Mabilis ang takbo ng mga kabayo ng dalawang prinsesa at reyna habang kasunod nito si nash na tuwang tuwa sa pag papatakbo ng kabayo.
Nash: yeeeheeeeyyy yahh yaaaahhh
Kung pwede lang na kasama dito ang prinsipe isanama ko na yeeepeeee
Prinsesa Heart: saan ba ang pupuntahan natin?
Reyna Anne: ewan ko ba rito kay prinsesa zai, kanina pa tayo takbo ng takbo
Prinsesa Zai: basta may alam akong lugar kung saan pwede nating pag usapan ang pakikipag digma ng di alam ng hari.
Nash: sana malayo pa ang sarap kasi yeeepeeeee
Walang nagawa din ang kanilang kawal sa pag sunod sa mga ito lalo na si kapitan dustin.
Dustin: (saan ba pupunta ang mga ito....teka mukhang alam ko ang lugar na ito ahh)
Huminto na ang mga kabayo at nag sipag babaan na sila pati ang mga kawal ay nag hintuan na kasama ang kapitan ng reyna na si dustin.
Prinsesa Zai: welcum sa bahay ko....
Itinaas pa nito ang kanyang mga kamay....dali dali naman habang tuwang tuwa na bumaba ang reyna at si prinsesa heart at nash.
Reyna Anne: ang ganda naman ng lugar na ito ang daming ibat ibang hayop.
Prinsesa Heart: at may napakalaking bahay...
Nash: at maraming puno na madaming ibat ibang bunga...mamaya mamimitas ako, dadalhin ko si prinsioe rain ko. Paborito nya ang mangga...ang daming bunga....mga hinog na mangga oh wow....yeeeheeyyy
Prinsesa Zai: welcum sa bahay ko halika pasok na kayo.
Tinutulak nito ang pintuan ngunit nakasara.
Reyna Anne: kanino tong bahay na to?
Prinsesa Heart: hindi ka lang mag nanakaw ng kabayo...mag nanakaw ka na din ng bahay?
Prinsesa Zai: nasaan ba ang susi nito.
Kapitan dustin nasaan ang susi nito?
Lumapit ang kapitan at nangangamot ng ulo.
Kapitan Dustin: prinsesa zai hindi mo ito bahay... bahay ko ito.
Nash: hahaha talaga? Naku ang ganda ng lugar na ito. Simula ngayon matalik na kitang kaibigan kapitan.
Dinagukan ng reyna si nash.
Reyna Anne: ayan ka na naman eh sumisipsip ka masyado kasi may gusto ka naman. Hahaha
Binuksan ni dustin ang pinto sa pamamagitan ng susi nya.
Kapitan Dustin: tuloy kayong lahat. Maaari nyong gamitin ang bahay ko upang pag usapan kung ano man ang mga plano ninyo. Mag hahanda lamang ako ng gatas ng kalabaw.
Nash: wowwww sarap nun penge din ako para kay prinsipe rain
Dustin: oo nash pag dadalhan natin sya.
Reyna Anne: maraming salamat sayo kapitan...hindi ko akalain na dito ang punta namin. Pasensya ka na.
Binatukan nito si prinsesa zai.
Prinsesa Zai: pasensya na ito lang ang lugar na alam kong walang makakaalam.
Reyna Anne: kapitan maaasahan ba kita na mananatiling lihim ang lahat ng ito?
Kapitan Dustin: opo mahal na reyna. Ikaw ang aking reyna sayo lamang ako susunod.
Nash: naku pwede ba bago tayo mag plano...lumabas muna tayo at manguha ng mga bunga?
BINABASA MO ANG
PrinceSesa Returns (Completed)
AdventureHindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit...
