Tinutulugan ng reyna si haring jin sa mga dokumento na kailangan ng hari lagdain biglang nakarinig sila ng ingay sa labas, dali dali silang lumabas at nakasubong nila si prinsesa zai na papatakbo sa kanilang silid.
Prinsesa Zai: mahal na hari at reyna.
nawawala si prinsipe rain
Reyna Anne: ano? Nasaan ang kaniyang dalawang alalay?
Prinsesa Zai: hinahanap nila ang prinsipe
Haring Jin: sabihin sa mga kawal na hanapin ang prinsipe.
Nag aalala na napahangos ng takbo ang hari papunta sa labas, sumunod ang prinsesa at reyna...sa pag labas nila ay naabutan nila si kapitan maynard na nag uutos sa mga kawal.
Maynard: mag labas ng mga kawal upang mag ikot sa kaharian.
Haring Jin: lahat kayong mga kawal mag hanap din sa labas ng palasyo.
Maya maya ay dumating si prinsipe gabriel at nag tataka ito sa kaguluhan na nangyayari
Prinsipe Gabriel: ano ang nangyayari?
Hindi nya napansin si prinsesa zai ang kanyang napag tanungan.
Prinsesa Zai: kausap mo ako? Nakikita mo ako? Kasi hindi kita nakikita.
Prinsipe Gabriel: kung sa tingin mo ay isa kang multo na di ko nakikita....pwes nakikita kita dahil may ikatlong mata ako.
Prinsesa Zai: wala akong kausap.
Prinsipe Gabriel: sabagay nababagay na maging multo ka dahil mukha kang multo sa kapal ng pulbos mo sa mukha.
Sabay tinalikuran sya nito. Napahawak ang prinsesa sa kanyang mukha....at dali daling pumunta sa salamin upang tingnan kung makapal nga ang kanyang pulbos.
Prinsesa Zai: napaka hambog talaga ng gabriel na yun...ni hindi naman makapal ang pulbos ko sa mukha. nakakainis talaga yun.
Alalang alala ang hari pilit na iniisip kung saan maaaring mag punta ang prinsipe.
Haring Jin: parang may naaalala akong madalas nyang puntahan.....sila ni nash....parang naaalala ko na madalas sila pumunta at mag laro ni nash sa punong makopa.
Dali daling pinuntahan nya ang punong makopa at nakita nga nya ang prinsipe na nasa itaas nito.
Haring Jin: prinsipe rain anak ko wag kang gagalaw dyan at mahuhulog ka.
Narinig ng lahat ang sigaw ng hari at dali dali silang nag sipag puntahan sa puno. At nakita nila ang hari na paakyat ng puno.
Reyna Anne: oh mahal kong prinsipe wag kang gumalaw baka mahulog ka.
Prinsipe Rain: kinukuha ko po si nash ng makopa gustong gusto nya to para po gagaling na sya at makikita ko na sya.
Reyna Anne: prinsipe mas gusto ni nash na wag kang gagalaw para hindi ka mahulog.
Sa unang hakbang ng hari ay biglang naputol ang sanga na kanyang inapakan.
Reyna Anne: mahal na hari mag iingat ka marupok ang mga sanga tanging ang kaya lamang nito ay ang mga magagaan.
Haring Jin: kukunin ko ang anak ko reyna at ang tanging paraan lamang ay ang tumuntong ako.
Haring Jin: prinsipe....anak ko kumapit ka mabuti dyan at wag kang gagalaw....maipapangako mo ba sa akin yan?
Prinsipe Rain: opo ama ko pero ikukuha po natin si nash ng makopa paborito po nya ito.
Haring Jin: oo anak ko ikukuha natin sya ng madami. Kumapit ka lang malapit na ako.
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AdventureHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
