14

6 1 0
                                    

Mahina ang loob kong pumasok sa room.

"Yow alli wazzup wazzup!" Si von na nakatayo sa harap ko at nagkunwaring binabaril ako.

Pinanliitan ko lang siya ng mata at dumiretso na sa upuan ko.

"Nakain mo? Ke aga aga ansama ng mood ah" nilingon ako ni lea.

"Nababagot lang sa condo" pagdadahilan ko pero ang totoo niyan wala talaga ako sa mood sa nakita ko kanina, bat ba? Ewan ko.

"Alam mo lumuwag naman na ang projects natin, why don't we party mamaya?"

Agad akong napailing kay zica "Sa susunod na lang zic, mas uunahin ko muna ang projects and assignments ayoko magkanda watak watak ang oras ko" sabi ko "nasira pa naman yung body clock nung august hanggang september"

"Sa bagay" tumango-tango si zica "Oh well pasustansya ka na lang"

"Wow, kani-kanina lang inaya mokong magbar tapos ngayon gusto mokong pasustansyahin ano ba talaga?" Tumawa ako ng mahina.

Pagkatapos naming mag usap ay nagcellphone na lang muna ako, hanggang sa pumasok si lycan ng room. Obviously hinatid niya ang pinsan ko sa school nila, di naman kami parehas ng school ng pinsan ko.

Naupo na siya sa upuan niya at sinabit ang bag niya sa likod ng upuan ko, as usual.

Pumasok na ang prof. Namin at agad sinimulan ang klase.

Nakinig lang ako kunware pero andami ko talagang iniisip.

Sila kaya nung pesteng pinsan ko? Oh diba di loyal, umiiral pagiging playboy. Oo alam kong maraming babae yan, di ko makakalimutan ang yung araw na andami niyang katawagan.

'Hello yes i'll be there wait for me'

'Yes honey ofcourse'

'Hey how are you? Don't worry i love you so much'

'I love you'

'Don't be jealous it's just you that i like'

Para akong masusuka nang naalala ko yun, kada oras o minuto may katawagan amputik. I feel pity for my cousin.

Nagco-copy ako ng notes sa notebook ko nang bigla itong sumablay, ano pa ba eh ginalaw na naman nung nilalang sa likod ang upuan ko.

Nilingon ko siya "Wag ka ngang malikot"

"May hinahanap ako sa bag ko, ano bang problema mo?"

"Tanggalin mo yang bag mo pag may hinahanap ka, nakakaistorbo ka nagsusulat ako dito" inis na bulong ko.

Inirapan niya lang ako at tinanggal ang bag niya sa upuan ko, tumunog yung keychain. I sighed dapat ko pa bang alamin kung akin talaga yung keychain? I need to find out eh, and naghihinala ako sa mukha niya dahil may hawig kay, nevermind pepol.

Natapos na ang klase at nandito kami ngayon sa cafeteria, dito na kami kumain para dali nang makauwi.

"Did you know guys? Lycan has a girlfriend na naman" si lea "It's from Saturnino University, girls saturnian!"

"Yeah it's my fucking cousin" nanlaki ang mata ni zica at lea sa sinabi ko.

"Oh my god, pinsan mo pa talaga? You saw it girl?" Inis na tumango ako.

"Oo naman kahit saan ba naman lumandi" ako.

Humalakhak si lea "Nakita ko nga kanina lunch date sila, sarap pag umpugin, di loyal alli no?"

"Pakealam ko dun?" Umirap ako saka ngumisi.

"Ouch! Your words hurt like daggers to my heart" si von na tinuro pa ang puso niya, humalakhak ako.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now