Masayang nag sasalo salo sa hapag kainan ang lahat, sa hardin na kanilang ginagawa, na kung saan pinalagay ng reyna ang mga pag kain upang makasalo nya ang kanyang grupo.
Tuwang tuwa ang mga prinsesa dahil magaling na ang reyna.
Reyna Anne: patawarin nyo ako at naparusahan kayo.
Prinsesa Zai: nauunawaan ka namin mahal na reyna.
Prinsesa Heart: nauunawaan din namin si haring jin.
Nash: mahal na reyna hanggang ngayon ba galit parin ang hari?
Reyna Anne: di naman sya masyadong galit, ngunit napaka lamig ng pakikitungo nya sa akin.
Nash: hayaan mo na reyna lilipas din ang araw magiging maayos din ang lahat.
Reyna Anne: sana nga....ayokong mag tampo ang hari sa akin. Nasasaktan ako.
Prinsipe Gabriel: siguro kung sinabi nyo sa amin ang plano hindi aabot ang ganito.
Reyna Anne: ikaw prinsipe galit ka ba sa amin?
Prinsipe Gabriel: gaya rin ako ng harj at ni kapitan Maynard, nagalit o nag tampo. noong una kong nalaman, maraming salitang paano sa aking isipan....paano kung nasaktan ka? Paano kung may masamang nangyari sa inyo... pero ngayong magaling ka na....napawi na ang galit ko. Masaya akong makitang maayos ka.
Maya maya ay napansin nila na papalapit ang haring jin. Nag sipag tayuan sila at yumukod sa hari.
Haring Jin: kumusta ang hardin mukhang matatagalan pa bago matapos ito.
Reyna Anne: mahal na hari nakaka apat na araw na sila baka maaari na silang tumigil...maraming tauhan ang palasyo na pwede gumawa ng kanilang trabaho.
Haring Jin: hanggang sa parusa ba nais mo ikaw ang masusunod reyna?
Reyna Anne: hindi naman sa ganuon mahal na hari...nasasaktan lamang akong makita silang napapagod.
Haring Jin: at hindi ka ba nasasaktan kapag sinusuway mo ang aking utos?
Reyna Anne: mahal na hari...
Haring Jin: tapusin nyo na yan at bukas ay nais ko parin kayo makita dito sa hardin.
Reyna Anne: ako na lamang ang iyong parusahan kamahalan.
Nagulat si Haring Jin sa kanyang narinig.
Haring Jin: handa mong isakripisyo ang iyong sarili dahil sa nagawa nyong pag lilihim sa akin?
Reyna Anne: kung iyon ang nararapat kamahalan, ang kaparusahan ko kapalit ng pag tigil nila sa mabigat na trabahong ito.
Prinsesa Heart: mahal na reyna hindi mo dapat gawin ito. Kaya naman namin ito. Tatanggapin namin.ang parusang ito dahil ito ay nararapat.
Prinsesa Zai: bata pa lamang tayo marami ka ng sinakripisyo sa amin...ipinag palit mo ang sarili mo para sa amin. Hindi mo na kailangan gawin iyan ngayon.
Naiiyak na ang mga prinsesa.
Nash: waaaaaaahhh mahal kong reyna....baliwala sa akin ang trabahong ito basta wag ka lamang mahirapan.
Kapitan Dustin: mahal na reyna kung kaya Kong ialay ang buhay ko sayo....mas kaya ko itong gawin.
Napangiti ang Hari sa kanyang narinig sa mga ito.
Haring Jin: narinig mo sila? Ayaw nilang maparusahan ang reyna, napaka dakila ng iyong grupo. Maaari nyo ng simulan ang trabaho.
Tumalikod ang Hari ngunit hinabol sya ng reyna at ito ay lumuhod sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AventuraHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
