10

13 0 0
                                    

Ang init init ano ba to.

Gumulong-gulong ako sa kama ko hanggang sa...... kung minamalas nga naman, nahulog ako, as in lumagapak ang aking katawan sa malamig na semento dahilan ng pagdilat ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon na pinagsisihan ko naman dahil sumakit ang ulot ko, napahawak ako dito.

Damn alcohol!

Naglasing nga pala ako kagabi, minulat ko paunti-unti ang mata ko at nakita ang kabuuan ng condo ko, i'm in my condominium god i thought i would be on an unknown room, only bed sheet covering me when i woke up.

Tiningnan ko ang wristwatch ko and, god it's eleven!

Tumayo ako at nagpunta sa kitchen para makainom ng tubig.

Pagkatapos ay naghilamos na muna ako at inayos ang sarili ko.

Napagdesisyonan ko na lang maligo dahil suot ko pa ngayon ang suot ko kahapon sa bar.

Bumalik ako ng kwarto para ayusin ang kama ko, gusot gusot kase eh no, ganyan pala ako pag wasak sa kalasingan, owmen.

Pagkatapos ayusin ang kwarto ko ay dumeritso na ako ng bathroom at nagbabad sa bathtub.

After that i rinsed myself and stepped out of the bathroom.

Dahil di pa naman ako makakapasok ngayon ay nagrelax na lang muna ako, pag open ko pa nga ng cellphone ko ay andaming text sakin ng mga kaibigan ko.

Pero isang text ni zica ang nagpagulat sakin.

Chezca: Diyan ka ba hinatid ni lycan sa condo mo?

Teka ano to? Bat wala akong maalala?

Pinilig ko ang ulo ko, sino daw ang naghatid sakin? Binasa ko uli ang message si lycan talaga!

That pauper was the one who bought me here?! How?!

I think i lost my memory.

Nagsend na lang ako kay zica ng question mark bago tumayo para bumaba at makapag order ng tanghalian, my body still felt weak to even cook for.

Nang maka order na ay umakyat na ako ulit sa condo ko at hinain na ang mga inorder ko.

Uupo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto ng condo unit ko.

Pinuntahan ko muna yun at sinilip sa see through ng pintuan bago pinagbuksan si zica.

"Hey! How's the hangover?!" Agad na tanong niya habang nilalapag ang bag at gamit niya sa couch sa sala ko.

"Bad" tanging sagot ko lang "kain tayo" aya ko sa kanya.

"Yeah, may dala akong pagkain dito" turo niya sa bag niya at binuksan na ito, she bought vegetable leafy foods.

Nagsimula na kaming kumain at siya naman daldal nang daldal, di daw makakapunta ngayon dito sila lea ay may kanya- kanya silang lakad.

"Buti na lang at dito ka dinala ng future husband mo" sinamaan ko agad ng tingin si zica.

"Don't say that, never" sabi ko "teka? Bakit siya ang nagdala sakin dito?" Nagtatakang tanong ko.

Pero mas nagtaka ako nang bigla na lang humalakhak si zica, punyemas nagka saltik na sa utak tong kaibigan ko.

"Di mo naalala?" Natatawang tanong niya pa.

Napangiwi ako, kaya nga nagtanong.

"Pwes wag mo nang alalahanin" pinanliitan niya ako ng mata "Nakakahiya ka"

Saka siya muling humalakhak, tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain, walang maidudulot tong pakikipag usap ko sa katabi ko.

Dumaan ang araw ay pumasok na ako, di nga lang ako nasasanay na nakikita si lycan dahil, ugh! Siya nga pala ang nireto sakin nila mama, cringe!

Closer Into YouWhere stories live. Discover now