Lumipas ang ilang araw na matamis na pag mamahalan ni haring Jin at prinsesa Anne. Mag kaakbay na nag lalakad sila sa hardin ng makita nila sila kapitan maynard at prinsesa heart.
Maynard: magandang umaga haring jjn at reyna anne.
Prinsesa Heart: magandang umaga sa inyo mga kamahalan.
Tumango ang hari at reyna. At umupo sa harapan nila.
Maynard: madalas ata ang pag kulong nyo sa kwarto baka masundan agad ang prinsipe.
Lanunukso nito sa dalawa na kinapula ng pisngi ng reyna dahil sa naramdamang hiya.
Haring Jin: nag mamadali na nga ako upang mag karon kami ng munting prinsesa.
Kinabig nito ang reyna at hinalikan sa noo.
Reyna Anne: nasaan si prinsesa zai?
Prinsesa Heart: naglakad sila ni prinsipe rain...oh ayan na sila.
Lumapit si prinsesa zai at prinsipe rain sa kanila at binigyan ng reyna at hari ng matamis na halik ang kanila anak.
Prinsesa Zai: hindi ko alam paano nakakatagal si nash sa pag lalaro sa batang yan napakaliksi at bilis tumakbo.
Prinsesa Heart: ayaw mo nun kapag nakapag asawa ka na ay sanay ka na humabol ng anak.
Prinsesa Zai: wala ngang may gusto sa akin, anak pa kaya.
Maynard: paano kasi nakipag hiwalay ka kay prinsipe gabriel
Prinsesa Zai: haynaku kung yun lang ang lalaki sa mundo hindi na bali...napaka yabang akala mo kung sinong perpekto at akala mo kung sinong guapo....napaka sama naman ng ugali....bastos at walang modo hambog at pangit....at....
Napansin nya bigla na ang lahat ay nakatingin sa likuran nya....at pag lingon nya ay bigla syang namutla...dahil nakatayo pala sa may likuran nya si prinsipe gabriel.
Prinsipe Gabriel: ugali mo na ba talagang mag sabi ng masasama laban sa akin lalo na kapag ako ay wala?
Prinsesa Zai: may tao ba? May naririnig akong nag sasalita...
Prinsipe Gabriel: may naaamoy akong parang amoy masangsang masakit sa ilong.... bulaklak ng patay....ang baho....bandang dito yun eh.
Umakto ito na inaamoy ang hindi kunwaring nakikitang si prinsesa zai.
Prinsesa Zai: kabibili ko lamang ng pabangong ito mabaho ba?
Lumapit sya at pinaamoy kay prinsesa heart.
Prinsesa Heart: medyo matapang ang amoy at para ngang amoy ng bulaklak ng patay.
Natawa si maynard at prinsioe gabriel. Na kinainis ng prinsesa zai.
Reyna Anne: bakit ba hindi nyo subukan muli na ayusin ang relasyon nyong nasira?
Prinsipe Gabriel: wala akong plano mahal na reyna
Biglang sumeryoso ang mukha ng prinsipe gabriel....napansin ng reyna na nalungkot bigla si prinsesa zai.
Haring Jin: kapag kayo ay nag katuluyan ako ang mag kakasal sa inyo.
Prinsipe Gabriel: hahaha mas nanaisin ko pang tumandang prinsipe kesa makasal sa isang brat.
Prinsesa Zai: mas gusto ko pang mag pakasal kay kapitan dustin kesa sayo.
Natawa si prinsioe gabriel at napansin ng reyna na umiinit na ang away ng dalawa kaya binago na nya ang usapan.
Reyna Anne: halika rito munting Prinsipe at may surpresa ako sayo.
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AvventuraHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
