7

80 19 0
                                    

AMORA


Nagising nalang ako umaga na, naka tingin ako sa may labas ng bintana ninanamnam ang sarap ng simoy ng hangin sa umaga. Naalala ko nga pala wala na'kong trabaho, kaya wala naman akong gagawin. Humilata ulit ako at nag muni muni ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa kabilang banda. Boses ni Ms.Sandra.

"Hello po Ms.Sandra," sabi ko.

"Amora saan ka? Kanina pa nag aantay sa tapat ninyo si Sir Daniel?" sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya,dahil alam kong wala na'kong trabaho anong ginagawa ni Sir Daniel sa tapat namin?

"Po bakit po?" nag tatakang tanong ko.

"Basta bilisan mo mag bihis kana inaantay ka niya," nag mamadaling sabi ni Ms.Sandra.

"Pero bakit? Hello? Hello po? Ms.Sandra?" pinatay ang telepono. Agad naman akong tumingin sa may bintana para silipin kung nandoon nga ba talaga si Sir Daniel sa baba. Pag silip ko rito ay nandoon nga ang kotse niya nag aantay sa may tapat namin.

Bakit nandito 'to? Papakulong naba ako? Jusko po! Maawa kayo sa 'kin hindi pa ako nakakapag trabaho ulit? Paano nalang ako tutulong kayla manang Ester?

Nag madali na'ko tulad ng sinabi ni Ms.Sandra agad agad akong naligo at nag bihis, bumaba na'ko kahit wala pa akong kain, nakita ako ni manang Ester na nag mamadali palabas ng pintuan.

"Amora diba wala kanang trabaho?" nag tatakang tanong niya, habang hawak hawak ang pang gupit ng mga halaman.

Tumango naman ako at kinuha ang guting sa para sa halaman. "Paheram po muna," sabi ko.

"Ay teka teka sa'n mo gagamitin?" sabi ni manang Ester,habang sumusunod sa 'kin palabas ng pintuan.

Pag ka labas na pag ka labas ko ng pinto, agad bumungad sa 'kin ang isang pormadong lalaki, at tila naka tayo ito sa may tapat ng gate namin, at ang ganda pa ng pag kaka ngiti.

"Amora let's go---" naputol ang sasabihin niya, dahil tinutukan ko siya ng guting, sakto bagong hasa pa naman ang mga guting para sa halaman.

"Amora wait!" nagulat na sabi sakin ni Sir Daniel.

"Amora anak bakit mo tinututok 'yan?" kinakabahang sabi ni manang Ester, sabay hawi sa kamay ko na naka tutok kay Sir Daniel.

"Huwag po manang, alam ko nag kamali ako pero hindi niyo dapat gawin 'to sa 'kin!" pag mamatigas kong sabi,sabay tutok ulit ng gunting kay Sir Daniel.

"Amora wait? Let me explain okay chill ibaba mo muna 'yang gunting please," sabi niya, habang dahan dahan lumalapit sa 'kin.

"Hindi alam kong ipapakulong niyo ako!" sabi ko.

"Ipapakulong hindi pwde parang anak ko na si Amora, hindi niyo pwdeng gawin 'to sa kaniya!" nagulat na sabi ni manang Ester,sabay hawak sa may balikat ko.

"Wait hindi po, let me explain hindi po 'yon ang pinunta ko dito okay? Wala pong makukulong," sabi niya.

"Eh bakit ka nandito?" tanong ko,sabay hawi ng buhok.

Ngumiti siya at namulsa. "Kasi sasabihin ko lang sana na pwde kana ulit mag work," sabi niya, sabay ngiti.

"Work? Paano? Eh tanggal---" naputol yung sasabihin ko ng may bigla siyang inabot na papel. Kinuha ko ito agad at binasa.

"So? Tara na?" tanong ni Sir Daniel, habang naka kagat labi.

"Ayon sa sulat ikaw po ang nag papasok sa 'kin sa company?" pag tatakang tanong ko, sabay tingin sa kaniya pabalik kay manang Ester.

I Love You Mr.President Since Day 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon