16

6 1 0
                                    

Di pa ako nakakamove on sa nangyari nung nakaraang araw na kailangan ko pa itong ikwento kay zica, nakakahiya at ang awkward lang.

"Woah i can't belive it girl, it's your first kiss" nanlaki ang mga mata niya "At siya pa talaga?"

Naiinis na tumango ako.

"Ano ahm, may spark ba?" Nakangising inilapit niya ang mukha niya sakin.

Nandito kami ngayon sa isang coffeeshop malapit lang sa condominium namin ni lycan, sabado ngayon at nandon lang siya sa condo kaya inaya ako ni zica na magkikita kami.

"Ano ka ba wala no!" Inilingan ko siya saka nagpatuloy "At alam mo namang meron na ako since bata pa"

Oo, alam niya yung tungkol kay jem dahil kinwento ko, pero di kasali dun ang tungkol sa bahay ampunan. Wala silang alam na di ako tunay na anak nila mommy, at di ko planong i-ungkat yun, siguro pag handa na ako.

"Nga pala no di ka pa nakakamove on dun" ngumuso siya saka uminom sa kanyang frappe, ganun din ako.

"Anong feeling?" Taka kong tiningnan si zica, "Parang di ka nanghahalik ng kung sino pag lasing ah?"

Humalakhak siya.

"Lasing ako nun pero pag matino," umiling siya "Wala pa akong first kiss sa matinong ako."

Napailing na lang ako "It was just a smack"

Nagpaalam na sakin si zica na may family dinner sila kaya nagmamadali siya, pero four thirty pa naman. Kumakaway na ako sa sasakyan niya.

Naisipan kong bumisita na rin kay mommy since ilang weeks na rin akong di nakabisita.

Tahimik na condo ang bumungad sakin, i'm sure lumabas yung kumag at namimingwit na naman ng babae. Napailing iling ako para alisin ang bumabagabag sakin, argh!

He's a playboy Alliah

Pumasok ako nang kwarto at naglinis na ng sarili bago lumabas ulit. Wala paring tao na naabutan ko hanggang sa dumating na ako sa parking lot.

Nakapasok na ako sa gate ng mansyon at napansin agad ang pagbabago nito. The other things outside were moved away, lumalawak na ang garden namin, the plants were still the same since we have a gardener, our terrace is also renovated.

I walked through the door of our house and a neat renovated sala is what i saw, i know mommy renovated the whole mansion since all the corners of it reminds her of daddy. Can't blame her tho.

"Loui" umalingawngaw ang magarang tinig ni mommy sa buong mansyon "Hi darling what bought you here?"

Ngumiti ako sa kanya saka marahan siyang hinalikan sa pisngi "Just wanna have a dinner with you?"

"You could've told me so i can prepare darling" liningon ni mommy ang isang katulong na nakatayo sa isang sulok "Prepare for our dinner" utos niya dito.

"Just a simple dinner will do mi" ngumiti ako sa kanya.

Nagkwentuhan kami sa sala ni mommy at iginala niya naman ako sa buong mansyon na di nga ako nagkakamali dahil renovated lahat ng nadadaanan ko, even upstairs.

Only the guestrooms and my room is not, she said she don't want to meddle with my privacy anymore.

"This looks nice than the old one, at least you tend to cope up" hinawakan ko ang braso ni mommy.

"You know how much i love him, it's hard for me to cope up, but i tried my best" she smiled "Dinner's ready"

Sumunod na ako sa kanya patungo sa dining area.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now