chapter14

959 30 0
                                    

Nagalakad ako nang nakasalubong ko ang grupo ni Mr. Montimayor at ang apat pa nitong kasama. Lalagpasan ko na sana ito, nang higitin nito ang braso ko.

"What?" tanong ko sa malamig na boses.

"Akala mo nakakalimutan ko ang kasalanan mo sa 'kin,"

"So what? I don't care,  let me go!" malamig ko pa ring sabi.

"Don't mess with me, Ms." Napakunot noo na lang ako.

"Oh, I'm scared! Bibitawan mo ba ako oh puputulin ko kamay mo?"malamig na sabi ko nakita ko itong napalunok ng laway nang mga ilan beses. Halata ring kinabahan sya sa itsura n'ya pa lang nito.

"K-Kung kaya mo..." kinakabahan na sabi n'ya.

"Don't try me, Mr. Montimayor."  Sabi ko at ngumisi ako rito at  hinablot ko na ang braso kong hawak nito, at agad ko itong sinuntok. Kinuha ko ang dalawang kamay nito at pinilit sa likod.

"Ouch! Tama na! Nasasaktan ako!" sigaw nito. Tutulong na sana ang mga kasama nito, nang panlisikan ko sila ng mga mata halatang kinabahan sila sa titig ko. Kaya imbis na tulungan ang leader nila, pinapanood lang nila habang nakatulala siniko ko ang likod nang leader nila.

"A----ray!"

"Tch. Weak..." sabi ko at iniwan na sila.  Dumeretsyo ako sa room dahil second subject na, tch. Cutting na ako sa first subject. Nang na sa room na ako, pummasok ako sa room na lang ako nang hindi kumakatok.

"Ms. Konaide! Why are you late? Ang aga mo para sa third subject?"

"So what?" Ano ba namang mga teacher meron dito, Common sense na lang eh tch. Late ede late 'di ba?

"Ms. Konaide late ka na nga gan'yan ka pa? Matuto ka naman magpakumbaba! Gan'yan ka ba pinalaki ng magulang mo?" tanong nito, na med'yo kinainis ko. Hindi ko na lang pinansin ang teacher ko at umalis na lang. Wala na akong ganang pumasok sa klase. Dahil sa sinabi ng pangahas kong teacher, may mga masakit na alaala na namang nanumbalik sa isipan ko.

*Flashback*

Ilang taon ako n'on, nang sabihin ni Mommy na pupunta kaming mall. I'm super excited that time, dahil wala naman akong ibang kasiyahan n'on. Kun 'di ang mamasiyal.

"Mama excited na 'ko pumuntang mall!" masayang ani ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbihis nagpakarga ako kay Daddy.

"Ang ganda talaga ng anak ko, Ano bang gusto ng baby ko?" masayang tanong ni Daddy.

"I want Teddy Bear!" masayang sagot ko.

"Tch. Ang pa-baby mo, Lil Sis!" saba't naman ni Kuya, palibhasa kase wala siyang lamabing sa katawan eh.

"Spoiled brats..." sabi naman nang isa ko pang Kuya.

"Hey, relax! Hayaan niyo na ang kapatid niyo! Let's go!" aya ni Mommy. Pero Palabas pa lang kami ng bahay nang biglang may dumating na mga kalalakihan, nakaitim lahat sila. Tanda ko pa na may isang matandang lalaki na may tattoo sa leeg na isang hayup.

"San kayo pupunta?" tanong ng matanda "Baka puwede niyo kaming isama?" ani pa nito at natakot ako nang tutukan nila kami ng mga baril.

"Please, 'wag mo idamay ang pamilya ko! Wala silang kinalaman dito, puwede na'tin pag-usapan ang lahat nang wala ang mga anak ko!" pagmamakaawa ni daddy dahil 5 year old pa lang ako nang mga panahon na 'yon at hindi ko pa naiintindihan ang lahat.

"Wala na tayong dapat pag-usapan!" sabi nito at tumawa pa at bigla na lang may umalingaw-ngaw na putok ng baril. Natumba bigla si Daddy, at umiyak na nang sobra ang Mommy ko. Wala akong ideya sa mga nangyayari.

"Daddy!!!" sigaw ng mga Kuya ko at niyakap ang daddy. Samantalang ako nakatayo lang habang umiiyak. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit kami umiiyak?

"Please, huwag ninyo idamay ang mga anak ko! Ako na lang huwag na sila!" umiiyak na pagmamakaawa ni Mommy.

"Hindi sana ito mangyayari kung sinunod ng asawa mo, ang sinasabi ko!" sabi ng matanda.

"Ako na lang, huwag lang ang mga anak ko please! Mga anak tumakbo na kayo!" sigaw ni Mommy, hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Hindi ka namin, iiwan Mommy..."

"Mommy? Bakit nila pinatay si Daddy?" wala sa sariling tanong ko.

"Kairhara, hindi mo pa maintindihan ngayon. Pero kapag malaki ka na saka mo maiintindihan ang lahat sa. Ngayon tumakbo na kayo, iwanan niyo na ako! Huwag na kayong makulit! Tandaan n'yo kahit anong mangyari,  mahal na mahal kayo ni Mommy..." ani Mom at niyakap kaming lahat.

"No Mom! I will never leave you!"

"Parang awa niyo na! Huwag n'yo patayin ang mommy namin!" sigaw ni Kuya.

"Tapos na ba kayo?" tanong ng matanda at muli na namang may umalingaw-ngaw na putok ng baril. Tumulo ang luha ko nang unti unting bumitaw si Mommy sa amin. Hindi ko man, naiintindihan ang lahat. Pero alam kong wala na rin si Mommy, gusto kong lumaban. Pero paano? Paano? Ano'ng magagawa nang isang batang katulad ko? Umiyak lang ako nang umiyak.

"Wala kayong awa! Bakit niyo pinatay ang mga magulang namin!" sigaw ni Kuya Damen, at sumugod sa matanda. Pero nakita kong ngumisi lang ito at walang awang kinalabit ang gatilyo ng baril. Mas lalo akong umiyak nang makita kong lumaglag na si Kuya Damen. Wala akong magawa.

"Kairhara, tumakbo ka na! Bilisan mo!"

"Paano ka Kuya?" umiiyak na tanong ko. Gusto ko nang tumakbo, pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Sundin mo na lang ang Kuya please, umalis ka na! Mahal na mahal kita..." sabi pa nito, pinilit kong tumakbo habang papalayo ako. Mabuti na lang walang gustong sumunod sa akin, habang tumatakas. May narinig akong putok ng baril, mas lalo akong natakot sa mga nangyayari.

Takbo? 'Yan lang ang nagawa ko noong mga panahon na 'yon, wala akong nagawa para iligtas ang pamilya ko. Umiiyak ako habang tumatakbo, gusto ko na rin sumuko sa pagtakbo nang mga panahong 'yon. Pero pinilit ko pa rin ang katawan kong tumakbo palayo, kahit wala akong kasiguraduhan kung makakatakas nga ba ako? Maya maya lang nakaramdam ako nang sobrang takot nang may isang Kotse ang huminto sa harapan ko. Natulala na lang ako at unti unting nandilim ang paningin sa sobrang pagod ko sa pagtakbo.

The Devil princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon