Herashia Jewel Aguwera
Off-Cam
"Whaaa! Congratulation my freny!" sabay yakap sa akin ni Rielle. Napangiti naman ako.
"Thank you Rielle." And I hug her back.
"Grabe iba talaga ang naka 50 thousands subscriber" sabay akbay sa akin ni Earth. "Ehem, baka may libre naman dyan"
I laughed at my friend's remarked.
"Sige pero bukas na, sila mama muna ang ililibre ko."
Limang buwan na mula ng nagsimula akong mag vlog and hindi ko inexpect na ganito na ang naabot ko. This is another achievement para sa akin.
Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko dahil kanina pa naghihintay sila mama sa bahay para magcelebrate para sa 50k subs ko.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong nila ako ng yakap. I was shocked to see the dining na puno ng pagkain at halos lahat paborito ko. Akala ko ako yung magsusurprise kila mama pero naunahan nila ako.
"Grabe ate alam mo ba marami sa mga kaibigan ko ang nanood ng vlogs mo."
"Talaga?" sabi at kumuha ng pagkain.
"Oo nga. Sabi pa nga nila ang suwerte ko daw at ate kita." Ginulo ko naman ang buhok niya.
"Oh, sige kain ka na."
Bigla naman akong niyakap ni mama.
"Congratulations anak." Sabay halik sa taas ng buhok ko. Kissing our heads is my mother's favorite gesture.
"Para sainyo din to. Sa sunod 100k subs na naman ang icecelebrate natin" sabi ko at niyakap si mama.
Sana nga.
"Pero dapat ako na ang maghanda." Sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.
"May regalo pala kami ng papa mo" biglang sabi ni mama at umakyat siya sa taas.
"Pa?"
Nagkibit balikat lang si papa. Maya-maya ay bumalik na si mama na may hawak na box. Inabot naman niya ito sa akin.
Binigyan ko naman ng pagtataka sila mama.
"Sige na anak buksan mo." Utos ni papa.
Ng buksan ko ay bigla namang may namumuong luha sa mata ko. It's a Canon PowerShot G7X Mark II. Tiningnan ko sila mama para masigurado kung totoo ba yung nakikita ko.