4

69 19 1
                                    

AMORA

"Masyado kayong pormal huwag niyo ako itulad sa CEO nating lahat," maamong boses na pag kakasabi ni Sir Daniel.

"Dapat lang po na galangin kayo boss," singit na sabi ni Ms.Sandra.

"Hahaha Hello sa inyong lahat, ay wait may bago?" tanong niya, sabay turo sa'kin.

"Ah opo boss, siya po si Amora Rodriguez nasa department po siya ng arts and design," sabi ni Ms.Sandra.

"Oh I see! Hi Amora! Welcome to jewers family," masayang bati niya sa'kin.

Nabigla ako sa pag kabati niya. "Ah magandang umaga po Boss Daniel," sabi ko, sabay yuko sa kaniya.

"Hahaha masyado din pormal 'to you can call me Sir Daniel, para kasing hindi bagay ang boss sa'kin diba Pupie?" sabi niya, sabay tanong sa hawak hawak niyang aso.

"Ah sige po Sir Daniel," sabi ko.

"Lahat kayo call me Sir Daniel ah," sabi niya, sabay ngiti sa aming lahat.

"Opo Sir Daniel," sagot naming lahat.

"Ang bait talaga ni Sir Daniel," narinig kong sabi ng katabi ko.

"Oo nga eh tapos ang gwapo gwapo pa!" sagot naman nung kausap niya.

"Ah Hi? Amora right?" sabi ng isang babae.

"Ah oo," sabi ko.

"Welcome dito sa jewers ah, Vilenda nga pala name ko," sabi niya.

"Ah," sabi ko,sabay ngiti.

"Uy Amora? Sama ka sa'min mag lunch," sabi ng isang babae na nasa gilid ni Vilenda.

"Nga pala name ko Domini," dag dag niya pang sabi.

"Ah hi!" sabi ko.

"Huwag kang mailang sa'min Amora ah," sabi ni Domini.

Umiling naman ako nag papahiwatig na hindi ako maiilang.

"Balik na tayo sa work, sama ka sa'min mag lunch ah," sabi ni Domini.

Bumalik na kami sa kanya kanyang tinatrabaho, pinag patuloy ko na ang pag gagawa mg designs ayon sa mga orders. Nakalipas ang ilang oras at nakaramdam ako ng antok, kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Amora? Gising lunch na," narinig kong tinatawag ako. Napabalikwas naman agad ako sa lamesa ko.

"Ah sorry naka tulog pala ako," sabi ko,sabay hikab.

"Bilisan mo kakain tayo lahat ng employees ililibre daw tayo ni Sir Daniel," sabi ni Vilenda.

"Ililibre bakit naman?" pag tatakang tanong ko.

"Oo kaya bilisan mo diyan!" sabi niya.

Nag ayos ako kaagad at sumunod kay Vilenda at Domini. Sumakay kami ng elevator pababa ng 1st floor, pag ka baba ay nandoon na pala sila Sir Daniel at ang iba pang mga employees.

"Sorry Sir Daniel, napag antay po namin kayo," sabi ni Vilenda.

"Haha wala problema tara na pupunta na tayong restaurant," sabi niya.

Ang bait naman ni Sir Daniel. May palibre libre pa.

Nakita kong sumakay sa kotse ang ibang emplayado at empledaya, naiwan kaming tatlo ni Vilenda at Domini, halatang wala ata kaming kotse.

"Wala kayong masasakyan sumabay na kayo sa'kin," bumukas ang bintana ng kotse ni Sir Daniel.

"Ah talaga po Sir?" tanong ni Vilenda.

I Love You Mr.President Since Day 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon