Bumaba ng kabayo si prinsipe gabriel at napansin nya na naroroon parin ang kabayo ni kapitan dustin. At si dustin ay nag papakain ng mga kalapati sa bakuran nito. Nakita ni dustin ang pag dating ng prinsipe at dali dali nya itong nilapitan.
Mula sa pag kakasilip sa bintana ay nakita ng prinsesa na nag uusap ang kapitan at prinsipe.
Prinsesa Zai: aba aba bakit naririto ang aking prinsipe...sinusundo na kaya ako nito? Hahahaha pag lalaruan muna kita kasama ng iyong kapitan hahaha
Dali daling nag palit ng damit ang prinsesa at sinadya nyang isuot ang malaking tshirt ni dustin upang mag mukhang bestida.
Prinsesa Zai: tamang tama ito kitang kita ang mapuputi kong binti hahaha mag laway ka prinsipe ko sa akin hahahaha
Dahan dahan umupo ang prinsesa at ipinatong ang mga paa sa mababang lamesa at inilitaw nya ang kanyang mga binti.
Prinsesa Zai: napaka tagal naman mag usap ng mga iyon at napapanis na ako sa kakahintay.
Muli ay sumilip siya sa bintana....at nag uusap parin ang dalawa....isa dalawa tatlo.....umabot ng tatlumpung minuto ang pag uusap ng dalawa. Maya maya ay napansin nyang papalapit na ang dalawa sa pintuan.
Mabilis na nilundag ng prinsesa zai ang upuan at ipinatong ang mga paa at ito ay nag paganda muna.
Bumukas ang pintuan at nag kunwaring tulog tulugan ang prinsesa....nagulat si dustin sa itsura ng prinsesa kanina lamang ay nakabihis na ito ng kanyang damit ano ang naisipan nito at suot nito ang kanyang damit.
Dustin: Prinsesa...gising prinsesa....
Prinsipe Gabriel: mahirap gisingin ang nag tutulog tulugan kapitan.
Maya maya ay nag kunwaring nagising ang prinsesa at kunwari ay hindi nya napansin ang prinsipe.
Prinsesa Zai: mahal ko, mahal kong kapitan...
Hinatak nito si dustin at napasubsob ito sa kanya.
Prinsesa Zai: mahal ko akala ko matutulog muli tayo.
Dustin: prinsesa nandito ang prinsipe.
Prinsesa Zai: prinsipe anong ginagawa mo rito sa bahay ko?
Prinsipe Gabriel: bahay mo? Ang alam ko, bahay ito ng aking kapitan.
Kitang kita ng prinsesa na tiningnan sya ng prinsipe mula ulo hanggang paa at sya ay kinilig.
Prinsipe Gabriel: hindi ka ba nahihiya sa itsura mo? Kaninong damit yang suot mo?
Prinsesa Zai: kanino pa ba ...alangan naman sa kalabaw....nag dadamit ba ang kalabaw?
Prinsipe Gabriel: dalawang araw ka palang hindi umuwi.....dalawang araw ka dito kasama ang aking kapitan?
Prinsesa Zai: ano ba ang pakialam mo sa akin? Teka....hinahanap mo ba ako?
Unti unting lumapit ang prinsesa sa prinsipe habang nakamasid lamang si dustin sa kanila na nangangamot ng ulo dahil sa pag kalito.
Prinsesa Zai: bakit mo ako hinahanap prinsipe? Na mis mo ba ako?
Habang inilalapit nya ang sarili nya ay umaatras si prinsipe gabriel.
Prinsipe Gabriel: kapitan akala ko ba nakahanda na ang prinsesa sa pag alis...mukhang komportableng komportable sya sa suot nya na konti, nalang makikita na ang kanyang kaluluwa.
Dustin: kapitan kanina lamang kasi nakabihis na ang prinsesa.
Prinsesa Zai: anong nakabihis ? Hindi mo lang napansin na ganito ang suot ko kanina pa.

BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AdventureHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...