Chapter 5

13 3 0
                                    

Herashia Jewel Aguwera


Off-Cam


Two months has past simula nung huling usap namin ni Zeus at hindi na nasundan hmp. Pagkatapos niya akong tawaging baby?! Ghoster ang putik!


Pasalamat siya at medyo naging busy ako dahil sa thesis namin kaya hindi ko masyadong inaalala yung pang ghoghost niya sa akin.


Parati pa rin akong nagdaidaily vlogs pero puro papuntang school at kung anong ginagawa ko sa school ang content. Ayun naman kasi ang purpose ng daily vlogs.


Ngayon ay nandito kami sa isang Chinese restaurant kasama ang mga kaibigan ko.


On-Cam


"So guys nandito tayo ngayon sa favorite Chinese Restaurant namin ng mga friends ko." Sabay libot ng camera. Tinutok ko naman ang camera ko sa mga friends ko.


"Say Hi guys." utos ko sa kanila.


Sabay sabay naman silang kumaway.


"Tapos na kaming mag order at ang mag babayad ay si..." At nilapit ko ang camera kay Earth. Medyo napaatras siya sa gulat.


"Tadah! Si Mundo! Yehey libre niya ang lunch namin ngayon!"


"What the?! Anong libre ka dyan? KKB to." nagtawanan naman sila Rielle at Charden.


"Libre niya to guys maniwala kayo." gatong ni Charden.


"Mga greeks kung gusto niyo ng masarap na Chinese cuisine puntahan niyo ang Restaurant na ito, ilalagay ko lang mamaya kung saan ito banda. This is not sponsored ha? Pero baka lang naman ehem" at tumawa ako.


Bigla naman akong tinapik ni Rielle sa balikat to get my attention dahil siya ang katabi ko. Sa harapan ko naman ay si Earth at ang nasa tabi niya ay si Charden.


"Girl pinagtitinginan na tayo." bulong niya sa akin.


Kaya naman nilapit ko sa akin ang camera ko. And acted like whispering.


"Greeks, medyo dumadami na ang tao at pinagtitingnan na ang table namin hahaha."


Maya maya ay dumating na ang orders namin. I made a quick montage sa pagkain namin.


"Dyan lang muna kayo ha?" sabay lagay sa gilid ang camera kung saan kitang kita kaming lahat na kumakain.


"Don't worry guys free na kayong magsalita, I'll just record this pero tatanggalin ko naman ang sound." Sabi ko sa kanila.


Kaya naman kumain na lang muna kami. Pagkatapos naming kumain ay pinatay ko na ang camera dahil okay naman at yun. Mamaya na naman ako mag vivideo.

RecordedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon