Pagkalabas ni Konaide tumayo na ako, may sinabi pa si Mommy bago ako tuluyan makalabas.
Hinanap ko agad ito, nakita ko naman ito na papuntang garden. Agad akong lumakad nang mabilis para maabutan ito. Para kase siyang kabayo sa bilis maglakad eh."Konaide Wala ka bang balak na linisin 'yang mga kalmot mo?" tanong ko rito nang maabutan ko ito.
"Malayo ito sa bituka, no need to worry. Hindi ako mamatay sa simpleng kalmot lang," ani nito sa malamig na boses. Ang tigas naman ng ulo ng babaeng ito tch, ewan ko bakit ko siya piniling sundan arrrg hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kapag siya ang usapan lagi na lang akong may nararamdaman pag-aalala.
"Ang tigas ng ulo mo!" ani ko at pinitik ito sa noo. Hinila ko na ito papuntang clinic, wala akong paki kung pagtinginan kami nang mga taong na sa paligid. Pagkarating sa clinic agad ko itong pinaupo.
"Sit down," utos ko rito, pero umiling lang ito at na pa "Tch. " pa bago tuluyang umupo.
"Ms. Nasaan ang first aid kit ninyo rito?" tanong ko sa nurse na nariyo, pero imbis na sumagot nakatulala pa. May time pa siyang matulala tch.
"I said where's the first aid kit? Tutulala ka d'yan o ipapatanggal kita sa trabaho?!" sigaw ko rito. Ayoko sa lahat, paulit-ulit akong nagtatanong tch.
"Ahh, I'm sorry sir!" ani nito at pumunta kung saan pagbalik nito dala na ang pinapakuha ko. "Ito na po, Sir!" tumango na lang ako at hinarap na si Konaide, kumunot naman ang noo nito sa akin kaya muli ko itong pinitik. She's cute.
"Tch... What are you doing?" tanong nito.
"Did you see? I cleaned your wound..." masungit na tanong ko at inumpisahan nang linisin ang mga kalmot nito sa kamay. Mabuti na lang talaga at mga kalmot lang natamo niya. Actually, gusto kong pigilan ang nanay ni Mondragon. But, naro'on lang si Mommy kaya hindi na ako nakialam.
"Bakit mo ginagawa ang lahat nang ito?" malamig na tanong nito. Yeah, bakit ko ba ginagawa ang mga bagay na ito? Kung puwede ko naman siyang pabayaan? Dati naman wala akong paki-alam sa mga taong na sa paligid ko. Hindi ko rin kase alam ang ginagawa ko.
"I don't know..." mahinang sagot ko, pagkatapos kong linisin ang mga sugat niya nilagyan ko naman ng bandage ang mga may malalim na kalmot. "It's done..." ani ko at tumayo na, nakita ko naman itong nakatitig sa akin. Ang ganda niya, kahit puro kalmot ang mukha niya. Arggg, ano bang iniisip ko?
"Ehem!" pekeng ubo ko, dahil kakaiba na ang tensyon sa paligid. "Kumain ka na ba?" tanong ko, ewan ko bakit ko naisipan itanong sa kaniya ang bagay na 'yan. Nakakahiya na talaga ang ginagawa ko, hindi naman ako ganito dati.
"Hindi~ sagot nito at med'yo natawa ako dahil biglang kumulo ang t'yan nito.
"Hindi raw siya nagugutom..." ani ko. Inirapan lang ako nito at aalis na sana nang hawakan ko ang kamay nito at hinila na siya papuntang cafeteria.
"Mr. Winstone, bitawan mo nga ako!" hindi ko ito binitawan at dinala na siya sa Cafeteria, pagdating namin agad ko itong pinaupo.
"Sit down," ani ko, sumunod naman ito. Ako naman pumunta na sa Counter para bumili nang mga pagkain. Marami na akong in-order tapos bumalik na ako at hindi na pinansin ang mga babaeng nagbubulungan. Inilapag ko sa harap nito ang mga pagkain.
"Kumain ka na!" utos ko, noong umpisa ayaw pa nila pero maya maya kumain na rin ito. Tinignan ko lang ito kumain, ang lakas pala kumain ng babaeng ito.
"Huwag mo akong titigan, Mr. Winstone..." ani nito at kumain lang nang kumain.
"Hmmm... Ang lakas mo kumain," ani ko at bigla naman itong napatigil sa pagkain at tumingin sa akin. Nakita kong may pagkaing napunta sa pisngi nito, kinuha ko agad ang panyo ko at pinunasan ito. Nakita kong napaiwas ito ng tingin sa akin at, kinuha ang panyo at siya na ang nagpunas.
"Bukod sa malakas ka kumain, makalat ka rin..." ani ko pa. Mas nahiya naman ito at inirapan ako.
"Tch..." natawa na lang ako rito habang kumakain pa rin ito. Nang matapos ito, naubos niya ang lahat nang binili kong pagkain. Ibang klase, hindi naman siya nataba.
"What?" tanong ko nang makita kong nakatitig ito sa akin na parang may sasabihin. Nakakailang ang mga titig niya.
"Cutting tayo..."
"What? Nahihibang ka ba? Bawal mag cutting sa school na ito," tanggi ko, hindi sa takot ako mag-cutting class pero kase baka malaman ng bruha kong ina bawasan na naman ang allowance ko tch.
"Tch. Ayos lang ako na lang mag-isa," ani nito at umalis na. Hindi naman ako nakatiis, sinundan ko rin siya. Kababaeng tao niya, marunong mag-cutting tch. Nakita ko itong tumitingin sa bakod, don't tell me? Balak niyang tumalon sa bakod na 'yan?
"Hey, wait-- don't tell me? D'yan ka aakyat?"
"Yeah, kung ayaw mo huwag ka sumama!" ani nito at sinimulan umakyat ng bakod, may puno naman na puwedeng tapakan kaya okay lang umakyat. Pero kase nakapalda lang siya ang ikli pa. Napaiwas naman ako nang tingin, nang na sa mataas na siya. Dahil baka makita ko na ang tinatago nito hindi manlang kase nagpalit eh.
Bigla naman akong nagulat nang mapatili ito, napatingala ako at nakita kong mahuhulog na ito pero huli na ang lahat dahil bago ko ito masalo bumagsak na ito sa akin. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang maglapat ang labi nito sa akin. Tang*na ang first kiss ko, napatulala ako nang mga ilang segundo. Nagising lang ako nang umalis na ito sa ibabaw ko at lumakad palayo.
Tumayo naman ako at nagpagpag saka siya hinabol."Hey, Konaide!" tawag ko, hindi kase ako nito nilingon. Galit kaya siya? Accident lang ang nangyari, hindi ko naman alam na mangyayari 'yon eh.
"Hey! Look, I'm sorry!" ani ko, lumabas naman ito sa main gate. Hindi naman ito pinigilan ng guard, bakit kaya?
Lumabas na rin ako at sinundan siya, mabuti hindi ako pinigilan ng guard. Saan kaya pupunta ang babaeng ito? Ang bilis pa maglakad.
"Hey! Konaide, wait!" nahihingal na ako kakasunod sa kaniya, bakit ba kase ako sumusunod sa babaeng ito?
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
ActionIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan