AMORA
"Kailangan po eh kapag okay naman na po babalik na'ko dito," sabi ko kay manang Ester habang nag iimpake ng mga gamit ko.
"Ay basta mag iingat ka do'n Amora, sabihan mo din ako agad kapag may hindi magandang nangyari ah," sabi niya.
"Opo manang alis na po ako," sabi ko,sabay mano sa kaniya.
Nag aantay na si manong driver para ihatid ako sa office. Isang buwan din akong hindi makakauwi kaya naman dalawang malaking bag na ang dala ko. Nag simula ng umandar ang sasakyan, tumingin ako sa cellphone ko baka may nag text sa 'kin, mabuti at wala naman baka kasi mapagalitan nanaman ako. Trenta minutos lang ang lumipas at naka dating nadin kami sa company dali dali akong pumasok at pumunta sa may pwesto ko sa loob ng opisina.
"Amora?" banggit ni Ms.Sandra mula sa labas ng pintuan ng office ko.
"Po?" sabi ko.
"Ready kana ba mamaya?" bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Ah opo Ms.Sandra, ito na nga po ang mga gamit ko handang handa na po ako," sabi ko.
Huminga siya ng malalim. "Osige saka pag kaylangan mo'ko itext mo lang ako," sabi niya.
"Opo Ms.Sandra, maraming salamat," magalang kong sabi.
Ngumiti ito at umalis na ng office ko, agad agad ko namang kinuha ang isang katerbang mga papel na naka labas sa right side ng table ko, napaka daming orders at request ng clients. Hindi ko alam kung paano ito tatapusin agad pero, sinimulan ko na sa unang papel na nakuha ko. Ayon dito gusto daw siya ng isang kwintas na kakaiba ang desenyo at unang tingin palang ay maaakit kana agad.
Grabe naman 'yung mga request nila, pero sabagay sige igagawa ko siya ng isang desenyo na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Kumuha na'ko ng isang malinis na puting papel at saka nag umpisang gumuhit. Inumpisahan ko sa pendat ng kwintas, ginawa ko itong heart shape pero diamond ang nasa gitna, naisipan ko ding lagyan ang gilid ng heart ng naka palibot ng vines para sa design.
Maya maya lang may kumatok sa pintuan ng office ko.
"Hindi kapa mag lulunch?" tanong ni Domini.
Napatingin naman agad ako sa orasan parang feeling ko kasi ilang minuto lang akong nag guguhit tapos 11:30 am na napaka bilis ng oras!
"Ah oo kakain na din saglit lang," sabi ko,sabay kuha ng baon ko sa may bag.
"Sige bilisan mo baba na tayo," sabi ni Domini.
Bumaba na kami ng elevator napansin kong wala si Vilenda. "Saan si Vilenda?" tanong ko.
"Ah baka may sakit bayaan mo na tayo 'yung nandito ngayon edi tayo lang kakain," sabi niya.
Tumango nalang ako at dumeresyo sa pag lakad,hanggang sa makarating sa may canteen. Nag hanap na ako agad ng magandang pwesto at upumo. Umoorder pa naman si Domini ng kaniyang kakainin. Habang nag aantay nilapag ko na ang lunchbox ko sa lamesa, at dahil mukhang may katagalan ang pag oorder ni Domini, pinapatunog ko ang mga daliri ko sa taas ng lamesa habang naka hawak naman ang aking isang kamay sa aking baba na naka patong ang aking siko sa lamesa.
Nakatingin lang ako sa may labas dahil clear glass naman ang buong canteen makikita mo ang mga taong papasok at palabas. Habang naka tulala bigla nanamang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon.
FLASHBACK
"President kumpleto na po 'yung mga pinabili ninyo sa 'kin at nandiyan sa baba," sabi ko.
Tumayo siya at kinuha ang telepono niya,akmang may tatawagan siya.
"Hello, oo pakidala---" naputol 'yung sinasabi niya sa kausap niya at namulsa ito habang naka talikod sa 'kin at naka harap sa may malaking bintana ng opisina niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221074847-288-k721302.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You Mr.President Since Day 1
Romance"Kung sino man makakita sa baby na ito paki alagaan, pangalan niya Amora Rosselle Rodriguez" . Salamat. -unknown. This story is about a woman who graduated college at POL University an...