"Hara! Friends na tayo, please!" 'yan na naman ang makulit na paulit ulit, hindi marunong makaintindi sa sinabi kong hindi ko kailangan nang kaibigan.
Nandito ako sa school hallway naglalakad papuntang room nang bigla na lang sumulpot sa likod ko ang babaeng ito. Para lang buwisitin ang araw ko, kanina pa 'yan namimilit sa akin. Akala naman niya, papayag akong maging kaibigan siya.
"Hara, uy pansinin mo naman ako! Para ka namang pipi eh?" ani nito habang nakasunod pa rin sa akin, hindi ba talaga siya titigil?
"Puwede ba? Naiirita na ako sa'yo? Tumigil ka na, please lang? Hindi na ako natutuwa sa ganiyang style mo!" iritang sigaw ko rito at mas binilisan ang lakad, hindi ako pala salita pero dahil sa kakulitan niya. Malapit na akong mapaos, badtrip.
"Oh? Look!" ani ng bagong sulpot na babaeng, mukhang clown tapos pumalakpak pa ito. Hayup, ano'ng meron at napalakpak ang gagang ito? Ano siya nababaliw? Puwede talagang magsama ang isang ito at ang babaeng maingay na ito. Parehas silang sira ulo.
"Are you crazy? Bakit napalakpak ka? Ano'ng meron?" sunod sunod na tanong ko.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na may bago ka pa lang kaibigang, gagaya sa kalandian mo!" ani nito. Hindi ko maintindihan bakit sa 'kin nito sinasabing malandi, bakit kaya hindi niya sabihin ang salitang malandi sa sarili niya?
"Bakit hindi mo sabihin 'yan sa sarili mo? Slut x bitch perfect!" pang-aasar ko rito, wala kase ako sa mood ngayon para hayaan lang siya. Halos nangalaiti naman ito sa galit, nginisihan ko na lang ito. Siya ang nauna? Siya rin ang mauunang mapikon? Sorry, Mondragon pero mas magaling ako sa asaran.
"Ang tapang mo ngayon ah? Bakit pinagmamalaki ka na? Sumasagot sagot ka na!" sigaw nito sa akin at bigla akong sinampal, napatabingi ang mukha ko sa malakas na sampal na ginawad niya sa akin. May mga naawang mga student, pero marami ang pinagtatawanan ako tch.
"Ano? Masakit ba? Ilan beses ko bang sasabihin sa'yo? My Shadow is only mine! Pero lapit ka pa rin nang lapit! Malandi ka talaga!" galit na sigaw nito at muli akong sasampalin nang pigilan ito ng babaeng madaldal.
"Hoy, Ms? Tigilan mo nga ang kaibigan ko, huwag mo ngang idampi ang madumi mong kamay sa mukha niya? Nakakadiri eh!"
"How dare you?" tinulak nito ang babaeng madaldal at ako naman muli ang hinarap.
"Ito bang babaeng ito ang pinagmamalaki mo? Tang*na mo sagad alam mo 'yon? Malandi ka, makati ka! Siguro mana ka sa Nanay mong makati!" napantig ang tenga ko sa sinabi ni Mondragon, naninilim rin ang paningin ko. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko at sinakal ko nang sobrang higpit ang leeg nito gamit ang isang kamay ko.
"T---ama na... na---hihirapan akong huminga..." ani nito habang kinakapos na sa hininga, mas diniinan ko ang hawak sa leeg nito. Papatayin siya, 'yan ang na sa isip ko habang sinasakal siya.
"Idamay mo na lahat, huwag lang ang Nanay ko..." malamig na ani ko rito at mas hinigpitan pa ang hawak. Papatayin ko talaga siya, hinihintay ko na lang na mawalan siya ng hininga.
"Konaide! Please, bitawan mo na ang kaibigan namin! Nahihirapan na siyang huminga!" umiiyak na awat sa akin nang alipores ng babaeng 'to. Tinignan ko ang babaeng alipores nito at ngumisi.
"Please, Konaide pakawalan mo ang kaibigan namin!" sigaw nito at tutulungan sana si Mondragon ng sipain ko ito sa sikmura. Walang sino man ang makakapigil sa aking patayin siya.
"B--bitawan mo na ako... A--ayoko---pa mamatay--- 'di na ako m--akahinga please-- let me go!" nginisihan ko lang ito na parang isang demonyo.
"Die..." malamig na sabi ko at mas hinigpitan ang hawak sa leeg nito. Ewan ko pero nasisiyahan ako, habang nakikita ko siyang nagmamakaawa.
"Konaide, ibaba mo ang babaeng 'yan!" biglang salita sa likod ko, hindi ko pinansin ang nagsalita at ang mga student na takot na takot. Wala akong paki, ang gusto ko lang mamatay siya.
"Konaide, ibaba mo na siya. Baka makapatay ka!" ani ulit ni Shadow, this time med'yo nahimasmasan na ako. Binitawan ko ang leeg nito at umalis na. Pasalamat ang babaeng 'yon, dahil dumating si Shadow. Putang*na niya.
Pumunta ako sa tambayan ko rito sa garden, umakyat ako sa sanga at d'on humiga at pinikit ang mga mata. Gusto kong ma-refresh ang utak ko, hindi ko na naman na-kontrol ang sarili ko. Basta ang pamilya ko ang dinadamay, hindi ako makapagtimpi. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang ginawa ko. Hanggang ngayon kase, may parti pa rin sa akin na gusto kong patayin ang babaeng 'yon.
"Konaide?" hindi ko pinansin ang tawag ng isang lalaki, si Shadow lang naman 'yan. "Bakit mo nagawa ang gan'ong bagay?"
"Hindi ko alam, siya ang tanungin mo kung bakit gusto ko siyang patayin..." gigil na ani ko. "Hayaan mo muna ako puwede? Gusto kong mapag-isa!" ani ko pa. Narinig ko ang buntong hininga nito at nararamdaman kong umalis na ito. Hay!
Tapos na ang klase nang magising ako, mabuti at kalmado na ako ngayon. Huwag ko lang makita ulit ang babaeng 'yon, dahil baka dumilim na naman ang paningin ko sa kaniya.
"Hara!" tawag sa akin ng isang babae, nandito na naman siya. Hindi ko ito pinansin dahil wala ako sa mood. Hapon na narito pa siya? Don't tell me? Inaantay ako nito? Tch. "Hara! Hintayin mo ako, alam mo ba ang tagal kitang hinintay bumaba d'yan sa puno!"
"I don't care," hindi ko sinabing hintayin niya ako. Alam na pala niya ang pangalan ko, but whatever.
"Kamusta ang pakiramdam mo ngayon? Ibang klase ka pala, ang galing mo kanina!" aniya, para siyang buntot sunod nang sunod eh. "Alam mo bang nasa hospital ngayon, ang malanding 'yon? Nawalan kase nang malay, matapos mong bitawan. Mabuti na lang, hindi siya namatay!"
"Wala akong paki-alam! Kaya kung puwede? Ayokong marinig ang mga wala mong kuwentang kuwento!" sigaw ko rito at nagmadali nang lumabas ng school. Sumakay na ako sa baby Damon ko at pinaharurut ito, wala akong paki kahit may mabangga ako rito. Wala pa rin kase ako sa mood, kalmado nga ako pero parang may nag-uudyok pa rin sa akin balikan ang babaeng 'yon para patayin.
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
Hành độngIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan