Nandito ako sa room nakatungo lang, wala pa naman ang Prof. Pero kahit dumating siya wala akong paki, tch. Ang boring kaya nila magkaklase tch. Naiinis naman ako dahil kinukulit pa rin ako ng babaeng madaldal na ito. Wala nang ginawang maganda eh, kun 'di mang buwisit. Konti na lang, babasagin ko na ang bunganga nito. 'Yung tipong 'di na siya makakasalita tch.
"Besty--- sabay na tayo magparegister please..." pangugulit nito, kanina pa niya ako pinipilit na sumali sa School festival na 'yan. Aksaya lang 'yan sa oras eh, dinedma ko na lang ito. Kahit rinding rindi na ako sa bosea niya. "Ahmm... Ano bang sasalihan ko? Ayon alam ko na, volleyball!" ani pa nito.
"Ikaw besty? Ano 'ng sasalihan mo? Sabihin mo na, gusto kong malaman?" aniya. Ang daldal talaga.
"Shut up," matipid na ani ko.
"Nagtatanong lang naman ako eh,"
"Para malaman mo? Hindi ako natutuwa sa kakulitan mo? Nabubuwisit lang ako, nakakaimbyerna ka na. Hindi mo alam? Now you know." Ani ko pa, gusto ko sana matulog eh. Nangungulit lang siya. Akala ko titigil na ito kapag pinagsasabihan ko, mukhang nag-aksaya lang ako ng laway tch.
Hanggang sa dumating ang prof namin , dumadaldal sya. Hindi pa kaya namamaos ang lalamunan nito? Tumigil lang ito nanv mag-umpisang magturo si prof. Ako naman nakatungo lang, nakakatamad makinig eh.
Nang tumunog ang bell, lumabas na ako ng room. Pero itong madaldal na babaeng 'to, sunod nang sunod pa rin sa akin. Kaylan ba siya titigil? Nang na sa cafeteria na ako bumili lang ako ng isang order nang special palabok. Ginaya rin nito ang order ko, tch.
Umupo na 'ko at nagsimulang kumain, habang kumakain ako biglang umingay sa cafeteria kaya napalingon ako sa mga pumasok. Ang grupo lang pala nila Aron tch.
"Hi miss?" bati sa 'kin ni Valser, 'di ko na lang sila pinansin.
"Hi, kaibigan mo ba siya? Puwede ba kaming maki-join sa inyo?" tanong ni Aron sa babaeng katabi ko, dinaig ko pa ang may buntot eh. Kung nasaan ako naro'on rin siya tch.
"Hello, Sure. Puwede kayong maki-join sa amin!" ani nang katabi ko. Tch, akalain mong ang bilis niyang pumayag tch. Umupo naman sila sa harap namin, hindi na lang ako umimik. Gusto ko na lang maubos ang pagkain ko, para makaalis na ako rito.
"Ahmm... Ms? Boyfriend mo ba si Shadow? Lagi ko kase kayong, nakikitang magkasama eh?" tanong bigla sa 'kin ni Aron. Kunot noo ko itong tinignan, seryoso siya sa tanong niya? Boyfriend? Wala sa isip ko ang mga ganiyang bagay, may mga dapat akong gawin na mas mahalaga.
"It's none of your business, tch..." walang gana kong sagot. Tumayo na ako at umalis na, nasasayang oras ko sa mga walang kwentang tao na katulad nila.
Pumunta ako sa garden at tumaas sa sanga, humiga naman ako sa malaking sanga. Matutulog mo na ako, nawalan na kase ako nang gana pumasok sa sunod na subject.
___
Nagising ako na nagkakaggulo ang mga student, nakakainis ang ingay nila? Bumaba ako ng puno
tinignan ko ang mga student na tumatakbo. Ang iba nakahawak sa kanilang braso, na may dugo. Sa tingin ko ay tama iyon ng bala ng baril. Ano naman kaya ang nangyayari? Lumakad na ako at nag-obserba sa paligid. Maya maya lang nakasalubong ko si Clarnce na parang nag-aalala."Konaide? Ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sa 'yong masama? Wala ka bang tama ng bala?"
"Did you see, I'm okey? What happening?" tanong ko rito.
"Ganito kase eh, bigla na lang may mga student na nagsisigawan at biglang nahihimatay. Tapos ang iba naman may tama pa ng bala sa balikat, pero mabuti na lang at wala pang namamatay. Pinaalis na rin namin ang mga student at ginamot na ang ibang sugatan." Mahabang paliwanag nito, naging palaisipan naman sa akin ang mga nangyayari.
"Okey,"
"Umuwe ka na rin, Konaide baka mapahamak ka pa."
"Ayos lang ako, kaya ko sarili ko. Aalis na ako," ani ko at iniwan na siya.
Aalamin ko ang nangyari, ilang beses na ang nangyaring crime sa school na ito. Malala pa kahit ako walang ideya kung sino gumagawa nito? Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang utak sa likod nito.
Humanda kayo sa akin oras na makilala ko kung sino kayo...
Tumangin ako sa paligid, baka may mahanap akong mga kahina hinalang tao. Hindi ako mananahimik hangga't hindi ko napapagbayad ang gumawa nito sa school na matagal ring iningatan ng mga magulang ko.
"Hey, Konaide?"
"What?" gulat na tanong ko, bigla kaseng sumusulpot si Shadow.
"Bakit hindi ka pa umuwe?" nakita ko naman na maayos na ang kalagayan nila, mabuti naman kun 'di ako ang mapapahamak sa kanila eh.
"Wala kang paki," mataray na sagot ko.
"Paano kung mapahamak ka habang naglalakad ka rito?"
"Hindi ako mapapahamak, kaya ko ang sarili ko..." malamig na ani ko. Bumuntong hininga na lang ito.
"Saan ka ba pupunta, sasamahan na kita?"
"Wala ka d'on, hindi mo kailangan samahan ako."
"Tch, ang sungit mo no? Ikaw na nga tinutulungan eh?"
"I don't need you're help, mga sarili niyo ang tulungan niyo." Ani ko at lumakad na paalis.
Pumunta ako ng cafeteria at, bumili ng maiinom. Umupo ako at pilit na inaalam kung sino ang possibleng may gawa nito. Tinawagan ko na rin si butler para ipaalam rito ang nangyari, baka may mahanap agad siyang information at saka nagkasundo na rin ako. Wala na rin tao sa school, natakot na silang lahat. Bago ako pumunta sa parking lot, kinamusta ko mo na sa principal ang lahat nang napahamak. Bilang owner ng school na ito, alam kong responsibilidad ko silang lahat.
"Young Lady, ayos ka lang ba?"
"Yeah,"
"Magpahinga ka mo na sa bahay, ako na ang bahala um-alam sa lahat."
"Wala akong panahon para magpahinga, kailangan kong alamin agad ang may pakana nito. Bala sa susunod, pumatay na siya ng mga student." Ani ko. Napabuntong hininga na lang ito at hindi na umimik.
Hindi na ako puwede mag-relax dahil baka mas maraming mapahamak. Kapag hindi pa ako kumilos, malaman ko lang sino may gawa nito. Ibabalik ko ng triple ang ginawa nila, sinisira nila ang reputation ng school na ito. Papatayin ko silang lahat.
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
ActionIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan