AMORA
"Amora pwde ba kitang mautusan?" tanong ni Ms.Sandra, dahil napadaan ako sa may office niya.
"Opo ano po 'yon?" sabi ko.
"Ikuha mo ako ng coffee sa baba," sabi niya.
"Saan po naka lagay yung coffee?" tanong ko.
Tumingin siya sa'kin ng deretsyo at binaba ang suot niyang salamin.
"Sa canteen, sabihin mo nalang sa mga taga canteen na para sa'kin yung coffe," sabi niya, sabay iwas ng tingin.
"Ah sige po," sabi ko, sabay dali dali papuntang tapat ng elevator.
Ang tagal namam mag bukas ng elevator.
"Baba ka?" tanong ng isang empleyada.
"Ah oo," sagot ko.
"Sabay na tayo antayin nalang natin mag bukas 'to," sabi niya, habang bitbit ang isang katutak na paper works.
Ting!
Bumukas na ang elevator,agad naman kaming pumasok sa loob.
"Saan pala yung canteen dito?" tanong ko.
"Ah sa right side deretsyo ka lang makikita mo na agad," sagot niya.
Ting!
Bumukas na ulit ang elevator, agad agad naman akong lumabas papuntang canteen, nakita ko naman agad ito, sobrang laki at hindi lang pang isang normal na canteen at puro hytec nadin ang mga kagamitan dito.
Lumapit ako sa isang babae na naka tayo sa may gilid at mukhang nag aantay ng mag ooder."Pwde po mag tanong? Gumagawa po kayo ng coffee?" tanong ko.
"Yes po, anong klase coffee po ba? Pili nalang kayo diyan," sabi niya,sabay turo ng screen na nasa uluhan niya.
Tumingin naman ako sa may screen wala naman akong nakikita itsura ng coffee paano kaya ako makakapili, kaya kinausap ko ulit siya.
"Ano po wala naman pong coffee diyan," pag tatakang sabi ko.
"Ah hindi po pipili po kayo ng flavor ng coffee diyan sa taas," sabi niya, sabay tingin din sa screen.
"Ahh sige po," sabi ko.
Tumingin ulit ako sa may screen, may kung ano anong naka sulat.
"Naka pili na po ba kayo?" tanong ulit ng babae.
"Ah siguro yang hard choco coffee nalang po," nalilitong sabi ko. "Kay Ms.Sandra nga po pala yan pinapasabi niya," dagdag ko pang sabi.
"Ah sige po paantay nalang ng ten minutes," sabi niya, sabay asikaso ng coffee ni Ms.Sandra.
Habang nag aantay, umupo muna ako sa may upuan sa loob ng canteen, ang gaganda ng kagamitan dito lahat ay bago, mukhang pinapalitan ito palagi saka mukhang mamahalin lahat ng gamit dito, talagang napaka yaman ng companya na ito.
"Ah miss?" nagulat akong tinawag ako ng babaeng gumagawa ng coffee.
"Ah yes po?" sabi ko,sabay punta sa kaniya.
"Ah sorry medyo matatagalan kasi naubos pala yung hard choco coffee naming flavor, kaya gumagawa pa ulit sila sa loob, paantay nalang ng another ten minutes ayos lang po ba?" sabi niya.
"Ah opo sure po," sabi ko,sabay balik ulit sa inupuan ko kanina.
Habang naka upo at nag aantay ng coffee ni Ms.Sandra, inikot ikot ko muna ang paningin ko gusto ko kasing makabisado ang lugar para naman hindi na'ko tanong ng tanong next time. Habang nag aantay maya maya lang ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.
BINABASA MO ANG
I Love You Mr.President Since Day 1
Romance"Kung sino man makakita sa baby na ito paki alagaan, pangalan niya Amora Rosselle Rodriguez" . Salamat. -unknown. This story is about a woman who graduated college at POL University an...