14

14 2 0
                                    

AMORA

Nakaupo kami sa paligid ng bonfire, masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ramdam ko ang init ng apoy na sumasalubong sa malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na wala kaming iniisip na trabaho. Masaya lang kaming lahat, walang iniintindi—isang gabi lang para sa bonding at pagtanggal ng stress.

Habang umiikot ang bote para sa Spin the Bottle game, lahat kami ay nagkakasiyahan. Pero ang napansin ko, lahat ng sagot ay truth—walang gustong mag-dare, siguro takot na mapahiya o ayaw lang ng mga kalokohan. Nakatapat ang bote kay Sir Daniel, at hindi ko in-expect na ako ang tatawagin niya para tanungin.

"So, Amora," sabi ni Sir Daniel habang nakangiti at nakatitig sa akin, "ano ang type mo sa isang lalaki?"

Napalunok ako. Ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko dahil sa biglaang tanong. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng atensyon, lalo na't lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ang mga kasama namin ay mukhang nag-aabang din ng sagot ko, kaya napilitang mag-isip agad ako ng isasagot. "Uh..." nauutal kong simula, "gusto ko yung mabait, tsaka responsable. Importante rin yung marunong mag-alaga, at higit sa lahat... honest." Napangiti ako nang bahagya, sinusubukang itago ang pagka-ilang.

"Hmm, interesting," sabi ni Sir Daniel habang tumango-tango. Naramdaman ko naman ang kilig na tingin nina Vilenda at Domini kay Sir Daniel. Alam ko namang crush nila si Sir Daniel, at sa totoo lang, hindi rin naman maikakaila—maginoo, mabait, at sobrang charming.

Habang iniikot muli ang bote, naramdaman ko ang kakaibang tensyon nang tanungin ako ni Vilenda, "Amora, kamusta ang parents mo?"

Bigla akong natigilan. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon, at ramdam ko agad ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko, lalo na sa ganitong sitwasyon. Naramdaman kong lahat ng mata ay nakatuon sa akin, kaya't nagmamadali akong bumangon. "Uh, excuse me muna, ha?" sabi ko, sabay alis mula sa grupo. Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon sa harap ng lahat.

Lumakad ako papunta sa isang tahimik na bahagi ng beach, huminga nang malalim habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili. Kailangan kong lumayo para lang makabawi sa bigat na naramdaman ko.

Sa paglalakad ko, napansin ko si President K na nakaupo sa malayo, tahimik at tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa dagat. Hindi siya mukhang galit o naiirita, tulad ng madalas kong nakikita sa opisina. Kalma ang kanyang mukha, at parang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid.

Nag-atubili akong lumapit, pero sa bandang huli ay naisip ko na wala rin naman akong ibang mapupuntahan. Umupo ako sa tabi niya, tahimik lang kaming dalawa. Hindi siya nagsalita, at ganoon din ako.

Pagkalipas ng ilang minuto, siya na ang unang bumasag sa katahimikan. "Okay ka lang ba?" tanong ni President K, hindi man lang lumingon sa akin.

Tumango ako kahit hindi niya ako tinitingnan. "Medyo," sagot ko, bagamat hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

Tahimik kaming muli. Hindi ako sanay na makita si President K sa ganitong estado—karaniwan siyang suplado, mainitin ang ulo, at laging seryoso. Pero ngayong gabi, parang iba siya.

"Alam mo, Amora," simula ni President K habang patuloy na nakatingin sa dagat, "hindi lahat ng bagay kailangang itago. Minsan, kailangan mong harapin yung mga bagay na masakit para tuluyan silang mawala."

Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat. Hindi ko akalaing may ganitong side si President K. "Alam ko naman, President K," sagot ko, sabay buntong-hininga, "pero mahirap eh. Minsan, mas madaling takasan kaysa harapin."

Tumango lang siya. Walang iniwang salita, pero ramdam ko ang bigat ng sinabi niya. Nagpatuloy lang kami sa katahimikan, hanggang sa bigla—sa hindi ko inaasahan—nautot ako.

I Love You Mr.President Since Day 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon