Pag kawala ng Ala-ala

70 8 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, mga araw na para kay reyna anne ay napakabagal buti na lamang nariyan ang kanyang prinsipe rain at siya ay nalilibang, tuwang tuwa sya kay kapitan nash na hindi nag sasawa sa pag tuturo ng espada nito at pag lalaro sa kaniyang anak.

Naiilang lamang sya kay prinsipe gabriel na kahit saan ata sya pumunta ay laging nakabuntot sa kanya. Maya maya ay napaisip ang reyna. Hinihintay ang pag kakataon na hindi ito nakatingin sa kanya. At maya maya ay bigla syang mabilis na tumakbo....nag tago sya sa isang puno na punong puno ng halaman.

Pigil na pigil ang kanyang tawa habang nakasilip sa butas...ng makita nya si prinsipe gabriel na nag hahanap sa kanya. Bigla lamang nagulat ang reyna ng biglang sumulpot ang mukha ni nash na kay dungis na nakisilip sa butas.

Nash: mahal na reyna ano ang sinisilip mo?

Reyna Anne: hindi ano kundi sino

Nash: sino ?

Reyna Anne: si prinsipe gabriel

Nash: hahahaha mahal na reyna wag ka dito mag tago madali ka nyang makikita dito. Duon may malaking banga duon. Dun ko madalas taguan ang batang prinsipe at hindi nya pa ako nakikita duon hahaha

Reyna Anne: nasaan ang prinsipe?

Nash: pinapaliguan na sya tapos na ang aming pag lalaro at sya ay pagod na.

Reyna Anne: bakit ang dungis ng mukha mo?

Nash: nag lagay ako ng dumi upang takutin ang prinsipe ngunit hindi ito natakot sa halip pinag tawanan ako hahaha.

Reyna Anne: nakakatawa naman talaga ang iyong itsura. Sige na mag hilamos ka na at ako'y mag tatago na sa banga na sinsabi mo.

Nash: sige mahal na reyna hindi sya nakatingin. Takbo na.

Tumakbo ang reyna at nag tago sa malaking banga...maya maya ay sumilip sya sa butas at hinahanap ang prinsipe. Naramdaman nya muli ang mukha malapit sa butas na kanyang sinisilip.

Reyna Anne: napansin mo ba nash kung saan ang prinsipe? Hindi kaya sya ay lumabas na? Kawawa naman. Naiinis kasi ako sa kanya dahil kahit saan ako pumunta ay nakasunod sa akin.

Patuloy ang pag silip ng reyna sa butas at napadikit ang kanyang mukha sa isang pisngi na katabi nya.

Reyna Anne: ano ba nash nakapg hilamos ka na ba? Wag mong idikit ang madungis mong mukha sa akin.

Prinsipe Gabriel: pasensya na reyna anne...ako ba ang sinisilip mo riyan sa butas?

Biglang napabalikwas ng tayo ang prinsesa. Natatawang nakamasid lamang ang prinsipe gabriel sa kanya habang namumula sya sa hiya.

Reyna Anne: ano ang gjnagawa mo rito?

Prinsipe Gabriel: ikaw ang dapat kong tanungin mahal na reyna. Ano ang ginagawa ng isang reyna sa likuran ng malaking banga? Ang alam ko ay tapos na ang oras ng pag lalaro ni prinsipe rain at ang isip batang si nash.

Hindi kumibo ang reyna at siya ay nag lakad.

Prinsipe Gabriel: hindi ko akalain na gusto mo palang makipag laro sa akin. Hahaha

Reyna Anne: mas masaya ako prinsipe kung hindi mo na ako babantayan. Kaya kong proteksyunan ang sarili ko.

Prinsipe Gabriel: pasensya na reyna anne mas masaya akong bantayan ka.

Reyna Anne: isa akong reyna at kailangan mong sumunod sa akin.

Prinsipe Gabriel: isa lamang ang aking susundin at hindi ikaw yun mahal na reyna kundi si Haring Jin.

PrinceSesa Returns (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon