Iyak ng iyak si prinsesa zai habang sya ay pabalik ng kanya kabayo upang makabalik na sya sa kanilang palasyo, maya maya nagulat sya ng biglang may lumundag buhat sa pag kakasakay nito ng kabayo.
Kapitan Dustin: akala ko balak mo na naman nakawin si skype prinsesa.
Prinsesa Zai: at bakit ko sya nanakawin hindi ko na sya gusto pati ang mayabang nyang amo.
Kapitan Dustin: bakit ka umiiyak sa walang kabuluhan?
Prinsesa Zai: anong ibig mong sabihin... palibhasa siguro manhid ka gaya ng iyong prinsipe.
Dustin: si prinsipe gabriel ay hindi manhid.
Prinsesa Zai: ano ang tawag mo sa mga ginagawa nya sa akin? Sinasaktan nya ako.
Dustin: ikaw lamang ang gumagawa ng dahilan prinsesa para saktan mo ang sarili mo.
Prinsesa Zai: eh di kampihan mo ang prinsipe mo....mag sama kayo.
Dustin: hindi ko kinakampihan ang prinsipe. Masyado ka lang nabubulag sa selos mo.
Prinsesa Zai: at bakit ko naman pag seselosan ang reyna? Maganda din naman akong tulad nya at isa akong prinsesa.
Dustin: hahaha nais mong paniwalain ako na hindi ka nag seselos sa kanya?
Prinsesa Zai: isipin mo ang gusto mo isipin wala akong pakialam.
Dustin: yan ang hirap sayo prinsesa masyadong matigas ang iyong ulo. Bakit hindi mo maunawaan na sa mga oras na ito ay kailangan ng reyna ng suporta.
Prinsesa Zai: at bakit ko sya susuportahan Samantalang nasa kanya na si prinsipe yabang.
Dustin: nandun ang prinsipe dahil wala ka sa tabi ng reyna. Na imbis na ikaw ang gumawa ay pinaako mo sa prinsipe. Dahil sa wala mong kwentang selos.
Prinsesa Zai: sino ka para sabihan mo ako ng ganyan.
Dustin: hahaha ako lang naman ang kapitan ng isang prinsipe na kilalang kilala ko. Ang prinsipe na takot mag pakasal sayo dahil sa ugali mo.
Prinsesa Zai: at ano ang meron sa ugali ko? Na akala mo ako na ang pinaka masamang prinsesa sa mundo.
Dustin: mabait si prinsipe gabriel....mabilis mahulog ang loob sa prinsesang may mabuting kalooban.
Prinsesa Zai: at ako ? Prinsesang masama?
Dustin: lumaki ang prinsipe na tanging ama lamang nya ang kasama. Iniwan sila ng kanyang ina na isang brat na gaya mo. Maaaring nakikita ng prinsipe ang ugali ng kanyang inang reyna sayo.
Prinsesa Zai: anong ibig mong sabihin?
Dustin: kagaya mong matigas ang ulo at brat ang ina ni prinsipe. Panay lahat ng gusto nya ang nais nya ay sya ang masunod. Sa sobrang pag mamahal ng hari na ama ni prinsipe gabriel ay inabuso ito ng inang reyna. Nandyan na halos ang reyna ang mag patakbo ng palasyo at sa bawat taong tinutulungan ng hari ay pinag seselosan ito ng reyna. Pinag tawanan at kinutya ang hari. At dumating ang araw na nag sawa ang hari nag away sila ng reyna. Sa sobrang brat ng reyna ay lumayas ito sa palasyo at hindi na muling bumalik at lubos na naapektuhan ang prinsipe sa nangyari.
Prinsesa Zai: hindi ganun ang ugali ko.
Dustin: sa mga pinapakita mo sa prinsipe ay mukhang papunta na duon ang ugali mo prinsesa.
Prinsesa Zai: alam kong mahal ako ng prinsipe at tanggap nya kung ano pa ako.
Dustin: kaya wag mong hayaan na tuluyang mawala ang pag mamahal sayo ng prinsipe.
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AdventureHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
