Chapter11 Kairhara Pov.

1K 28 4
                                    

Nandito ako ngayon sa isang resto kakain, dahil gutom na ako. Habang kumakain ako nararamdaman kong may nagmamasid sa 'kin at may nararamdaman akong kakaiba rito. Hindi ko pinahalatang nararamdaman ko ang presensiya niya. Tch. Mas'yado siyang halata, ka'pag nahuli kita patay ka.

"Kyahhhhh!" isang malakas na sigaw at kalabog ang narinig ko.

May isang babae akong nakitang tumumba at may tama ng pana sa puso. Nag-panic ang mga tao sa resto. Sumisigaw na lumabas ang mga tao sa resto, tch storbo sila kumakain ako eh. Tumayo na ako at lumapit sa babae na naliligo na sa kaniyang sariling dugo. Tinignan ko ang pana na naka-tarak sa puso ng babae. Nagtaka ako kung bakit may papel na nakasabit r'on, agad ko itong kinuha at binuksan.

"Welcome back, Devil Princess! Magustuhan mo sana ang regalo ko." Nakasulat ito gamit ang dugo. Natulala ako saglit pero nang makabawi ako agad kong binulsa ang papel at dali dali ng umalis dahil baka maabutan pa ako ng mga pulis. Tch. Alam na pala nilang nandito na ako sa pilipinas. N---ah, wala talaga silang kuwenta sunod sila nang sunod kahit nasaan ako. Akala ko pa naman makakapahinga ako nang maayos sa pilipinas.

Umuwe ako sa bahay na iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Hindi sa natatakot ako, sad'yang gusto ko mo nang maging normal ang buhay ko. Kahit saglit lang, maranasan ko manlang maging isang normal na tao.  Gusto ko mo nang makalimutan ang amoy ng dugo, nakakasawa na kaseng mabuhay sa dilim. Buong buhay ko, hindi ko pa nararanasan ang mamuhay nang normal.

3 days had passed.

Naglalakad ako papuntang room, nang may isang Mondragon ang bumangga sa akin. Tch, wala na siyang ibang ginawa kun 'di pansinin ako. I don't know, kung ano bang kinakainggit niya say akin.

"Bitch!" galit na sigaw nito at sinabunutan ako. What the? Anong problema nito? Imbis na magtanong pinabayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Napadaing ako nang mas higpitan nito ang hawak sa buhok ko. Ma-suwerte ang babaeng ito, pero kapag ako napuno sa kaniya makakatikim siya nang bagay na hindi niya makakalimutan.

"Malandi ka! Sinabi ko na 'di ba? Layuan mo si Shadow!"

"Huh?" palagi na lang niya sinasabi sa akin na, lumayo ako. Ano siya boss?

"Malandi ka! Lahat na lang nilalandi mo! Ano sino naman ang susunod?" nangagalaiting sigaw nito. My gosh, malandi? Wala akong maalalang may nilandi ako? Ano'ng problema niya? Hindi na ako umimik. Nakakaboring ang ginagawa niya, wala ba siyang ibang kayang gawin? "Huwag na huwag ka nang lalapit kay Shadow, dahil sinasabi ko sa'yo? Hindi mo gugustuhin na banggain ako!" sigaw nito at mas lalo akong sinabunutan.

"Oh really? Matatakot na ba ako?" tanong rito.

"Hayup ka talaga, malandi ka!"

"Wala ka na bang ibang sasabihin? Kun 'di malandi?" tanong ko rito. Mas nangalaiti naman ito sa galit at sinabunutan na ako ng marahas hanggang sa malaglag na ako sa sahig at hindi pa ito nakuntento at dinaganan ako at pinagsasampal. Nakikita ko na rin ang mga ilang student na pinagtatawanan pa ang ginagawa sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanila, ang sabi nga ni tanda. Walang ibang tutulong sa'yo, kun 'di ang sarili mo lamang.

"Huwag na 'wag ka nang lalapit kay Shadow,  dahil 'di lang 'yan ang aabutin mo sa 'kin! Itatak mo sa makitid mong utak ang mga sinabi ko!" sigaw nito at isang malakas na sampal ang pinataw nito sa mukha ko. Sino bang makitid ang utak sa amin dalawa?

"What the? Bitawan mo nga siya, Mondragon!" ani Mr. Winstone. Napabitaw naman sa akin si Mondragon. Tumayo na lang rin ako at pinagpag ang sarili at aalis na sana nang magtanong si Shadow.

"Ano ginagawa niyo? Wala na ba kayong kahihiyan?" tanong nito. Ang babae lang naman 'yan ang walang kahihiyan sa katawan eh.

"Tanungin mo sa despiradang babaeng 'yan, para malaman mo."  Sabi ko at umalis na, nakakaboring ang araw na ito. Hintayin mo ang araw mo Mondragon.

Dahil badtrip na ako nag cutting class na lang ako. Tumalon ako ng bakod, hindi naman kase puwedeng palabasin sa main gate. Pagkababa ko, naglakad ako sa kalsada at habang naglalakad ako may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Mukhang inaantay talaga nila akong lumabas tch. At mukhang marami sila, mapapalaban na naman ako. Wala na talagang katahimikan ang buhay ko.

Nang makarating ako sa kalayuan, wala na ring tao rito. Perfect ito para sa pakikipaglaban, may nararamdaman akong bagay na papalapit sa akin. Agad ko itong sinalo at binalik sa taong bumato nito. Maya maya lamang lumabas sila sa pinagtataguan nila at pinalibutan ako.

Lumabas sila sa pinag tataguan nila at pinalibutan ako

"Ang ganda mo pala Miss,  pero sayang pero mamatay ka na!" sabi ng isang manyak na lalaki. Tch, ano bang paki ko sa mga sinasabi nila?

"Hindi bale , pre puwede naman na'tin tikman pagpatay na siya!" napakunot noo, na lang ako. Mas'yado silang kampante sa mga sinasabi nila. Nagtawanan pa ito na parang mga demonyo.

Nag-umpisa silang sumugod sa akin, pero hindi ko hinayaang magasgasan nila ako. Lahat ng sumusugod sa akin, pinapatay ko agad. Napapangisi na lang ako dahil ang saya talagang pumatay. Ito na naman ako, hindi ko talaga ma-kontrol ang sarili ko.

Habang nakikipaglaban pa rin ako, tumatawa ako ng malakas. Halata namang natakot na sila, ang iba tumatakas na. Ang iba naman matigas pa rin dahil kahit delikado na buhay nila sumusugod pa rin sa akin. Pero wala na akong paki r'on, ang gusto ko na lang patayin silang lahat.

"Demonyo ka!" sigaw ng isang lalaki at tatakas na sana ito ng harangin ko ito.

"Bakit ka tumatakas? Ayaw mo na bang makipaglaro sa akin?" mala-demonyong tanong ko. Mas'yado silang mahihina para sa akin, kung sino man ang nag-utos sa kanila. Sana naman kuhanin niya ang mga malalakas. Ganito ba ako kahina, para itapat sa mga katulad nila?

"Demonyo ka! Layuan mo ako!" sigaw nito sa akin at nagpumilit tumakas. Layuan? Sila ang lumapit sa akin? Sila ang pilit na lumalapit sa akin, tumatago na ako para manahimik ang mundo ko sila ang palit nangugulo sa buhay ko.

"Yes I am!" sagot ko rito na may mala-demonyong ngisi. Wala akong balak pumatay, pero kung hindi ako papatay, ako ang mamaatay.

Pinakawalan ko na lang ang lalaki at nagpadala ng mensahe sa taong may gawa nito. Tignan na'tin kung ano gagawin niya.

Umuwe ako na puro dugo ang katawan, nagulat pa nga sa akin si butler. But I don't care.

"Young lady? What happened? Bakit hindi ka tumawag sa akin?" nag aalalang tanong nito. So Butler lang ang isang taong hindi ako iniiwan, mula pagkabata ko siya na ang kasama ko.
Young lady what happened to you.. tanong ni butler kin Kay kirhara

"Nakipaglaro sa mga mahihina," sabi ko at tumaas na. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito. Pumunta ako ng Computer room ko at may kinalkal na kung ano sa computer. Kung sino man ang taong may gawa nito, sisiguraduhin kong hindi na tatagal ang buhay niya.

The Devil princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon