Herashia Jewel Aguwera
Off-Cam
Bigla akong nanigas sa sinabi niya. Wait? What? He didn't ghost me?! Anong tawag dun? Monster?!
Bigla atang bumalik ang lakas ko kaya naman tinulak ko siya.
"Baby your face!"
Nakita ko naman siyang ngumisi. Ang gwapo!
I mentally shake my head, focus Hera! Galit ka sa kaniya.
I saw that he is about to open his mouth again but I raise my hand to stop him.
"Don't you dare speak a word!" banta ko sa kaniya. I saw that he was about to grab my hand again but I quickly dodge it.
"Wag mo akong susundan!" at umalis na nga ako.
Letse siya paasa!
Nang makarating ako sa bahay ay dumertso na ako sa kwarto. I slammed my body in the bed and sigh.
Bakit ba kasi siya nandoon? Kung kailan medyo nagmomove on na ako sa kaniya hmp! Epal!
Bigla akong napalingon sa loob ng bag ko ng marinig ko itong tumunog. Kinuha ko naman kaagad ang cellphone at nakita ko ang daming miscalls nila Rielle sa akin.
Shit! Iniwan ko nga pala sila doon. Tatawagan ko na sana sila pero nakita ko ang incoming call ni Rielle. I quickly answered it.
"Girl!" bigla ko namang inilayo ang cellphone sa tenga ko dahil parang mabibingi ako sa sigaw niya. Ibinalik ko naman kagad ng medyo kumalma na yung boses ni Rielle.
"Yes?"
"Where are you?!"
"Sorry, nasa bahay na ako."
"At di ka man lang nagpaalam?! May pawalk-out ka pang nalalaman?! Gaga!"
I sigh. Kasalanan talaga ito ni Zues!
"Sorry."
"Pero grabe! Sabi mo di gwapo yung lalaki?!"
"Huh?"
"Anong ha?! Ka dyan! Yung lalaki kanina na tumawag at sumunod sayo! Siya yung lalaki sa picture no? Yung gwapo kahit nakatalikod na sinabi ni Chard?!"
Inilayo ko naman ang cellphone sa tenga ko. Mabibingi nga talaga ako kay Rielle.