Prologue

38 3 0
                                    

Herashia Jewel Aguwera


On-Cam


"You"sabay lipat sa kanan ang camera, lumingon naman ako doon. "And You" lipat na naman ng camera sa kaliwa at muli doon ako tumingin. Nilipat ko naman sa harapan ang camera. "Welcome to Herashia Vlogs!" sabi ko ng may malapad na ngiti.


"As you can see medyo namumutla ako at pumapayat this days." Sabay pakita ng mga kamay ko.


"Medyo nagkakasakit kasi ako pero don't worry tuloy pa rin ang daily vlogs ko."


"Pero ngayon, gagawin ko yung matagal na request niyo" I paused. "The Commenting to hate comments." Sabay palakpak ng kamay.


"Ayoko sana siyang gawin pero malakas kayo sa akin eh."


"And don't worry guys hindi na ako masyadong affected sa mga ganiyan." i said sincerely.


"So today ang gagawin natin ay Commenting to hate comments" sabay kuha ng phone ko.


"Ang dami ko pa lang haters hahaha" sabay scroll sa phone ko. "Pero mga pili lang babasahin ko ha?"


"Ito first hate comments"


"From Jessica Aliw. 'Ang arte-arte mo po. Hindi ka naman po maganda maputi ka lang po. Akala mo po kung sino! Di ka naman po sikat!'" natawa naman ako sa nabasa ko.


"Grabe, hate comment siya pero magalang. Ang daming po hahaha" Tumingin naman ako sa camera.


"Maarte po talaga ako lalo na kapag madumi sino ba naman ang may gusto diba? At alam ko naman na di ako maganda pero salamat sa pagsabi na maputi ako, effective ata yung sabon ko hahaha. So next" sabi ko sabay scroll.


"From Lhanie Garr, 'Feeling blink ka! Eh blonk ka naman talaga may pabackground music ka pa ng music nila eh si Lisa lang naman ang kilala mo! Ew pafame.'" Tumingin naman ako sa camera.


"Okay first of all, hindi talaga ako blink at hindi ako ang nagpamusic it was my sister so kalma ka lang girl. Kilala ko silang lahat pero si Lisa lang ang nabanggit ko sa last vlog. Grabe ang affected mo ha." Napakamot naman ako ng ulo.


"Ano ba naman yang mga hate comments niyo hahaha."sabay scroll naman.


"Another one."


"From Emma Adlan, 'You're a slut! Ang dami mong kaibigang lalaki tapos may kiss ka pa sa cheeks nila! Ang landi! Don't watch her vlogs hindi magandang influence sa mga kabataan'" tuminigin ulit ako sa camera.


"Grabe slut talaga hahaha" at napaface palm na lang ako.


"Mga childhood friends ko sila Earth at ganun na talaga kami magbatian. So hindi daw magandang influence ang mga vlogs ko hahaha" Nagkibit balikat naman ako.


"So mga greeks kayo na bahala kong ayaw niyo ng tumingin ng mga vlogs ko dahil hindi magandang influence." Sabay ngiti sa camera.


"From Lamia Cruz, 'You're just a stupid motherfucker bitch na gustong makisabay sa uso! May paflex ka pa ng spotify and Netflix sa ig stories mo eh wala naman kaming paki alam, at gumamit ka lang naman nung umuso na!'" sumimangot naman ako.


"Ouch!" sabay hawak sa dibdib ko.


"Dami ko naman icecensor hahaha. Ngayon ko lang din nalaman na bawal na pala akong mag stories kung nakikinig ako sa Spotify at nanood sa Netflix." Sabay iling ko.


"Sige next time tatabunan ko na ang Spotify at Netflix na word para di mo na malaman na gumagamit ako." Sabay ngiti.


"And the last"


"From Shia KC, 'Your vlogs are nonsense, pinanood ko ang papangit ng mga contents! Stop vlogging!'" Tumingin ako sa camera sabay hawak sa dibdib ko na para bang na appreciate ako.


"Aww, thank you sa panood ng mga vlogs ko kahit na sa tingin mo ang papangit. Don't forget to subscribe and click the bell button to be more updated sa mga susunod na nonsense vlogs ko."


"So ayun na nga mga greeks, ang grabe naman ng mga hate comments na ito. Sa totoo lang yan lang ang pinili ko kasi parang ito yung mga pinaka harsh pero sa totoo lang ang dami pang mga hate comments dito oh!" sabay pakita sa camera ng phone screen para mapakita ang iba pang screenshots doon.


"Grabe, pero hindi ko naman dinidibdib yung mga hate comments na yan dahil baka mawala pa ang dibdib ko. Madami na akong problema kaya hindi ko na yan idadagdag. I just wanna say na kahit hate comments yan, thank you for wasting your time para lang magcomment ng ganiyan I appreciate you guys dahil baka kulang kayo sa aruga hahahaha." Kinuha ko naman ang camera ko at mas nilapit sa akin.


"So dito na nagtatapos ang aking video for today! Bye greeks, see you on my next vlogs" and I wave my hands and stop recording.


Off-Cam


"Finally natapos ko na." sabi sabay ayos ng camera. Bigla namang bumukas ang pintuan.


"Hera, it's time to drink your medicine." Napangiti naman ako ng mapait.


"Ilagay mo lang dyan sa mesa ma, mag eedit po muna ako ng video." Nakangiting sabi ko sa kaniya. "Kakatapos ko lang po kasing mag video. Ang lalaugh trip nga ng mga hate comments."


Pero wala akong narinig na sagot galing kay mama kaya naman lumingon ako sa kaniya. I saw her covering her mouth para walang lumabas na ingay sa pag iyak niya.


"Ma na-naman." Medyo garalgal kong sabi. I tried to stop my tears from falling. "Wag ka namang ganiyan. Okay pa naman ako." At hinawakan ko ang kamay niya. Niyakap naman ako ni mama sabay halik sa taas ng buhok ko.


"I know anak. You're strong diba?" I nod to her. "Hindi mo naman iiwan sila mama diba?" I nod to her again.


"Oo naman ma." Sabay tingin sa kaniya.


I am a vlogger. But I didn't do it for entertainment purpose at first that was my goal. But something happened and now I am doing this to record my remaining days. 

RecordedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon