15

8 0 0
                                    

"Hays thankyou!" Agad akong sumampa sa kama sa pagod galing skwelahan.

Naipasa ko na ang mga projects ko at assignments, pero may natitira pa namang ibang projects siguro nasa dalawa na lang yun and by group.

Pero ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag.

Bumangon nako sa kama at nagbihis na ng damit pangbahay, magsta-stay na lang muna ako dito gusto kong makapag relax lang sa condo.

Lumabas na ako at nagluto ng makakain, magmo-moma na lang ako ngayon.

Habang nagluluto ako ay sinasabayan ko na din ng pagsasayaw, sandali lang ay pumasok si lycan sa kusina, kumuha ng tubig sa ref at umupo sa counter.

"Nobody else needs to know~" sumabay ako sa kanta sa earpods ko sa kabilang tenga ko. "Where we might go~ we could just run them red lights"

"You sing?" Dinig kong tanong ni lycan na nasa counter parin pala.

"Obvious" inirapan ko siya saka kinuha ang popcorn.

"Your voice is pretty " komento niya, aaminin ko nahiya ako konti. Konti lang naman.

"Dapat ba ako mag thankyou?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Lumakad na ako palabas ng kusina pero tumigil din.

"Gusto mo?" Pinakita ko sa kanya yung popcorn.

Umiling siya "Cheap"

Kumuha ako ng isang piraso ng popcorn at inis na binato yun sa mukha niya, saka umalis at pumunta nang sala.

Nanood lang ako ng korean drama "Hwarang" palagi kong binabalik balik to palabas na to.

Habang nanonood ay nagce- cellphone din ako, kausap ko mga kaibigan ko.

@LeaPark
: girl nakita ko kanina si lycan may kasamang other girl na naman, omg your cousin is doomed!

Napatawa ako sa sinabi ni lea, pity her.

@Chezca_G
: Playboy will always be playboy.

@AlliaLoriCastrana
: pfft pabayaan niyo na yun, pakialam ko dun?

@KiffSuarez
: How r you there?

@AlliaLoriCastrana
: I'm fine nagmo- moma ako guys!

Pinicturan ko ang tv sa mukha ni park seo joon yung bida saka sinend sa kanila, agad nagreact si zica.

@Chezca_G
: With who? Don't tell me girl!

Napahalakhak ako sa chat niya, her instinct. Sasagot na sana ako nang may biglang magsalita sa malapit sa harap ko.

"Ano nabaliw ka na?" Excited na sabi ni lycan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagkibit siya ng balikat at umupo sa sofa sa harap ko saka kumuha ng popcorn. Popcorn!

Agad kong kinuha ang bowl.

"Ano ngang sabi mo kanina? Cheap? Cheap ang popcorn? Aba'y wag kang kumain!"

Inis na tiningnan niya ako at padabog na tumayo saka lumabas ng condo, sinundan ko siya ng tingin at agad ding binalik sa panonood.

Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng condo, di ko sana ito lilingunin dahil alam ko na kung sino to pero nakaamoy ako ng mabango dahilan para maagaw ang atensyon ko at lumingon sa kanya.

Shet! May dala siyang fries at lasagna!

Nilapag niya sa table sa harapan ko ang pagkain at umupo sa inupuan niya kanina at nagsimulang galawin ang pagkain, tinitingnan ko parin ito.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now