chapter27

800 18 0
                                    

Nanonood ako sa isang sulok, habang nakikipaglaban ang grupo ni Shadow. Napadaan lang ako rito, sakto at may nagaganap pa lang laban kaya naman nanood na lang ako. Mukha kase exciting ang laban na ito. Lumipas ang halos isang oras, bumagsak na ang dalawa sa grupo nila Shadow. Med'yo naboboring na ako sa pinapanood ko, 'yan lang ba talaga kaya nila? Sa palagay ko walang balak na buhayin ang grupo ni Shadow nang mga kalaban nila. Habang nanonood pa rin napapangiwi na lang ako. Mas'yadong madaya ang kalaban nila, mga madudumi kung maglaro. Nakakadiri sila, akala naman nila masaya ang mandaya. Natutup ako sa aking panonood nang makita kong bumagsak na si Ice pati na rin si Shadow, tinutukan pa ito ng baril. Nanood lang ako, ano 'ng gagawin nila ngayon? Wala na akong nagawa, kun 'di tulungan sila. Akala ko kase malalakas sila, ang galing kase nilang pumayag sa gang fight nang walang anumang armas.

"Oh? Wait--- late na yata ako?" ani ko sa kanila at nginisihan ang mga kutong lupa.

"Tang*na ka, sino ka ba? Istorbo ka!" tanong ng leader nilang si Levon, yeah ngayon ko lang naalala ang pagmumukha n'ya. Naalala ko, nakalaban ko na siya dati at sila rin ang grupo na mahilig mandaya.

"Gan'on ba? Gan'yan ka ba ka-excited para patayin ang lalaking 'yan?" Tanong ko.

"Sino ka ba? Umalis ka na, baka madamay ka pa!" aniya, ngumisi lang ako.

"Sino nga ba ako? Hmmm... Secret, hindi ko maalala eh! Pero kapag nalaman mo, sabihin mo agad sa akin!" ani ko at tumawa. Mukha namang hindi sila natawa sa joke ko. Hindi yata talaga ako magaling mag-joke eh.

"Ginagalit mo talaga ako, patayin niyo na ang babaeng 'yan! Ipaalam niyo sa kaniya ang napapala nang mga pakialamera!" utos ni Levon, napangisi naman ako. Pinalibutan nila ako at lahat sila nakangisi sa akin.

"Ang pikon mo naman mas'yado? Gusto mo agad akong patayin, hindi ba puwedeng maglaro mo na tayo?" ani ko, mukha naman hindi na talaga sila natutuwa.

"Patayin niyo na ang babaeng 'yan!" sigaw ni Levon.

Isa Isa silang sumugod sa'kin, pero 'di pa sila nakakahampas sa akin. Pinapatay ko na sila,  wala na silang lugar sa mundong ito. Mga madaraya, goodluck na lang kung may makaligtas sa kanila. Nakangisi lang ako habang nakikipaglaban, unti unti na rin akong nasisiyahan sa ginagawa ko.

"Halimaw ka!" sigaw ng isang lalaki, at mukhang natatakot na kaya tumakbo na ito. Gan'on rin ang ginawa nang iba, mukha yatang naduwag ang mga gago. Hinayaan ko na lang sila at hinarap na lang ang mga matapang na gusto talaga akong patayin.

"Huwag na tayong lumaban boss, halimaw siya!"

"Mga buwisit kayo! Huwag kayong tumakas!" galit na sigaw ni Levon.

Hahatawin na sana ako isang lalaki ng baseball bat, nang umikot ako patalikod at hinampas ito sa batok. Seryoso? Ang ito lang ang papatay sa grupo nila Shadow? Mas'yado silang mahina para sa akin. Hayst, gusto ko pa naman sana makalaban sila sa underground.

Sumugod pa ang isa sa 'kin hahampasin na sana ako ng baseball bat nang hawakan ko ang baseball bat n'ya at,  kinuha ko sa kamay nito. Pinangpukpok ko sa ulo nito ang baseball bat. Nang maubos na ang mga mahihinang katulad nila, natira naman si Levo. Sinasadya ko talagang itira siya.

"Sino ka ba ha? 'Wag kang lalapit papatayin ko ang lalaking ito!" sigaw nito at tinutok kay Shadow ang baril. Karuwagan nga naman ng lalaking ito, matapang lang kanina dahil marami siyang kasama.

"Ganiyan ka ba karuwag at kailangan mo pa nang hostage?" ani ko at dahan dahang lumapit.

"Huwag ka sabing lalapit! Hindi ako nagbibiro papatayin ko talaga ang lalaking ito!" ngumisi ako rito.

"Patayin mo na? Sino ba ang taong 'yan? Hindi ko naman kilala 'yan!"

"Papatayin ko talaga ito!" sigaw pa nito, nakita kong may tumutulo na sa pantalon nito na sobrang nagtataka sa akin.

"Bakit naihi ka na yata sa sobrang takot?" tanong ko rito.

"Sino ka ba talaga? Huwag ka sabing lalapit!"

"Patayin mo na kaya, kanina mo pa sinasabi 'yan eh!" seryosong ani ko. Pumunta naman ako sa likod ni Levon, halata mong nanginig ito sa takot. "Bakit hindi mo patayin? Hindi mo ba kaya? Nanginginig ka yata?" bulong ko sa tenga nito, bigla naman itong lumayo sa akin hawak pa rin ang walang malay na si Shadow.

"Demonyo ka!" aniya, ngumisi na lang ako rito. Ang sarap niyang paglaruan, nakakatuwa. "Huwag kang lalapit, papatayin ko na talaga ito!" ani nito at nanginginig na kalalabitin na ang baril na nakatutok sa ulo ni Shadow. Mukhang seryoso na nga siya, agad akong tumakbo at inagaw ang baril at pinukpok iyon sa kaniya nalaglag naman si Shadow sa lupa. Tinutok ko naman sa ulo nito ang baril.

"Any last word?" hindi ako papayag na patayin nila ang grupo ni Shadow, may dahilan ako kung bakit? Saka ko na sasabihin, mas'yado pang maaga para malaman niyo.

"Demonyo ka..."

"Yes I am," ani ko at pinutok na sa ulo nito ang baril na hawak ko.

"Goodbye, wala na ka nang lugar sa mundong ito..." ani ko at tumayo na. Inisip ko naman kung paano ang gagawin ko sa mga kupal na ito. Chi-neck ko mo na ang mga pulso nila, buhay pa naman sila at nawalan lang nang malay sa sobrang bugbug.

Tumawag na lang ako ng ambulance at iniwan na sila. Nagtago lang ako sa isang sulok, hanggang dumating ang pulis at ambulance. Pagkatapos n'on umalis na rin ako, umuwe na lang ako sa bahay. Puro dugo na kase ang damit ko.

"Young Lady? What happened? Sino may gawa niyan sa'yo?"

"Wala naman, may siga lang d'yan sa Kanto. Napalaban lang ako..."

"Sana sinabi mo sa akin, natulungan sana kita!"

"Ayos lang ako, maghanda ka na lang ng pagkain at nagugutom na ako." Ani ko at umakyat na at nagbihis. Nakakapagod rin pa lang kalaban ang mga 'yon, pagkatapos magbihis bumaba na ako at kumain na.

"Sabayan mo na ako sa pagkain, Butler Kin." At ko, nakakaboring rin kaseng kumain mag-isa.

"Hindi na, Young Lady..."

"Inuutusan kitang sabayan ako sa pagkain, " seryosong ani ko, wala na itong nagawa at sinabayan na lang ako.

The Devil princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon