05

265 13 3
                                    

Maaga ulit akong nagising ngayon para mag jogging saglit at para bumili ng ube-cheese pandesal sa bakery sa may labas ng subdivision.

Nang makabalik ako nadatnan kong nagdidilig si mama ng mga anak niya. Anak niya ang mga tanim niya, araw-araw yata ay bumibili siya ng mga bagong halaman.

"Good morning mga kapatid" sabi ko sa mga halaman, natawa lamang ang mama ko.

"Ako na dyan ma" kinuha ko mula sa kanya ang hose at ako na ang nag tuloy sa pagdidilig niya.

"Wala si Raziel ngayon?"

"Mama!"

"Bakit? Tinatanong ko lang naman" I looked away, I sounded so defensive nga. Pero alam ko naman ang kasunod na sasabihin niya no!

"Bagay kayo, anak" sabi na eh.

"Mahirap siyang abutin, ma" I tasted bitterness while saying those words, kasi totoo.

"Kung mahirap siyang abutin bakit andito" napalingon ako sa kanya, ngumuso siya, nilingon ko ang nginunguso niya at nakita si Raziel na pababa sa sasakyan niya.

He's wearing a simple black shirt, board shorts and a snapback cap. Inaalis niya ang suot niyang shades.

"Yung halaman ko anak, lunod na"

"Ngi!"

Pinatay ko na ang host at nagpaalam kay mama para pag buksan si Raziel. He was busy with his phone pero nang maramdaman ang presensya ko ay agad niyang binulsa ang kanyang aparato.

"Good morning. Napadaan ako, I tried calling you but you were not answering"

"Nag jogging ako eh, nasa taas 'yong phone ko" tumango naman siya.

Nahiya ako bigla, bagong paligo ba siya habang ako galing sa pag takbo at pagdidilig.

"Oh wait!" Naalala ko yung pandesal, kelangan niya 'yong matikman!

"You have to try this" binuksan ko ang brown na balot ng pandesal at inabot ang isang piraso sa kanya.

"Wow" aniya habang ngumunguya

"Right?" Nakangiting sabi ko. Masarap talaga 'yon, hindi ako mapapahiya kapag pinatikim ko 'yon sa kahit na sino.

"I think I need coffee now" sabi niya, akmang kukuha pa siya ng pandesal nang kunwaring tinago ko iyon sa likod ko.

"Grabe, I thought we're friends" lumabi pa siya.

"Joke lang! Tara sa loob, kape tayo" narinig ko pa ang alarm ng sasakyan niya bago siya sumunod sa loob.

"Dito ka na ulit mag breakfast, Raziel" aya ni mama na nag hahanda na ng pagkain sa mesa.

"Opo, tita"

Lumapit ako sa countertop para ipagtimpla siya ng kape, pati si mama at ate Lucia ay ipinagtimpla ko na rin. I'm not into coffee, inaantok kasi ako lalo o sumasama ang tama ng tyan ko.

Tea lang ako sa umaga. Tea na iniinom, hindi chismis.

"May lakad ba kayong dalawa?" Tanong ni Mama, saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakapagpaalam.

"Yes, ma. We're going to meet his friends" tumango lang si Mama.

"Ingat kayo, ang anak ko Raziel"

Even When It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon