingin siya sa bandang likod ko.

"I knew it."

Napatalikod ako sa tinitignan ng lalaki.

Ang bangkay ni Loira.

"What do you mean?"tanong ko. Nanatili lang siyang nakangisi sa bangkay ni Loira.

Bahagya siyang naglakad palapit sa bangkay ni Loira habang ako naman ay naistatwa sa kinatatayuan ko at patuloy lang ang pagsunod ng tingin sa kaniya.

"A-Ano ba! Bakit hindi mo ako pinapansin?! Anong mayroon? Anong 'you knew it' ang pinagsasabi mo?!"inis na sambit ko. Sobrang stress na ako sa bawat nangyayari.

"Kahit minsan ba, you didn't even think why did Alessandra stabbed Loira?"

Doon ako napatigil. Napatungo ako at tumulala.

Bakit nga ba ako sinagip ni Alessandra? Bakit niya nagawang saksakin si Loira ng ganon kadali para iligtas ako??

"Because Sandra betrayed Loira too. How funny."tumalikod siya saka humarap sa akin.

"H-How did you know that?"utal kong sambit.

"I am not Raytheon Torregoza if I don't know everything."

"P-Paano mo nalaman na trinaydor ni Sandra si Loira, huh? Do you have a proof?"pagmamatigas ko.

"Here in SEU don't need proofs. I hold the power."consistent niyang sagot.

"P-Paano nga?"

"I am the rule, Miss Israel."he smirked before he left where Loira is.

Naiwan akong nakatulala.

He is the rule? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. I can't help but to think of what he said.

"Sloane, Lunch na tayo?"napaigtad ako nang tawagin ako nung babaeng nerd mula sa labas ng room.

"O-Oh, wait." Sambit ko saka kinuha ang bag na may dalang pera ko saka lumapit papunta sa kaniya.

SEU (The School of Criminals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon