Nandito kami ngayon sa headquarters, nakaupo lang ako habang kumakain ng chocolate. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang nangyari noong nakaraang araw. Ang astig talaga niya, pero ang brutal niya. Napatingala naman ako nang puwesto sa tapat ko si Lay.
"What?" takang tanong ko.
"Kunin mo kaya ang laptop mo, at i-hack mo ang system niya."
"Paano ko naman gagawin 'yon?" bahala siya, gusto ko mag-relax ngayon.
"G*go ka ba? Ikaw kaya ang magaling d'yan! Bilis na, ililibre kita nang maraming Chocolate. Promise!" aniya at nagtaas pa ng kamay. Pumintig naman ang tenga ko sa sinabi nito.
"Sabi mo 'yan ha!" ani ko at kinuha ang laptop, my gosh. Chocolate talaga ang kahinaan ko, mabuti at hindi nalalaman nang mga kaaway namin ang kahinaan ko eh. Nag-umpisa na akong magtipa sa aking laptop. Ito talaga ang trabaho ko, syempre minsan binebenta ko rin ang information na nakukuha ko.
Nagtitipa lang ako hanggang sa may isa akong system na nakita, binalak ko itong buksan pero napamura na lang ako nang biglang namatay ang laptop.
"F*ck!" malapit na sana eh, bigla pang nagkaroon ng virus sa system. Buwisit na 'yan, mukhang ayaw talaga n'yang ipaalam ang pagkatao niya. Pero susubukan ko ulit sa susunod, at sisiguraduhin kong makukuha ko ang lahat.
"Ano'ng nangyari?" napabuntong hininga na lang ako at kumain na lang ng chocolate.
"Nasira na ang laptop ko, pinasok ng virus." Inis na ani ko. Naiinis ako dahil ang laptop na 'to, ay sobrang tagal na sa akin. Ang laptop lang na ito ang iniingatan ko nang sobra.
"Ka-badtip naman," inis na ani Lay.
"Something bad happen?" tanong ni Ice na galing sa kuwarto.
"Tch. Ito kasing si Lay, sinabi niyang i-hack ko raw ang system ni Black Dragon. Tapos may virus pala, ayon namatay ang laptop ko dahil sa virus." Ani ko. Nakakainis talaga.
"Ok." Napailing na lang ako, ano pa nga bang aasahan ko diyan kay Ice. Umupo na ito at muling nagbasa ng libro, wala talaga siyang ibang buhay eh. Basa ng libro, manood ng anime, makinig ng music. Iyan lang gawain niyan sa maghapon eh. "May information na akong nakuha, but I'm not sure pa..." ani nito habang nakatutok ang Mata sa libro.
"Really? Nalaman mo ba kung Sino siya?"
"Not sure pa..."
"Kainis naman, sabihin mo na kase!"
"Bilhin mo, 100k..."
"Hoy, grabe ka! Parang hindi mo kami kaibigan!" inis na sabi ni Lay.
"I don't care..."
"Geeezzz... Nakakainis ka!" natawa na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Ang kulit talaga ni Lay eh, sasabihin rin naman ni Ice ang katotohan kapag sigurado na siya. Kaya maghihintay na lang ako.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano at anong gagawin ko? Para makakuha ng information. Mas'yadong tago ang information niya sinubukan ko ulit kanina pero nasira muli ang laptop ko. Mabuti na lang at wala r'on ang mga important information ko. Habang naglalakad ako papuntang head quarter kasama si Shadow, bumili kase ako nang stock sa tambayan. Nakasalubong namin ang The Bloody Gang ang mortal din naming kaaway himala at pumasok sila.
"Long time no see, Shadow!" pagbati ng leader nilang si Devin. Sila ang pangatlo sa ranking, binubuo nang apat na myembro ang grupo nila. Dalawang lalaki, dalawang babae.
"Psh..." ani lang ni Shadow. Napailing na lang ako dahil bakit naman sila papansinin may mapapala ba kami?
"Hindi ka pa rin talaga nagbaago?"
"So? Ano'ng paki ko? Tch. Let's go, Clarnce. I don't want to waste my time," ani nito at inaya na ako. Paalis na kami nang muling magsalita ang leader nila.
"Gan'yan ka ba talaga sa mga taong bumabati sa'yo? Ganiyan ka ba ka-walang respeto?"
"So what? Ka-respeto respeto ka ba?" balik na tanong ni Shadow sa leader nito na kinainit ng ulo nito nagtitigan lang sila na animo'y may kunyente sa mga mata. Kung nakakamatay lang tingin nilang dalawa baka patay na ang isa sa kanila. Kinakabahan na ako sa dalawang ito, t'yak ipit ako rito pag-umawat ako. Natatakot na ako, sana dumating si Ice rito. Siya lang kase nakakagigil kay Shadow. Na-alerto ako nang magtangkang suntukin ni Devin si Shadow, mabuti dumating ang ka-grupo nito.
"Bro, tama na 'yan. Wala naman tayong mapapala sa kanila!" awat ng isang babae rito.
"Bro, relax lang..." ani ko kay Shadow. Ang tigas rin ng mukha nito, gusto pa yata nang away eh.
"Gago 'to eh!" ani nito. Ang isip bata naman niya, parang binara lang siya ni Shadow eh.
"Tara na, umalis na tayo." Ani ng isang pang babae. Aalis na sana sila nang dumating si Lay at Ice.
"Aalis na kayo?" tanong ni Lay. "Long time no see? Himala pumasok kayo? Ano nakaisip na ba kayo ng paraan para makuha ang trono namin?" siniko ko si Lay. Mukhang nagaamok pa siya nang away eh. Maloloko na ako sa kanila.
"Lay, tama na 'yan. Huwag mong pag-aksayan ng oras ang mga katulad nila." Ani Ice na mas kinainis ni Devin.
"Ano'ng gusto mong palabasin?" galit na tanong ni Devin.
"Oo nga pala, ayon sa balita ko. Isa sa grupo mo ang pumatay sa lalaki dito noong nakaraang araw, 'di ba?"
"Huwag niyo kaming, pinagbibintangan. Hindi namin alam ang sinasabi niyo!" ani naman ng isang babae.
"Paano kung may ebidensiya ako? Paano na 'yan? Baka mag-goodbye na kayo?" pang-aasar pa ni Lay.
"Hoy, Lay tumigil ka na nga..." bulong ko rito. Ngumisi lang ito at mas lalong nang-asar, my gosh! Bakit ba napaka-mang-aasar nang isang 'to. Paano naman kaya nito nalaman na ang grupo nila ang pumatay sa lalaking 'yon?
"Mas'yadong mainit ang ulo mo, Devin. One more thing, alam ko rin kung bakit niyo pinatay ang lalaking 'yon." Nakangising ani pa ni Lay.
"Tangina mo!" mura nito kay Lay. Gago talaga si Lay, pinapahamak niya ang sarili niya. Lakas ng loob sabihin nang harapan ang mga information na mayron siya.
"Lay, Stop that's nonsense.." Saway ni Shadow.
"Para kayong mga bata, pumapatol kayo sa abnormal!" ani naman ni Ice. Isa rin ito eh, minsan na lang magsalita gusto pa ng away.
"Ice, huwag ka na magsalita!" sabi ko, mukhang uminit lalo ang atmosphere sa pagitan namin ah.
"Ano'ng sabi mo?" galit na tanong ng babae.
"Hindi ko kailangan, ulitin sa mga taong bingi. Maglinis kase ng tenga," napabuntong hininga na lang ako, mukhang gusto ng away ng dalawang 'to eh.
"Woah! Mukhang nagkakainitan rito ah?" sigaw ni Aron ang leader ng rank 4 na grupo.
"Oh? Bakit? Nand'yan rin pala kayo? Akala ko pa naman patay na kayo!" ani Lay sa mga bagong dating.
"Matagal mamatay ang masamang damo, Layshin!"
"Really? Huwag pakampante, baka bukas makalawa wala na ang grupo niyo." Ani ko.
"Asa ka naman, nakakamatay ang umasa. Clarnce!" nagtawanan na lang kami na parang may binabalak sa isa't isa.
"Talaga ba?"
"Matagal pang mangyayari 'yon, kukuhanin pa namin ang puwesto niyo! Kaya huwag kayong pa-kampante sa posisyon niyo." Ngumisi na lang kami sa sinasabi nila. Mas'yado silang umaasa, mga mahihina naman sila.
"Stop it, let's go! Marami na akong oras na nasasayang!" aya ni Shadow.
"Bye, mga loser!" ani Lay bago kami tuluyang umalis.
"Gago ka talaga, Layshin!" ani ko rito.
"Matagal na,"
"Psh..."
Pagdating namin sa tambayan, umupo na ako at bigla lang ako napaisip. Bakit kaya, nagpakita silang lahat?
"Inbistigahan ninyo ang mga taong 'yon," ani Shadow. Mukhang nakaramdam rin siya ah?
"Sige ako na bahala d'on," ani Lay at ngumisi pa. Mukhang na-eexcite pa ang gago. Hayts.
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
AçãoIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan