Chapter 3

21 3 0
                                    


Herashia Jewel Aguwera


On-Cam


"You"sabay lipat sa kanan ang camera, lumingon naman ako doon. "And You" lipat na naman ng camera sa kaliwa at muli doon ako tumingin. Nilipat ko naman sa harapan ang camera. "Welcome to Herashia Vlogs!" sabi ko ng may malapad na ngiti.


Medyo sanay na ako intro ko kaya hindi na ako nahirapan.


"This is my another daily vlogs episode"


"As you can see greeks, wala ako sa bahay" sabay libot ng camera sa palibot ko. Napatingin naman ang ibang tao sa akin dahil sa ginawa ko. Ibinalik ko naman sa harap ko ang camera dahil medyo nahiya ako.


"Medyo daming tao hahaha." And I laugh. "Pinagtitinginan na ako dito hahaha."


"Pero kebers. Nandito ako ngayon sa isang café dahil I want to treat myself today."sabay taas na kamay ko.


"Mataas kasi ang grades ko ngayon at isasama ko kayo sa pagcelebrate. Simpleng kain lang na kayo ang kasama ko. So ooder muna ako." Sabi sabay tayo.


Off-Cam


Inoff ko muna ang camera ko at lumapit sa counter.


"Ahm isang marshmallow pizza and isang chocolate shake." Pero parang hindi ata narinig ng babaeng nasa counter dahil parang natulala siya. Kinaway ko naman ang kamay ko sa harap niya para mapansin niya ako.


Parang nagulat ata siya kaya naman medyo napayuko siya.


"Sorry po maam. Idol po kasi kita parati po akong nanonood ng vlogs niyo!" medyo tili niya.


Nagulat naman ako sa sinabi niya.


Namula kaunti ang mukha ko sa sinabi niya. Di ko naman kasi ineexpect na may nakakakilala sa akin dito. Di naman ako masyadong sikat.


Napakamot naman ako ng balikat ko. Awkward.


"Ah talaga?" medyo nahihiyang tanong ko.


"Opo! Ang ganda niyo po sa personal!" muntikan pa siyang tumalon habang sinasabi yun. 


"Pwede pong papicture?"


"Ah, eh sure hahaha" medyo hilaw kong tawa.


Di naman bago sa akin ang magpapicture pero nagugulat at medyo awkward pa rin para sa akin kapag may nagpapapicture.


Dali dali naman niyang kinuha ang phone niya at lumapit sa akin.


"Akin na." sabay lahad ng kamay ko, nahihiya niyang inabot ang cellphone niya sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para makita kaming dalawa sa camera.

RecordedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon