Nang makalayo na ito, naisipan ko na lang na hindi na siya sundan. Baka galit ito sa akin, tumalikod na ako at hahakbang pa lang ako pabalik sa school nang may dalawang putok ng baril akong narinig. Agad akong napalingon sa kinaroroonan ni Konaide, napatakbo ako nang makita kong bumagsak ito sa lupa.
"Shit! Konaide gumising ka!" ani ko rito at binuhat siya. May tama ito ng bala sa tagiliran at braso. Med'yo malayo na kami sa school kaya, wala na akong nagawa kun 'di itakbo na siya papunta sa hospital. Baka kapag 'di ako magmadali mamatay siya.
"Konaide, naririnig mo ba ako?" tawag ko rito. Maya maya lang may dumaang taxi agad ko itong hinarang, mabuti at pinasakay kami.
"Bilisan mo mag-drive!" sigaw ko, pakiramdam ko kase ang bagal ng oras dahil sa nangyari. Bakit siya binaril? Sino may gawa nito sa kaniya? Hindi kaya ang mga kaaway ko, baka akala nila may connection ako sa babaeng ito? Putang*na huwag nilang idamay ang inosenteng tao. Kapag nalaman ko lang talaga, kung sino may gawa nito mapapatay ko talaga.
"Pinakang mabilis na ho ito, Sir!" sagot nito, habang na sa byahe. Parang gusto ko nang lumipad ang sasakyan para mabilis kaming makarating sa hospital.
Nang makarating kami ng hospital, binuhat ko agad ito palabas ng taxi. May sumalubong namang mga nurse na may dala ng stretcher. Sinakay ko na si konaide sa stretcher at tumulong sa pagtulak ng higaan niya papuntang or. Pagkarating sa operating room naiwan na ako sa labas, bawal na raw ako sa loob. Umupo na lang ako at naghintay. Maya maya lang biglang tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Clarnce.
"Bro, nasaan ka ba ha? 'Di ka namin makita, kanina pa! Alam mo ba ang nangyayari dito sa School?" nagtaka naman ako sa sinabi nito.
"What happened?" tanong ko, ano naman kaya ang nangyari?
"Maya ko na ipapaliwanag, bro. Pumunta ka na lang rito sa Headquarters!"
"Sige mamaya, nasa hospital ako ngayon!"
"What? Anong ginagawa mo diyan? Bakit nand'yan ka? Anong nangyari?" sunod sunod na tanong ni Clarnce, halata mong nag-aalala ito.
"Tch. Nandito ako kase, sinugod ko si Konaide sa hospital!"
"Ano'ng nangyari? Bakit buntis na ba si Konaide?" tanong ni Lay, napabuntong hininga na lang ako. Seriously? Iyon talaga ang iniisip niya? F*ck.
"Tarant*do-- nabaril siya kanina kaya sinugod ko sa hospital!"
"Ay sayang naman akala ko pa nam--- wait? What? Nabaril siya?" tanong ni Lay.
"Yeah," matipid na sagot ko.
"Okay, bro. Pupuntahan ka namin d'yan, ibigay mo ang address ng hospital!" ani Clarnce.
"Sige, I'll text the address..." ani ko at pinatay na ang tawag at tinext ang address.
Mga ilang minuto lang dumating na ang mga kaibigan ko. Ang dami naman nilang tanong na binato sa akin, kaya ikinuwento ko na lang ang nangyari.
"What? Nag-cutting class kayo?" tanong ni Lay. "Bakit ngayon ko lang nalaman 'yan, ano bang meron sa inyo? Kayo na?" binatukan ko naman ito sa mga kalokohan niya.
"Stop your nonsense questions, Montiverde..." ani ko at sinamaan ito ng tingin, tumawa lang ito at umayos na rin.
"Alam na ba ng pamilya ni Konaide ang nangyari?" tanong ni Clarnce. Paano ko ipapaalam, hindi ko naman kilala ang pamilya nito.
"No,"
"Kailangan nilang malaman ito, wait---kaninong bag ang hawak mo?" tanong nito, napatingin naman ako. Dala dala ko pala ang bag ni Konaide.
"Kay Konaide, "
"Ayos, tignan mo kung may cellphone d'yan." Ani Lay, ngayon ko lang naisip na may butler nga pala siya.
Hinalungkat ko ang bag niyo 'di naman ako nabigo, nakita ko naman ang cp nito. Binuksan ko na, mabuti at walang lock ang cellphone. Naghanap ako nang puwedeng matawagan, ang nakita ko lang ang nag-iisang pangalan ni butter Kin. Agad ko itong tinawagan at sumagot naman ito kaagad.
"Young lady, where are you? Nag-aalala na ako sa'yo?" sagot sa kabilang linya, hindi agad ako nakasagot sa tanong nito.
"Young lady, please answer me? Where are you? Susunduin na kita," ani pa nito, halata mong sobra itong nag-aalala.
"I'm sorry, but--hindi ako ang Young lady mo---
"What? Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan ang Young Lady? Ano'ng ginawa mo sa kaniya? Huwag na 'wag mong sasaktan ang young lady, humanda ka sa akin!" sunod sunod na tanong nito. Ang sakit niya sa tenga.
"Hey, stop! Wala akong ginawang masama sa Young lady mo, narito siya sa hospital. Binaril siya ng kung sino!"
"Sabihin mo kung nasaan kayo? Pupuntahan ko ang Young lady!"
"Patayin ko na ito, i-text ko na lang sa'yo ang address?" ani ko.
"Sige," pinatay ko na ang tawag at agad ng ti-next ang address ng hospital. Maya maya pa lumabas na ang doctor sa operation room. Agad kaming tumayo at tinanong ang doctor.
"Doc, kamusta?"
"Who's family members of the patient?" tanong ng doctor.
"Kaibigan po namin siya," sagot ni Clarnce "kamusta po ang lagay niya?" tanong ni Clarnce.
"Maayos na ang lagay niya, nasalinan na rin siya ng dugo. Kailangan lang niya nang matagal na pahinga, para makabawi siya ng lakas at humilom ang sugat niya." Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ng doctor.
"Mabuti naman po, maraming salamat doc!" ani Lay.
"Walang anuman inilipat na rin siya sa private room, Excuse me us!" paalam ni doc.
"Mabuti maayos na siya," ani Clarnce. Nawala ang pag-aalala ko ng marinig ang sinabi ng doctor, mabuti at ligtas siya.
"Sa palagay n'yo? Sino ang may gawa nito sa kaniya?" tanong ni Lay.
"Sa palagay ko, isa 'yan sa kaaway na'tin. Siguro inakala nilang may connection ka kay Konaide, kaya imbis na ikaw ang puntiryahin si. Konaide ang binaril para mag-alala ka."
"Alamin niyo ang tungkol d'yan, gusto kong malaman agad kung sino may gawa nito." Ani ko.
"Ako na bahala," sagot ni Ice, nandito talaga 'yan natutulog lang sa upuan.
"Good, "
Pinuntahan ko na si Konaide, sinilip ko lang ito at umalis na. May mga dapat pa akong asikasuhin. Kinuwento naman nila sa akin ang nangyari sa school, wala talagang matinong magawa ang mga katulad nila. Tch. Kapag nalaman ko kung sino sila, pagbabayarin ko sila sa mga ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
ActionIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan