05

11 1 0
                                    

"Lamon naaaa!" Sigaw ni vonn habang nagtatakbo sa covered court papuntang cafeteria. Natapos din sa wakas ang pagpapakilala namin.

Magkatabi kami ngayon nila zica at lea hawak-hawak ang bags namin, nagce-cellphone lang ako habang naglalakad. Ang dalawa naman ay nag-uusap habang ang dalawang lalaki, ayun naghahanap na ng mauupuan namin.

"Dito tayo para may magandang view" si kiffer.

Nilagay ko muna yung bag ko sa upuan at dumiretso na sa pila pero hinarang ako ni kiffer.

"Ako na o-order lori upo ka lang diyan" nginitian niya ako,  tumango naman ako at pumunta na sa upuan ko katapat ni von na busangot ang mukha.

"Oh anyare sayo?" Nakakunot noong tanong ko. Lumingon siya sakin sandali at tumingin sa pila bago nagsalita.

"Ako naman palagi umo-order eh, inagawan ako ng tanginang kofi" nakakrus ang kamay niyang sagot.

Humalakhak ako, isip batang von.

Nakaramdam ako ng mahigpit na paghawak sa siko ko, nilingon ko si zica na nasa tabi ko. Nakatingin siya sa...

"Aha!" Tiningnan ko siya, maya maya pa ay tumili siya ng mahina.

Si daryl kase ang pumasok kasama ang mga kaibigan niya, i'm familiar with his face since pinakita na siya ni zica sakin noong nakaraan.

He's kind of gwapo kaya siguro nagustuhan ni zica, kwento niya sakin three years na niyang gusto si daryl, lOyAl ampeg.

"Nako! Nako! Ayan ka na naman," si lea "Ikalma mo pempem mo gerl"

Tumawa kami pareho.

Dumating na si kiffer dala ang tray ng mga inorder namin. Tumayo ako konti para maabot ko ang plato ko, ang inorder ko ay green vegetables, may fried chicken, tsaka juice. Nagtaka pa nga ang mga kaibigan ko kung bakit walang kanin, sinabi ko namang diet ako.

Nagsimula na kaming kumain nang may umupo sa tabi ko at dire-diretsong nilapag ang tray niya sa tabi ng plato ko.

Tinaas ko ang ulo ko at napaawang na lang ang bibig nang makita ko.

"Lycan what brought you here?" Si vonn.

"Kakain?" Pilosopong sagot niya.

Umupo siya sa tabi ko tsaka tiningnan ako nang may nakakalokong ngiti tsaka bumaling sa tray niya. Are we close? Close is us? We is friends?

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain nang sikuhin ako ni zica.

"Shet tumabi siya sayo" bulong niya sa tenga ko.

I just shrugged then continue eating.

Nanlaki ang mata ko nang nilagyan ng katabi kong feeling close ang plato ko ng kanin atsaka ulam niya na puro fats. Wtf! Tiningnan ko siya ng masama.

"What's this?!" Inis na tanong ko.

"Laruan" barumbadong sagot niya tsaka lumagok ng tubig. Putangshet!

"Not funny! Bakit nilagyan mo ng pagkain mo ang plato ko? Ambaboy mo!"

"Wow, ikaw na nga diyan binigyan ng pagkain" Tiningnan niya ako.

Narinig kong humalakhak ang mga kaibigan ko sa gilid.

Pinandilatan ko ng mata ang kaharap ko. Anong akala niya sakin?!

"Excuse me? What do you think of me? Cheap?! Poor?!" Oh my god this guy is..

"Halata naman"

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Tsaka nilapit ang mukha ko sa kanya.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now