Today's the day, pumayag na akong makipag date kay Liam. After a month of pursuing and asking me out, nawalan na ako ng excuses para lang hindi matuloy ang date.
Naisip ko rin na masyado ang rude ko sa kanya and he's always nice to me. He sents me flowers everyday and sends me food sa shoot.
About sa movie, nasa gitna na kami. We filmed Hex's music video yesterday.
Raziel and I, I'm not sure if we're okay. After our almost kiss, naramdaman ko na medyo naging distant siya sa'kin. Hindi ko nga alam kung anong nangyari, basta after that para niya akong iniiwasan. Nahuhuli ko pa rin naman siyang tumitingin sa'kin pero pag ngingitian ko na siya nag iiwas na siya ng tingin.
Iniisip ko tuloy kung may mali ba akong nagawa?
Mali ba 'yong nangyari nung gabing 'yon? Nakakafrustrate!
Bakit bigla siyang naging cold sa'kin? Kasalanan ko ba na umasa ako na hahalikan niya ako? Kasalanan niya naman kung bakit ako umasa eh! Siya nga 'tong tingin nang tingin sa labi ko, tapos napapalunok pa siya!
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang busina. Si Liam na siguro 'yon.
"Si Raziel ba 'yon, anak? Papasukin mo muna"
"Si Liam 'yon, ma. Liam Villalobos, artista din" I saw confusion in her eyes.
"He's my friend din, ma" tumaas ang kilay niya, para bang may hinihintay pa niyang dugtungan ko ang impormasyon na sinabi ko tungkol kay Liam.
"Kakain lang kami sa labas, ma"
"Kasama si Raziel?" Umiling ako, she exhaled and pout. Matagal na kasing hindi nagagawi dito di Raziel.
"Anak, nag away ba kayo ni Raziel?" Mabilis akong umiling. Kasi hindi ko alam, ako rin tanong ko yan sa sarili ko.
Nag away ba kami? Paano? Kelan? Anong pinag-awayan namin? He's just giving me the cold treatment. Kahit texts ko nga, kung hindi importante hindi niya pa rereplyan.
"Okay naman kami, ma. Alis na ako ha," I squeezed her hand and kissed her on her cheek
"Good morning, Harriette" he smiled at me, he removed his sunglass at sinukbit iyon sa kanyang polo.
"Oh, hi! Good morning" nagulat ako nang lumapit siya at halikan ako sa pisngi, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Ilang sandali rin akong napatigil at napabalik lang ako sa wisyo nang tapikin niya ang balikat ko.
"You ready to go?"
"Uhh— yeah, I'm ready" hinihintay kong samahan niya ako sa passenger's seat pero nauna na siyang sumakay sa sasakyan, umikot ako saka sumakay.
I crinkled my nose because car freshener's too strong for my liking. Pasimple kong tinakpan ang ilong ko, masyado kasi talagang malakas ang amoy at nakakahilo.
"Where do you want to eat? Sorry, 'di ko pa kasi alam kung anong gusto mo. Do you like steak? Pasta? Samgyup?"
"Sige samgyup na lang" tumango naman siya, ilang minuto lang nasa harap na kami ng samgyupsal place. I was unbuckling my seatbelt pero nakababa na siya agad. Sumunod na lang ako sa loob at umupo sa napili niyang upuan.
Siya ang kumuha ng mga lulutuin namin, pasimple kong kinuhanan ng picture ang mga 'yon para i-post sa IG story ko.
"Hey, I don't know how to cook eh" I pressed my lips together to stop myself from smiling. So ako pala ang magluluto. Inumpisahan ko na at siya naman ang taga salin ng mga naluto na sa plates namin.

BINABASA MO ANG
Even When It Hurts
RomanceMarriage isn't "I promise to love you until I stop loving you" its "I promise to make a conscious decison to continue to love you even when it hurts because I'm aware no one is perfect, but you are worth it"