3

94 22 8
                                    

AMORA

"Manang Ester natanggap po ako sa trabaho!" masayang sabi ko, pag ka bukas na pag ka bukas palang ng pinto.

"Amora anak! Nako maraming salamat sa Panginoong Diyos at may trabaho kana!" masayang sabi ni Manang Ester, sabay yakap sa akin.

"Ate Amora? Mabibilhan mo na ako ng laruan," sabi ni Kietchi, ang batang babae na wala na ding mga magulang kaya nandito sa bahay ampunan.

"Oo kietchi, mabibilhan na kita ng mga laruan na gusto, kayong lahat mabibilhan ko na kayo ng mga laruan!" masayang sabi ko sa mga bata sa loob ng bahay ampunan.

"Ang galing naman talaga! Kumain kana Amora nag handa ako pritong isda saka sinabawang manok," sabi ni ate Nelly, isa sa mga taga pangalaga dito sa bahay ampunan.

"Talaga po ate Nel? Maraming salamat tara na mga bata sumabay na kayo kumain," alok ko sa kanila,sabay upo sa mahabang lamesa.

"Kumain na po kami ate Amora," sabi nila.

"Nako gano'n ba, sige ako nalang ang kakain," sabi ko.

"Manang Ester? Ikaw po kumain kana?" tanong ko.

"Oo nak, huwag mo na kaming intindihin dahil kumain na kami," sagot niya.

"Gano'n po ba sige po," sagot ko.

Kumain na ako at pag tapos ko kumain ay umakyat na ako sa second floor nitong bahay ampunan, doon na kasi ako natutulog simula noong nag dalaga ako.
Inayos ko na ang aking higaan para matulog, pero maya maya lang ay may nag text sa cellphone ko.

Goodevening, Miss Amora Rodriguez do not forget that tomorrow is your first day in work here at Jews Company, I would like to congratulate you for being a part of our company. This is Ms.Sandra, goodluck!

Nag text pala sa akin si Ms.Sandra, ang HR ng company, kung hindi dahil sa kanya hindi pa ako makakapag trabaho bukas, kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ko na siya na replyan basta't maaga nalang ako papasok bukas.



KINABUKASAN

"Amora bilis mauna kana dahil traffic na mamaya," sabi ni manong driver sa akin.

"Opo ito na!" sabi ko, habang nag mamadaling lumabas ng gate.

"Mag iingat ka Amora, goodluck sa first day mo," sabi ni manang Ester, habang kumakaway.

"Opo manang, alis na po ako ah mag iingat kayo dito," sabi ko.


Sumakay na ako kay manong driver, maya maya pa ay nag simula na siyang mag drive, bukas ang bintana ng sasakyan kaya naman yung hangin ay ginugulo ang buhok ko. Makalipas ang isa't kalahating oras ay naka rating na kami sa buildin ng Jews Company.

"Manong maraming salamat po," sabi ko, sabay baba sa sasakyan niya.

"Walang problema Amora, i text mo ako mamaya pag uuwi kana ah," sabi niya, sabay alis papalayo.

Nandito ako sa tapat ng building, at hindi ko pa din ma imagine na dito ako mag tratrabaho.

Ito na'yon! ito na'yon! Gagalingan ko na!

Humakbang na ako papasok sa pinto ng building, bigla namang bumukas ang pinto kahit hindi ko pa na hahawakan, grabe ang weird talaga ng mga ka gamitan dito sa syudad. Nag lakad na ako papuntang elevator, pero may humarang sa akin.

"Miss? Nag tratrabaho kaba dito?" tanong ng isang maganda at makinis na babae.

"Ah yes po Ma'am," masayang sagot ko.

I Love You Mr.President Since Day 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon