18

13 0 0
                                    

Sa takbo ng buhay natin, malalaman ba natin ang mga susunod? Yung ayaw mo gusto mo na pala ngayon, yung di mo inaasahan na darating, darating. Pero sa ilan diyan ay mukang may natutunan ako.

Nagising akong malagkit ang katawan at sumasakit ang ulo, dang hangover!

Umupo muna ako sa kama habang hawak hawak ng mariin ang aking ulo, lumingon ako sa bedside table at nakita ang tumbler na puno ng tubig at sa gilid nito'y platito na may nakapatong na gamot. Pain reliever.

Pumasok siya sa kwarto ko? Di ko ba nilock yun?

Tinampal ko ang noo ko, wala akong maalala bukod sa nagpunta nga kami sa bar kahapon, naglasing ako! Tapos anong nangyari sunod?

Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kong maglinis, nagugutom nako alas onse na pala. Buti na lang at sabado ngayon.

"Akala ko di ka na magigising?" Kasalukuyan akong naghahanap ngayon ng pagkain sa ref nang mapatalon sa biglaang boses.

"Pumasok ka sa kwarto ko?" Kunot noong tanong ko.

Tumingin lang siya sakin saka ako tinaasan ng kilay "Wala kang maalala kagabi? Lasing na lasing ka"

May imaheng biglang lumutang sa isip ko pero isinantabi ko yun, di naman totoo yun diba?

I sighed "Wala. Lasing ako diba?" Umikot ang mata ko.

Tiningnan ko siya at nag iwas naman siya ng tingin. Problema nito?

Naisipan kong mag ma-mall muna hanggang alas dos kaya pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ako at nagpaalam.

"Let me go with you" Agad ko siyang pinanlakihan ng mata, makikialam na naman to.

"At ano namang gagawin mo dun?" I crossed my arms.

"Sasama lang" nag iwas siya ng tingin "Wala akong magawa dito no, mag isa lang ako--"

"Nakakatawa ka rin no? Ikaw walang magawa na halos mukhang seaman ka na sa pamimingwit ng mga babae?" Kita kong ngumiwi siya "Dun ka sa bar, wag moko samahan."

"Your mom said so. I keep my words loui dahil binilin niya" nag init ang ulo ko sa sinabi niya, what is it again mommy?!

Ni hindi niya lubusang kilala si lycan tapos-- tss why not loui diba? Iniisip niya na kayo din naman magkakatuluyan so bakit hindi?

"Pwede namang wag ka nang sumama eh" i rolled my eyes, inayos ko ang doll shoes ko at tumingin sa salamin.

Nakita kong inaayos niya ang kanyang t-shirt "As i said, i'm true to my words, saka may gana ka pang gumala ng mag isa lang na muntik ka na ngang mapahamak sa bar kagabi"

Napatingin ako sa kanya "Paano mo nalaman?!"

"Tss. Ako ang naghatid sayo pauwi" lumapit siya sa salamin sa tabi ko.

May lumutang na naman na imahe sa isipan ko, totoo ba yun? Did we.... kiss?

"Ikaw so....? Y-yung? Totoo yun?" Hinarap niya ako, argh! Di ako makatingin sa kanya! Naiilang ako!

"You initiated it" nagkibit siya ng balikat "Let's go"

Nanlaki ang mata kong sumusunod sa kanya what the-! Di pa talaga niya binawi! Totoo yun god! At anong ako?

Nagda-drive na si lycan patungong mall at ako naman ay ilang na ilang na. Naalala ko na ang nakakahiyang nangyari kagabi, i initiated the kiss oh my mommy! Malandi po ang anak niyo!

Pero kahit ganun ay nagkunwari pa rin akong walang nalalaman, kahit na di ako makatingin sa lalaking to ng diretso.

Pumasok ako sa isang brand ng damit at lotion. Ilang minuto lang akong namili dun at agad din kaming nag snack.

Closer Into YouWhere stories live. Discover now