17

11 1 0
                                    

"Zica asan ang iba?" Nagulat ako nang si chezca lang ang naabutan ko sa upuan namin.

"Ewan ko dun sa kanila, family business siguro? Sabay sabay" nagtataka rin siya.

Tumango na lang ako at umupo na sa upuan ko, nagkatinginan pa kami ni lycan sandali.

Napatingin ako kay zica nang nakita kong umirap siya sa kawalan. Problema nito?

Kinalabit ko siya "Anong problema mo?"

Inis siyang bumaling sakin "Pagsabihan mo nga yang pinsan mo, kasama niya si daryl nung nakaraang araw at mukhang may date sila, tapos ngayon makikita kong iba na ang kasama niyang lalake!"

"Ayoko namang masaktan siya dahil lang sa walang kwentang babaeng yun, sugurin ko yun ng kutsilyo eh" pagpapatuloy niya.

I really can feel how serious she is with daryl, kahit di sila nagpapansin oh ewan ko nga kung kilala ni daryl si chezca eh, pero itong kaibigan ko ay baliw na baliw sa kanya. Prinoprotektahan niya sa iba.

"Kelan mo balak sabihin sa kanya yang nararamdaman mo, di naman pwedeng ididbdib mo yan eh wala ka namang dibdib" she glared at me, tumawa lang ako.

"Siguro sa valentines day," she giggled "I'll confess"

"Anlayo pa nun, february pa ah?" Sabi ko, next year pa yun antagal.

"Yun lang ang perfect moment eh"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Andami kayang  perfect moment, sinayang niya lang.

"Oh sige support kita diyan" ngumiti lang siya.

Umayos ako ng upo, gusto kong magyaya ngayon. Wala lang gusto ko lang.

"Zica let's party later?" Kita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha sa sinabi ko.

"Sige ba, saan?"

"C45 yung malapit sa village namin zica" i said pertaining to a bar that is located on our village, our mansyon.

"Anlayo naman"

"Gusto ko dun" ngumuso ako.

Wala siyang nagawa kung di pumayag, Chezca Gomez tatalikuran ang alok kong magbar? Sinong niloloko niya?

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang klase, nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin at sila lea.

"San kayo galing?" Tanong ko kay kiffer na nasa tabi ko lang, seatmate ko.

"I don't know about the two, but i woke up late." Tumango na lang ako.

"Bukas nga pala ng hapon punta ka sa condo" nakita ko ang panlalaki ng mata niya sa sinabi ko.

"A-alli bat di mo sinabing gusto mo pala, may lycan ka na diba, wag mong sabihin na makikipag three--" agad ko siyang sinapak sa mga likod.

"Ikaw kung ano ano nang naiisip mo! Gagawa ng project magkagrupo tayo tanga!" Sabi ko habang sinasapak siya, dirty minded ang isang to.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko, habang humahalakhak parin.

"Stop it oo na oo na, joke nga lang eh" he chuckled.

Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang bigla itong tinulak ng kung sino sa likod ko, at syempre kilala ko kung sino yun.

"Ano bang problema mo?!" Inis na hinarap ko si lycan.

Nagkibit siya ng balikat saka sumagot "Nilalagay bag ko"

"Kailangan ihampas mo talaga ang bag mo? Pwede naman yan sa likod mo ah?" Inis na tumalikod ako sa kanya.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now