22

5 0 0
                                    






Ouch!" Inilag ni lycan ang kaniyang mukha mula sa bulak.






"Di ka na lang sana pumatol ayan tuloy" umirap ako saka pinahidan ulit diya ng betadine. "Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo"





"That guy is a maniac ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hahayaan kang manyakin nun?" Inis siyang tumingin sakin.






Kumalabog ang puso ko "Tss wala namang mangyayari sakin"






Nakita ko kung pano niya kinagat ang pang ibabang labi, nagpipigil.






Nang matapos na ang panggagamot ay binigay ko sa kanya ang isang cup ng kape na binili ko saka dumiretso sa kwarto upang magpunas. Nakakadiri ang kamay nung lalaki.






Hanggang ngayon ay di parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, ang pagligtas sakin ni lycan, ang pagsuntok niya sa lalaking minanyak ako, at ang malakas na tibok ng aking puso. I'm totally crazy right now.






Maaga pa lang ngayon kaya nandito lang ako sa balcony nagpapahangin, nagpatugtog na rin ng nakakakalmang kanta para mapakalma ang sarili ko.






Ngayon lang ako nakapunta sa balcony ng kwarto ko at ang ganda ganda ng tanawin mula sa ibaba. The skyscrapers are beautiful from above as it sways, it is a good set of my stress reliever here but i'm more comfortable with a higher level like rooftops and watching the whole city lights.






Lumabas na ako ng kwarto matapos ang pagmumuni at naisipang magluto para sa tanghalian, si lycan ang nagluto para samin kanina kaya babawi naman ako ngayon.






Ngunit di pa nga ako nakakasimula sa gawain ay si mommy para anyayahan kaming mananghalian sa mansyon, kasama ang magulang ni lycan.







Dumiretso na lang ako sa kwarto para mag ayos, i know lycan knows it already no worries.






Simple faded jeans and stylish off shoulder ang suot ko saka pinaresan ito ng non-heeled sandal, naglagay lang ako ng pulbo at cheektint saka kinuha ang maliit kong sling bag.






Kotse ni lycan ang sinakyan ko ngayon at patungo na kami sa mansyon ng di nag-uusap.





Awkward silence filled the car... nakasandal lang ang ulo at siko ko sa bintana ng sasakyan at nakatintin sa labas habang siya nagfo-focus sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami.





Binati ko si mommy kahit di pa kami ayos at nakipagbeso na rin ako sa mag asawang Rizalle.





Hinugutan ako ni lycan ng upuan bago siya umupo katabi ng akin.






"So.." si tita candice na ang bumasag sa katahimikan sa hapag "Should we say why we invited you here?"





"Spill it dice" si mommy.





Bakit anong meron? Itatanong ko sana ngunit nagsalita na agad si tita candice.






Closer Into YouWhere stories live. Discover now