CAPÍTULO 18

26 1 7
                                    

¡Mierda! Mag-isip ka, Alleina! Mag-isip ka! Hindi ka puwedeng tumunganga na lamang diyan!

Anong gagawin ko? Tila di nakikisama ang aking katawan. Mistula akong natuod sa aking kinapupwestuhan.

¡Porquería, estoy condenada!

", ibalita niyo sa akin agad kung mayroong progreso na sa ating proyekto," rinig kong wika niya. Mukhang may kausap siya sa kanyang hatinig.

Nagmamadali akong nagpalinga linga at humanap nang matataguan. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Napagdesisyunan kong pumunta sa ilalim ng kama nang makita kong may maliit na puwesto at mukha namang magkakasya ako.

Narinig kong humalakhak si Don Rivas. "Mahusay, Matteo. Maaasahan ka talaga, apo." Kung ganoon, kasalukuyan niyang kausap si Matteo. Ano kayang magiging reaksyon niya sakaling mahuli ako ni Don Rivas? ¡Dios Mio! Huwag naman sana akong mahuli. Nagsisimula pa lamang ako.

Nakita ko ang kanyang paa na naglalakad na papasok sa pinakaloob ng kanyang silid. Saka ko lamang napansin na hawak hawak ko pa pala ang paniklop. Kung minamalas nga naman. Pero hindi naman siguro niya iyon mapapansin? Naisara ko ba ang pinagkuhanan ko nito? Naku naman! Baka hindi, malalagot talaga ako nito.

"Hasta Luego, Matteo. Mag-iingat ka," wika niya at ibinaba na ang tawag. Napansin kong malumanay niyang kausapin si Matteo. 'Di ko maiwasang isipin kung paano niya kausapin si Alvaro.

Nanatili lamang akong tahimik na nagtatago rito sa ilalim ng kanyang kama. Lihim din akong nagdadasal na sana nga ay naisara ko ang kahon na nakakonekta sa mesa. Napatakip na lamang ako sa aking bibig dahil pakiramdam ko, pati ang aking paghinga ay kanyang maririnig.

Nakita ko ang kanyang mga paa na dirediretsong naglakad papunta sa dulo ng kanyang kwarto. Binuksan niya ang isang pinto na naririto. Isa iyong banyo. Napabuntong hininga ako nang makapasok siya sa banyo. Naghintay pa ako ng mga limang segundo. Baka kasi bigla siyang lumabas at makita niya ako. Narinig ko ang agos ng tubig sa banyo at napagtanto ko na baka naliligo siya.

Dahan dahan akong lumabas mula sa ilalim ng kama. Nakita ko rin na bahagyang nakabukas ang kahon na nasa mesa. Siguro ay hindi niya ito napansin. Binalik ko na ang paniklop at dahan-dahang isinara ito, takot na baka makagawa ng ingay. Nagmadali na akong lumabas at maingat na sinara ang pinto ng kanyang silid.

Mabilis ang kabog ng aking dibdib kahit na tuluyan na akong nakalabas ng pasilyo. Nakakatakot ang nangyari. Kumuha ako ng suporta sa barandilya ng hagdan at napahawak na lamang ako sa aking dibdib, sinusubukang huminga ng maayos. Kahit ang aking tuhod ay nanghihina. Muntikan na ako roon.

"¿Señora?"

Napaayos ako ng tayo nang marinig ang kanyang boses. Naabutan ko siyang pababa ng hagdan kaya naman 'di maiwasang tingalain ko siya.

"S-Señor," halos pabulong ko nang wika.

"Ayos ka lang ba?" tila umurong ang dila ko sa kanyang tinanong. Hindi ko inaasahang sasambitin niya iyon. Marahan na lamang akong tumango at napaiwas na lang ng tingin sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbaba niya nang tuluyan sa hagdan at ang bahagyang paglapit sa akin. "¿May problema ba, Señora?"

Oo! Meron, Señor. Muntikan na akong mahuli ni Don Rivas!

Tumikhim ako bago siya sagutin. "W-Wala, Señor. Mauna na ako," wika ko at nagmamadaling tinahak ang hagdan para makaakyat. Sigurado akong ang presensiya ni Don Rivas ay nakakatakot, ngunit ang presensya ni Alvaro ay hindi ko lubusang maunawaan.

Iwinaksi ko ang aking pag-iisip sa bagay na iyon. Agad akong nagtungo sa aming silid. Mabuti na lamang ay wala sina Paulíta at María dahil wala ako sa huwisyo para makipag-usap. Napabuntong hininga na lamang ako at napaupo sa aking kama.

Ercasio, El Menaje | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon