Pag-ibig na umusbong

35 8 0
                                    

Naisipan ni Reyna Anne bisitahin ang kanyang dating Palasyo, ang Korean Palace. Nilapitan ni haring Jin si reyna anne at kanyang hinalikan sa labi.

Haring Jin: mag iingat ka mahal ko.

Reyna Anne: ngunit hindi na kailangan sumama ni prinsipe gabriel sa akin. Kaya ko na ang aking sarili ko mahal ko. Bibisita lamang ako sa aking inang reyna.

Haring Jin: mas panatag ako kapag kasama mo ang prinsipe. O kung gusto mo ipapasama ko nalang sayo si kapitan Maynard.

Reyna Anne: hindi mo maaaring ipasama sa akin si kapitan dahil kailangan mo sya. Ako naman ang mag aalala sayo.

Haring Jin: wala na tayong ibang pag pipilian kundi si prinsipe gabriel.

Reyna Anne: ngunit mahal ko, si prinsipe gabriel ay prinsipe hindi sya kapitan ko.

Lumapit ang hari sa kanya at hinawakan sya sa braso

Haring Jin: mahal na reyna upang parehas tayong mapanatag sundin mo na lamang ako. Maaari ba?

Reyna Anne: o sige na...ayaw ko naman na mag isip ka pa sa akin. Pumapayag na ako.

Hinalikan sya ng hari sa labi ng matagal.

Haring Jin: mag iingat ka hihintayin ko ang pag uwi mo mamayang gabi.

Reyna Anne: aalis na ako mahal ko.

At lumabas na ang reyna. Nakita nya ai prinsipe gabriel na nakasakay na sa kabayo.

Maynard: mag iingat ka reyna... dalawampung mga kawal ang iyong kasama mo.

Tumango ang reyna at sumakay na ng kabayo habang inaalalayan ni Maynard.

Reyna Anne: salamat kapitan. Ikaw na ang bahala sa aking hari.

Maynard: maaasahan mo mahal na reyna. Mag iingat kayo.

Nauna ng lumabas ang sampung mga kawal, kasunod na lumabas ng palasyo ang reyna katabi sa bandang kanan si Prinsipe gabriel at nasa kanilang likuran ang sampu pang mga kawal.)

Reyna Anne: pasensya ka na prinsipe gabriel at ikaw ang naatasan ng hari na samahan ako. Hayaan mo mag papatawag ako ng mga mandirigma upang ako ay pipili sa kanila na maging aking kapitan.

Prinsipe Gabriel: masaya akong mabantayan ka mahal na reyna.

Reyna Anne: nais ko kasing pasyalan ang aking inang reyna. Hindi ko maisama pa ang prinsipe dahil kapag sinama ko yun ay mangungulit na sumama si nash. Ayoko pang lumabas ng palasyo si nash dahil kagagaling lamang niya sa sakit.

Prinsipe Gabriel: napaka daming nag mamahal sayo reyna anne. Napaka bait mo kasi. At kahit sino naman na makasama ka ay mahuhulog ang loob sayo.

Reyna Anne: may mga tao na akala nila nahulog ang loob nila...na akala nila napamahal agad sila sa tao...yun pala ay nakaramdam lamang sila ng pag hanga o pag mamahal sa isang kaibigan.

Prinsipe Gabriel: anong ibig mong sabihin?

Huminto ang kabayo nila....kinuha ng reyna ang kamay ni prinsipe gabriel.

Reyna Anne: prinsipe gabriel....alam ko kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ang pag punta mo sa palasyo at hanggang ngayon ako ay iyong sinasamahan.

Prinsipe Gabriel: wag mo ng ituloy mahal na reyna kung ayaw mo akong masaktan. Basta ang alam ko masaya ako sa ginagawa ko at ang saya na nararamdaman ko ay sapat na. Hindi ako umaasa ng kung ano pa man. Ang makasama ka ay ligaya ang dulot sa akin nito.

PrinceSesa Returns (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon