Nandito ako ngayon sa puno sa garden, natutulog. Palagi kaseng rito ako tumatambay, kapag naboboring ako sa tambayan. Habang nakatambay ako rito, may narinig akong nag-uusap sa baba. Sumilip ako sa baba at nakinig sa pinag-uusapan nila.
"Boss, naka-ready na ang lahat," sabi nito sa kausap sa cellphone, hindi ko marinig ang sinasabi nang kausap nito.
"Ako na bahala rito, boss. Maasahan mo ako!" sabi nito. Nang makita kong umalis na ang lalaki, bumaba na ako. Hindi ko na alam kung nasaan na ang lalaki kanina.
Habang naglalakad ako, biglang may malakas na pagsabog ang naganap. Pinuntahan ko kaagad sila Shadow, nakita ko naman silang tumutulong sa pagligtas ng mga student. Lumapit ako kay Clarnce.
"Sino naman kaya, ang may gawa nito?" tanong ni Clarnce sa akin, bakit ba ako tinatanong niya. Wala rin akong alam eh.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Lay na kakarating lang. Pawis na pawis pa, mukhang may kababalaghan na naman siyang ginawa.
"Sumabog ang building eh," ani Clarnce. "May tao pa ba sa loob?" tanong nito sa mga rescuers.
"Wala na boss, clear na ang paligid!" sagot ng isa s rescuers.
"Good!" tinignan lamang namin ang building habang pinapatay ang sunog rito sanhi nang pagsabog.
"Wait--- nakita niyo ba si Ms. Konaide?" tanong ni Lay.
"Hindi namin alam, hindi ko pa nakikita. Baka umiwe na, pinauwe na kase ang ibang student!" sagot ni Clarnce.
"Ang alam ko kase, dito pumunta kanina si Konaide. Nakasalubong ko pa nga siya kanina ng galing ako sa building na 'yan, ilang minuto bago ang pagsabog. May pinuntahan kase akong babae d'yan kanina." Ani nito.
"Ako na ang papasok," ani Clarnce nang pigilan ito ni Shadow.
"No. Ako na ang papasok, baka mapaano ka pa!" ani Shadow. Mukha rin siyang nag-aalala.
"Sige, ikaw na bahala." Pumasok na si Shadow. Hindi ko maintindihan kung bakit ginusto ni Shadow na siya ang pumunta sa loob.
*Kairhara Pov*
(Flashback)
Papunta sana ako sa comport room nang may makita akong lalaking kakaiba. Halata mong may 'di magandang gagawin ito. Naka-all black ang lalaki sinundan ko siya papuntang Junior building, biglang itong nawala s'ya sa paningin ko. Shit! Hinanap ko s'ya hanggang third floor pero wala na, hindi ko na ito nakita. Napagpasyahan ko na lang bumaba ng bumaba, nang pababa na ako bigla namang may malakas na pagsabog sa building na kinaroroonan ko. May mga maliliit na semento ang lumaglag sa akin. Kaya nahirapan akong makalakad, tapos isama mo pa ang malakas na usok. Nahihirapan na rin akong huminga, para yatang mamatay na ako rito. Dahil sa kapal ng usok hindi na ako makalakad, hindi ko na alam ang gagawin. Wala na akong makita sa paligid, umupo na lang ako at tinanggap ang katotohanan na baka dito na ako mamatay. Habang nakaupo ako rito, unti unti na rin akong nawawalan nang malay. May narinig pa akong tumatawag sa pangalan ko. Hanggang tuluyan na akong mawalan nang malay.
Nang magkaroon ako ng malay, puro puti ang nakikita ko. Nasaan na ba ako? Hindi pa ba ito langit, impossible namang langit na ito.
"Mabuti nagising ka na?" tanong ng isang lalaki, si Shadow.
"Nasaan ako?" tanong ko at pilit na tumayo para umalis sa lugar na ito. Pero parang ang hina ng katawan ko ngayon.
"Nasa hospital ka, dinala kita rito." Napatango na lang ako, bakit ba lagi na lang niya akong nililigtas, kahit ang sama ko sa kaniya?
"Tch, aalis na ako!" ani ko at nagpumilit tumayo.
"Nah? Mahina ka pa, magpahinga ka mo na. Bukas puwede ka na lumabas," wala na akong nagawa, mahina talaga ang katawan ko ngayon eh.
"Young lady? Are you alright? F*ck pinag-alala mo ako!" ani Butler na kakapasok lang. Paano naman kaya nalaman ni Butler na nandito ako.
"Bakit narito ka?" tanong ko. Hindi niya kailangan mag-alala sa akin, kaya ko naman ang sarili ko.
"Tinawagan ako ng kaibigan mo, ang sabi narito ka raw. Mabuti na lang at maayos ka na!" ani nito. Napabuntong hininga na lang ako at, sino namang kaibigan 'yon? Wala naman akong kaibigan dito.
"Sinong kaibigan? Baka nakakalimutan mo, wala akong kaibigan rito." Masungit na ani ko.
"Ang sabi niya kase kaibigan mo raw siya, pasensya na Young lady!" ani nito at nag bow pa sa akin.
"Nextime, huwag kang maniniwala kapag sinabing kaibigan ko. Baka patibong lang 'yon!" hindi siya marunong mag-ingat. Paano kung nagpanggap lang 'yon?
"Aalis na ako!" paalam ni Shadow at umalis na. Fine, saka na ako magpapasalamat sa kaniya.
"Paumanhin po, Young Lady!" ani ko at yumuko.
"Ayos lang." Ani ko.
_____
Kinabukasan, umuwe na ako hindi na mo na ako pumasok. Kumalap mo na ako ng mga ebidensiya, tungkol sa nangyaring pagsabog. Sino kaya ang taong nagpasabog? Hindi kaya isa 'yon sa taong gustong pumatay sa akin? Sana naman huwag silang mandamay ng mga inosente. Lumabas na ako, nang wala akong makuhang information. Hanggang ngayon, may mga stalker pa rin ako. Hinayaan ko na lang sila, huwag lang silang magtangkang kantiin ako dahil hindi ko sila papalampasin.
"Hi Ms?" bati sa akin ng lalaking, mukhang adik. Hindi ko na lang ito pinansin at kumain na lang, nagugutom na kase ako kaya naisipan kong kumain sa nadaanan kong resto. " Ang suplada mo ah? Akala mo naman napakaganda mo? Pasalamat ka nga pinansin pa kita!" napakunot noo na lang ako sa mga sinabi niya.
"So? Utang na loob ko pang pinasin mo ako?" tanong ko rito at nag-smirk.
"Tigilan mo na 'yan," ani ng isang lalaking nakakatakot ang boses. Halata namang natakot ito at tumakbo na palabas. Nandito na naman siya? Sinusundan ba ako nito?
"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.
"Huh? Sino may sabi sa'yo? Napadaan lang ako rito, dapat magpasalamat ka pa nga sa akin." Ani nito at umupo sa harap ko.
"Tch..." Kumain na lang ako, tahimik lang naman siya kaya hindi na rin ako umimik. Med'yo naiilang lang ako dahil nakatingin lang ito sa akin. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko rito. Nakakairita kase ang katulad niya.
"How are you?" tanong nito.
"Ayos lang ako, Mr. Winstone? Bakit mo ako kinakamusta? Bakit nag-aalala ka ba sa akin?" nanguuyam na tanong ko.
"Tch. Kinakamusta lang kita, baka kase mamaatay ka na!" ani nito at umalis na. Napangisi na lang ako at kumain na. Pagkatapos, pumunta ako ng mall para magpalamig ng ulo.
BINABASA MO ANG
The Devil princess(COMPLETED)
ActionIsang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa kadiliman, at paghahangad nang katarungan