Herashia Jewel Aguwera
Off-Cam
"Grabe girl ang gwapo pala ng manliligaw mo." Tukso sa akin ni Rielle. Nandito kami ngayon sa hallway papuntang library.
"I mean ng boyfriend mo na pala hahaha." Sabay sindot sa tagiliran ko.
Pinalo ko ang kamay niya dahil wala ako sa mood sa pang aasar niya.
"Ay bad mood ka te?"
I sigh. Sino ba naman ang hindi mababad mood? It's been a week ng maupload ko yung 'Revealing my Boyfriend' churvanes ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanood ni Zeus!
Hindi naman sa gustong makita niya kaagad pero sana man lang after one or two days after kong maupload yun ay nakita na niya. Halos lahat ng kakakilala ko ay alam na nilang Boyfriend ko na siya.
Kaso yung boyfriend ko di niya pa rin alam!
"Diba dapat masaya ka? Yung nang ghost sayo boyfriend mo na!" I glared at her.
"Eh kasi naman di niya pa alam!" reklamo ko sa kaniya.
"Ha?" nagtatakang tanong niya. "Di ko gets girl."
"Hindi niya pa napapanood ang video!" sabi ko sabay padyak.
"What?!"
"Seryoso?!
Tumango naman ako sa kaniya.
"Edi sabihin mong panoorin niya"
"Ih nahihiya ako." I said while pouting.
Binatokan naman ako ni Rielle.
"Gaga! Bakit di pa kasi deretsohin?"
"Gusto ko nga kasing unique."
Tumawa naman siya.
"Yan sa sobrang unique di niya pa alam na kayo na pala hahaha." Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi niya.
Nakaka inis naman itong si Zeus!
Pagkatapos ng klase namin ay sinundo na ako ni Zeus. Napansin kong medyo pagod ang itsura niya.
"Are you okay?"
"Hmm." He said tiredly
"Are you sure?" I said and he look at me.