25

7 1 0
                                    







Nagising akong nakayakap sa kung sinong nasa tabi ko, nang maalala kung nasan at kung sinong nasa tabi ko ay mabilisan akong napamulat agad tinanggal ang mga kamay ko sa katawan ni lycan na gising na gising na pala ngayon at nakatitig lang sakin.






"Oh sorry, you could've remove it" Kinusot ko ang mga mata ko at naupo.






"Why would i? As long as you're comfortable" umupo na din siya sa tabi ko "Let's eat, food will be served here"





Tumango ako at bumaba ng kama para makapag ayos sa banyo. Nag toothbrush muna ako saka naghilamos at nagpaka komportable na rin muna bago lumabas, nakita ko ang mga katulong na pumasok at dumiretso sa balcony, may hawak na tray. Pagkalabas nila ay pumunta na ako ng balcony para makasabay kay lycan kumain.






Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para sa skwela. Sinabi samin ng mga magulang namin na dapat ay madalas na kaming makita magkasama kaya naman aa sasakyan na niya ako sumakay. Di mapigilan na may marinig akong bulungan nang makatapak kaming dalawa sa paaralan, sino naman bang di magtataka na ang dating magkaaway ay biglang magsasabay papasok ng school? May ibang nakakaalam tungkol sa kasal at naririnig ko ang maayos at di maayos na komento. Di rin pala ganoon kadali ipagpanggap ito.





Ibang klaseng reaksyon ang nasaksihan namin pagpasok ng room dahil nagsisigawan sila mga 'oowwww' 'Ayieeeee' 'hala sila naaa support support' natawa ako di alam kung anong magiging reaksyon, gusto kong mainis pero mas nangingibabaw sakin ang tuwa. Malala na to.





"Oh anong meron?" Bungad sakin ng mga kaibigan ko nang makaupo. Nasa likod ko lang si lycan.




"January 5 ang kasal" bumuntog hininga ako "Kailangan makita kaming lumalabas para di halata na arrangement lang to" tumango tango naman sila sa sagot ko.





"It's ok alli, at least makakawala ka din diyan after one year, ipapakilala talaga kita sa mga bespar ko" si lea. Napatingin ako sa kanya, muntik ko nang makalimutan na siya din pala pinagplanuhan ng mga magulang niya.





"Ikaw lea? Kumusta na ba?" Pagtatanong ko pero si zica ang sumagot.





"Wag mo na yang tanungin nagrebelde na yan, dito sakin tumitira" umismid siya. Gulat akong napatingin kay lea, ganon niya ka ayaw sa ginagawa ng mga magulang niya at nakaya niyang pagrebeldehan ito. Napa buntog hininga ako, kung sana ay kaya ko din, di ako magdadalawang isip gawin yun, pero alam kong wala akong magagawa, maraming paraan ang isang Castrana, but they just make a cheap plan.





Nilapag ni kiffer sa harapan ko ang pagkaing binili niya para sakin. Nakakatawa lang dahil kanina, kani-kanila na silang bili ng pagkain pero hinarang niya ako at siya na daw ang bibili ng pagkaing para sakin. So pumayag na lang ako dahil pagod din ang katawan ko. Ngumiti ako sa at nagpasalamat. Umupo na siya sa tapat ko.





Nagsimula na kaming kumain, gaya ng madalas, leafy foods ang nasa aking pinggan. Napansin kong medyo tumaba ako kaya babawiin ko na lang sa workout and diet. Ayokong tumaba feel ko ang pangit pangit ko. Inabutan pa ako ni kiffer ng ibang gulay na ayaw niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya nang maramdaman kong pag uyog ang upuan at ang paglipat ni zica sa harapan sa tabi  ni kiffer, tumingin pa siya sa kung sino sa tabi ko at bahagyang ngumisi sakin. Bakit?





Bumalik ako sa pagkain, nagulat ako ng lagyan ng katabi ko ang aking pinggan ng pritong isda at itlog. What the! Agad akong lumingon sa kanya at muntik nang mabulunan nang makita si lycan na nakatingin parin sa pinggan ko. Agad akong inabutan ni kiffer ng tubig na agad ko namang tinanggap at ininom.






Closer Into YouWhere stories live. Discover now