Nakatayo si prinsipe gabriel sa lugar kung saan dinala nya ang reyna anne. Naalala nya namimitas ang reyna ng maraming bulaklak kita sa mga ngiti nito ang saya na hindi mapapalitan. Sa pag pikit ng kanyang mga mata ang prinsesa zai naman ang kanyang nikikita.
Prinsipe Gabriel: ahhh mababaliw na ata ako. Tatlong taon ang pinag saluhan natin ng pag mamahalan....tatlong taong tuksuhan....tatlong taon na madalas ang pag tatalo ngunit napapalitan naman ito ng saya.
Pumikit ng mariin ang prinsipe at napaluha. Isa syang prinsipe na sanay sa digmaan.....ngunit digmaan pag dating sa puso bakit parang talong talo sya nito.
Mas madali pa ata ang masugatan sa digmaan kesa masugatan ang puso.
Nanatili syang nakapikit.... parang narinig nya ang tinig ng reyna....unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata.
Reyna Anne: hindi ka nananaginip prinsipe gabriel
Ngumiti ang reyna sa kanya at humakbang papunta sa mga bulaklak.
Reyna Anne: masaya akong nadala mo ako sa lugar na ito. Alam mo bang binili ko ang lugar na ito?
Prinsipe Gabriel: talaga? Hindi ko alam yun.
Reyna Anne: napaka ganda ng lugar na ito sayang kung hindi maalagaan.....
naging espesyal sa akin ito prinsipe gabriel....sayang naman kung walang mag aasikaso dito kaya binili ko.
Prinsipe Gabriel: mapapadalas na ang pag punta mo rito nyan mahal na reyna.madami ka ng bulaklak na pipitasin upang dalhin sa palasyo mo.
Reyna Anne: hindi na ako mamimitas ng bulaklak dito. alam mo prinsipe....minsan kahit gaano kaganda at kahit gaano ang kagustuhan mong pitasin ang isang bulaklak ay hindi maaari dahil meron ng nag mamay ari rito. Ang tanging magagawa mo lamang ay hawakan at titigan ito.....hindi mo mapipitas dahil pag pinitas mo ito sa umpisa lang maganda ngunit habng tumatagal mamatay din ito.
Prinsipe Gabriel: maaari naman mabuhay ito kung iyong paka hahalagaan.
Reyna Anne: hindi sya mabubuhay dahil kinuha mo sya sa lugar kung saan kasama ang mga mahal nya mga kapwa nya bulaklak.
Prinsipe Gabriel: eh di kung ganun araw araw ko nalang pupuntahan ang bulaklak...hahawakan at tititigan.
Reyna Anne: maligaya ka ba kapag ginawa mo yun? Hanggang saan ka tatagal?
Prinsipe Gabriel: kung nagawa ni nash kaya kong gawin mahal na reyna.
Bumuntong hininga ang reyna at lumapit sa prinsipe.
Reyna Anne: prinsipe nakita mo kung paano ang naging pag mamahalan namin ng mga prinsesa. Mag away man kami, bandang huli kami parin ang mag kakasama. Espesyal ka sa akin prinsipe gabriel kung ako lamang ang tatanungin gusto kong makita ka sa palasyo araw araw....ngunit may isang prinsesa ang masasaktan....mas gusto ko pang maging mag isa kesa ang masamahan mo. ganun ko kamahal ang prinsesa....palayain mo ang nararamdaman mo at alam ko darating ang araw na magiging maligaya ka.
Prinsipe Gabriel: kung kinakailangan kitang ipag laban gagawin ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pag ibig.
Reyna Anne: wala kang dapat ipag laban Prinsipe gabriel sapagkat meron ng nag mamay ari sa akin. Iba ang sitwasyon ni Nash at iba ka. Wag mong sayangin ang pagiging prinsipe mo ng dahil sa akin lamang.
Prinsipe Gabriel: kaya kong talikuran ang pagiging prinsipe ko mahal na reyna, basta makasama ka lang.
Reyna Anne: nasasabi mo lamang yan dahil bago palang ang nararamdaman mo. Hindi mo maaaring sayangin ang nasimulan mo. Maraming tao ang nakasandal sayo.
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AdventureHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
