Chapter 13 Layshin Pov.

1K 26 0
                                    

Pasipol sipol akong lumakad, papuntang tambayan. Masaya lang ako dahil may bago raw transferee at Maganda raw ito. Pagkarating ko sa tambayan, nakita ko na r'on si na Shadow at Clarnce.

"Mga pre may bago raw transferee ah? Nabalitaan niyo na ba?" tanong ko sa kanila.

"I don't care." Sagot lang ni Shadow.

"Ano'ng paki namin d'yan, Lay? Mas may importante akong ginagawa kaya, wala akong paki sa sinasabi mo!" ani ni Clarnce, kanina pa ito nagtitipa sa laptop niya.

"Chikababe raw eh," bigla naman dumapo ang kamay ni Clarnce sa akin. P*ta, palagi na lang niya akong binabatukan.

"Nah! Puro babae na sa utak mo! Umayos ka nga, kung tumutulong ka na lang sa akin sa paghahanap ng information. Baka maging masaya pa kami." Seryosong ani nito. Ang seryoso naman nila ngayon.

"Nah! Bakit mo ako kailangan batukan? Child abuse ka!" pagbibiro ko, gusto ko lang mabago ang atmosphere sa tambayan. Ang seryoso kase nilang lahat.

"I don't care..." napa-pout na lang ako dahil walang epekto ang ginagawa ko. Ano bang meron at napakaseryoso nila? Bigla naman tumawa ng malakas si Clarnce, mabuti naman may tumawa na siya.

"Tang*na pre! Huwag kang mag pout, ang panget mo. Mukha kang asong ulul!" ani nito. 'Langya, naman.

"Ah gan'on? Sige asarin mo pa ako, may chocolate pa naman ako rito!" ani ko at nilabas ang chocolates na bigay kanina sa akin ng fans ko. Hindi naman ako mahilig sa gan'on, kaysa itapon ko ibibigay ko na lang kay Clarnce.

"Hindi ka na mabiro eh, nagbibiro lang ako. Ang totoo ang guwapo mo talaga!" bilis magbago nang sinabi, basta sa Chocolate eh.

"Wala nang bawian, sinabi mo 'di ba mukha akong asong ulul? Itatapon ko na lang 'to!" sabi ko at itatapon na sana ang chocolates ng pigilan ako nito. Natatawa talaga ako sa kaniya, sobrang hilig sa Chocolate eh.

"Sorry na, akin na lang 'yan. Sayang naman kung itatapon mo!" nagbibiro lang naman ako, para na siyang maiiyak.

"Biro lang, oh! Sa 'yo na 'yan," sabi ko at binigay na sa kaniya ang chocolates.

"Wow! Talaga? Salamat Lay, tunay ka talagang kaibigan!" ani nito at niyakap pa ako.

"Hoy! Huwag mo akong yakapin! Para kang bakla!"

"Nababakla na talaga ako sa 'yo, Papa Lay!" ani nito na parang bakla.

"Alam mo, Lay. Tigilan mo na ang puro babae, baka mamaya niyan magka-Hiv ka na. Mahawa mo pa kami!" ani Shadow sa akin.

"Tama, tigilan mo na kakababae mo. Hindi ka nga pumapasa sa academic tapos puro ka pa babae." Ani naman ni Ice. Lintik na mga 'to? Minsan na lang magsalita masakit pa.

"Wait nga? Kaylan pa kayo natuto magsalita?" tanong ko.

"Common sense, malamang noong bata pa kami." Sagot ni Ice. Napakapilosopo talaga niya.

"Ewan ko sa'yo, Ice huwag ka na lang magsalita!" inis na sabi ko.

"Tch. Bahala kayo sa buhay niyo, bilisan n'yo papasok tayo ngayon." Ani Shadow at lumabas na silang dalawa.

____

"Hellow everyone! Siguro naman nakarating na sa inyo ang balita na may bagong transferee! Pumasok na kayo!" sabi ng prof namin at pumasok naman ang dalawang transferee. Akala ko pa naman sobrang ganda, hindi naman pala. "Introduce your self!" ani prof. Pumunta naman ang dalawa sa unahan at nagpakilala.

"Hello, I'm Keysel Andeta nice to meet you. Please be nice to me!"

"I'm Mikel Medrand, nice to meeting all of you! Please be nice to me!"

"Go, find your seat!" naghanap na sila nang upuan, umupo sila sa bakanteng upuan. Pero ang isa naman umupo sa upuan ni Konaide.

"Okey, let's start our class!" ani prof, pero hindi pa ito nakakasimula nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa n'on si Konaide. Ayos rin ang babaeng ito eh, lakas nang loob.

"Ms. Konaide! Why are you late?" inis na tanong ni prof.

"Tanong mo sa alarm clock ko, kung bakit 'di siya nag-alarm nang maaga. Tch..." ani nito sa malamig na boses at pumunta na sa upuan. Wala naman itong paki na may nakaupo na r'on.

"Get out!" malamig na ani nito sa babaeng umupo sa upuan niya, takot namang tumayo ang babae at humanap nang ibang mauupuan.

Nagsimula nang magklase si prof, nang mapatigil ito dahil sa nakita nitong nakatungo si Konaide sa upuan. Mukhang natutulog pa yata.

"Ms. Konaide! Get out of my class, kung matutulog ka lang!" galit na sigaw nito. Nag-angat naman ito ng ulo at tumayo.

"Okey, hindi ko naman gustong makinig sa nakakaboring mong klase tch." Ani nito at lumakad na palabas ng pinto.

"Bring you're parent tommorow!" nangagalaiting ani pa ni prof.

"Hukayin mo sa lupa ang buto nang mga magulang ko. Goodluck!" ani nito at tuluyan nang umalis. Ibang klase talaga, lakas nang tama eh. Sumagot-sagot ba naman, walang ibang sumasagot sa mga prof namin. Maliban sa amin, kami kaya ang boss rito.

"Bastos na bata..."

Nang lumabas si Konaide, tumayo at walang paalam na umalis. Mukhang may something ang dalawang 'yon. Pagnagkatuluyan ang dalawang 'yon, talagang magsasaya ako. Bagay naman silang dalawa, parehas sila ng ugali.

*Shadow Pov*

Saan kaya pupunta ang babaeng 'yon? Tch. Bakit ba ako nag aalala sa kaniya? Naglakad ako hanggang sa nakita ko siya sa garden sa isang puno na nakahiga sa sanga. Tinignan ko lang ito sa med'yo malayo sa puno.

"Mas'yado namang, malagkit ang tingin mo. Mr. Winstone?" umiwas agad ako nang tingin, nang marinig ko itong magsalita.

"Kain tayo sa cafeteria..." aya ko, tch. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ba siya inaaya? Nah? Bahala na.

"Why? May balak ka bang lasunin ako?" tanong nito, at tumalon bigla sa puno. "Kung nakakatunaw ang tingin mo, baka natunaw na ako?" tanong nito at ngumisi pa sa akin.

"Nah! Hindi kita lalasunin, tara na! Sumama ka na lang!" sabi ko at hinila na ito papuntang cafeteria. Malapit na kami sa cafeteria, nang ma-realize kong magkahawak kamay pala kaming dalawa. Nakarinig naman ako nang ingay sa paligid.

"Oh my god! Bakit magkahawak kamay sila?"

"My gosh! Ano'ng meron sa kanila?"

"Kaylan pa? Kaylan pa naging sila?"

"Nakakaingit ka gurl! Sana ako na lang si Kairhara, para mahawakan rin ni Papa, Shadow ang kamay ko! Ayieee! Kinikilig ako bakla!" sigaw ng isang bakla. Puro tanong ang naririnig ko sa kanila.

"Malandi ka!"

"Suwerte ni gurl!"

Sinamaan ko na lang sila nang tingin at binitawan na si Kairhara. Itong kasama ko naman parang tuod, walang paki sa paligid. Sa VIP table ko na ito, pinaupo.

"What do you want to eat?" tanong ko rito. Nagulat naman ako nang, ilapit nito ang mukha sa mukha ko. Bigla naman kumalabog nang sobra ang puso ko, ano bang nangyayari sa akin? Uminit bigla ang tenga ko nang bumulong ito sa tenga ko.

"Cupcakes..." ramdam ko ang mainit na hininga nito. Mabilis lang naman 'yon at, lumayo na rin sa akin, mabuti naman. "Why are you blushing my, Cupcakes!" ani nito at nilakasan pa ang pagkasabi, nagbulungan naman ulit sa buong paligid. Tumayo na ako at um-order na, pagkuha ko ng order. Nilapag ko na ito sa harapan niya at, kumain na ako. Hindi naman ako makatingin rito, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang hiya sa katawan.

Napakunot noo ako nang makita kong hindi ito kumakain, anong problema niya?

"Ayaw mo ba nang pagkain? Kumain ka na, hindi ka mabubusog n'yan, kung titigan mo lang 'yan!" tumango lang ito at kumain na. May problema ba siya?

The Devil princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon