AMORANagising na'ko sobrang laki pala talaga ng bahay niya
Nakakamangha naman talaga at may isang malaking garden sa likuran at isang malawak na sala.
"Gising kana pala iha," banggit ng isang matandang babae galing sa may kusina.
"Opo magandang umaga po." sabi ko.
"Eh halikat kumain kana ng almusal." niyaya niya ako sa isang mahabang mesa.
"Si President K po?" tanong ko.
Huminga ng malalim ang matandang babae. "Umalis na siya kanina pa."
Umalis na siya? Napaka aga naman.
"Gano'n ho ba, linggo naman ho ngayon diba?" pag tatanong ko.
"Oo iha, babalik din 'yun maya maya." sabi nito sabay ngiti.
"Nga pala iha kung hindi nakakahiya ano ka ho ba ni Sir Kian? Girlfriend?" mariin niyang tanong.
Muntikan akong mabilaukan. "Ahhh! Hindi po saka hinding hindi po mang yayari." alinlangang sagot ko sabay inom ng kape.
"Ah gano'n? Eh? Bakit dito ka natutulog? Saka ngayon pa lang siya nag dala ng babae dito sa pamamahay nila." sabi ng matandang babae.
"Ah ano po P.A po ako ni President K." sabi ko.
Natapos akong kumain tumawag muna ako sa manang ester at nag paalam na isang buwan ako hindi makakauwi samin dahil madami akong ginagawa sa trabaho dalawa dalawa na ang trabaho ko dahil sa mokong na President K nayon.
Wala naman akong magawa mataas din ang sahod ng company ko at kailangan ko ito dahil nag iipon ang ng pera para mahanap ko ang tunay kong mga magulang kung buhay paba sila.
Maya maya lamang ay narinig kong bumukas ang gate. Alam kong dumating na si President K, dali dali ko ng inayos ang mga kalat na nakikita ko hinanda ko nadin ang mga portfolio na pinagawa niya.
May gusto kasi siyang design ng isang kwintas naka ilang ulit na'ko sa pag drawing dahil may hinahanap siya na kung ano sa design at hindi ko pa 'yun makuha kuha.
Nakakastress talaga 'tong lalaking to.
"Magandang umaga Sir Kian". bati ng matandang babae na nakausap ko kanina.
Ngumiti si President K.
"Himala?" pabulong kong nasabi.
"May sinasabi ka?" tanong niya sa'kin habang naka taas ng ka onti ang isa niyang kilay.
"Wa wala po President K." sabi ko habang napa yuko.
Nag lakad siya at umupo sa sala kumuha ito ng chichirya at ngumuya. Ako naman ay naka tayo lamang sa gilid at pinag mamasdan ang kaniyang ginagawa.
"What?" tanong niya.
Sungit talaga ng hinayupak na'to!
"Tingin ka ng tingin sa'kin Amora! It irritates me!" sambit nya.
"O edi sige po isasara ko po ang mata ko kapag kausap ka." sabi ko sabay pikit na tila ba inaasar siya.
"Amora, stop being stupid. By the way where is the portfolio? I want to see."
Binigay ko naman sakaniya dali dali.
Binuksan niya ito. Tinitigan at nilipat lipat ang mga pahina naka limang gawa kasi ako iba't ibang design.
"This one will work paki palitan nalang siguro yung kulay soft light green."
Napa tango nalang ako at akmang aalis na pero bigla siyang nag salita.

BINABASA MO ANG
I Love You Mr.President Since Day 1
Romansa"Kung sino man makakita sa baby na ito paki alagaan, pangalan niya Amora Rosselle Rodriguez" . Salamat. -unknown. This story is about a woman who graduated college at POL University an...